Scrapbooking: The New Yoga

scrapbook1                                                                                                            Matapos ang halos isang buwan na pabalik-balik ko sa crafts section ng iba’t-ibang branches ng Eslite bookstores, matapos ang halos gabi-gabi kong pagbabasa ng mga scrapbook magazines at pag re-research sa internet, natapos ko ang kauna-unahang scrapbook ng aking mga photos. Hindi ko alam kung uulitin ko pa ang buong experience kasi nakakapagod, time consuming at magastos ang buong proseso. Pero sa kabila ng lahat ng ito, tama ang mga experts. Gaya raw ng knitting and other forms of crafts, scrapbooking is now the new yoga.

Sa totoo lang, wala akong kahilig hilig sa mga crafts. Nagkaroon lang ako ng idea na gumawa ng scrapbook nang minsang ni review ko ang halos 200 kong mga albums nang almost 2,000 kong photos sa Facebook. Sabi ko sa sarili, what if piliin ko ang mga best at favorite kong photos, ipa-print ko sila at i-organize ko ito sa isang album? At sa paggala ko sa mga bookstores in search of an album, doon ko napag-alaman na sobrang dami ng mga Taiwanese–babae man at lalaki ang nahuhumaling sa paggawa ng scrapbooks. Sa basement 1 ng Eslite bookstore sa Dunhua street, pumipila ang mga tao sa pagbili ng kung ano-anong stickers, special papers at craft items na may Martha Stewart brand.

At doon ko nga napag-alaman sa pagbabasa basa ko na kahit sa Amerika, scrapbooking is a $US1.5 billion industry. Kaya naman pala sobra nang yumaman itong si Martha Stewart. Apat na milyong babae and seriously engaged sa craft na ito at dumarami nna rin daw ang mga lalaki who go into scrapbooking.

Bakit ito tinawag na new yoga? Kasi therapeutic ang magkukutingting ng kung ano-ano. Buhay na buhay na umaandar ang iyong imahinasyon kung anong design ang iyong gagawin. At dahil ang buong exercise ay isang creative process, may puntong talagang makakalimutan mo ang iyong sarili at hahayaan mo na lang na mawala ka sa mundo ng mga kulay, stickers at crafts. Ang ultimate high ay pag nabuo mo na ang isang layout at nagustuhan mo ito.

Experiment lang ang una kong pagsabak sa mundo ng scrapbooking. Hindi ko alam kung uulitin ko pa ito pero may pakiramdam akong this will further lead me to explore other creative pursuits.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

2 Responses to Scrapbooking: The New Yoga

  1. Ron, you’ve gone over to the dark side.🙂 (You really cover all topics ‘no?) Haha! I was suckered in back in 2003 so I’ve had 10 years to accumulate supplies. As far as actual completed pages? Well, you’re ahead of me. I’m slowly getting back into it after realizing I spent way too much money and just piles of loose photos to show for it.

    By the way, are those washi tapes on the left?

    ~T

  2. Hello, sorry for the very late reply. I’ve said goodbye to scrapbooking after my first attempt. Nah, it’s not for me. But yes, those are washi tapes.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s