Dark Chocolates

Once a week, for the past four weekdark chocolates,  kumakain ako ng isang bar ng dark chocolate. Aware ako na mataas ito sa fat kaya naman alalay lang ako sa amount of dark chocolate na aking kinakain. Matagal-tagal din akong nagtanong at nagbasa-basa bago ko ito regular na nilalagay  sa aking grocery list. Bakit nga ba?

Ayon sa maraming internet sources, mayroon daw anim na health benefits ang regular na pagkain ng dark chocolates:

  1. Mabuti raw ito para sa puso–Nakakapagpababa raw ito ng blood pressure, nakaka-improve ng daloy ng dugo at nakaka-prevent ng blood clot at arteriosclerosis (ang paninigas ng mga arteries);
  2. Mabuti raw ito para sa utak–Nalista na ito ng TIME Magazine na isa raw ito sa mga pagkain na nakaka-enhance ng katalinuhan. Tumutulong diumano ang dark chocolate sa mabilis na daloy ng dugo patungo sa ating mga utak, at nakaka-prevent din ito ng stroke;
  3. Nakakatulong ito sa pag-control ng blood sugar–tumutulong daw ang dark chocolate sa pagpapanatiling healthy ng ating mga blood vessels at normal na blood circulation para maiwasan natin ang pagkakaroon ng type 2 diabetes. Ang taglay nitong flavonoids ay nakakabawas ng insulin resistance na siyang nakakatulong sa cells para mag function normally at ma-regain ang abilidad nito upang mas maging efficient ang paggamit ng insulin sa ating katawan. Mababa rin ang kanyang glycemic index kaya hindi tataas ang ating blood sugar level.
  4. Puno raw ito ng antioxidants–ang mga oxidants ay parang mga lason sa ating katawan. sila yung mga free radicals na nagdudulot ng damage sa ating mga cells na siyang nagdudulot ng cancer at madaling pagtanda. Kapag kumain tayo ng mga pagkaing puno ng antioxidants, para rin niyang nililinis at pinupurga ang katawan natin  sa mga lason.
  5. May taglay daw itong theobromine–ito raw yung nakapagpapatibay ng ating teeth enamel kaya di katulad ng normal na tsokolate na nakakasira ng ngipin, ang dark chocolate ay kabaligtaran nito. Nakapagpapatibay ito ng ngipin. Meron din daw itong mild stimulant na nakakatulong sa pagtigil ng pag-ubo.
  6. Mataas daw ito sa vitamins and minerals–ang dark chocolate daw ay may high concentrations ng potassium, copper, magnesium at iron. Ang copper at potassium daw sa dark chocolate ay nakaka-prevent ng stroke at cardiovascular ailments. Ang iron naman na taglay nito ay tumutulong sa pag-prevent ng pagkakaroon natin ng anemia at ang magnesium ay nakaka-prevent ng diabetes 2, alta-presyon at sakit sa puso. (Source: http://www.fitday.com)

Ang gusto ko pati sa dark chocolate, hindi siya matamis. Sa katunayan, may taglay pa nga itong kapaitan.

Iba-iba rin ang klase ng dark chocolates. May mga brands na puro at high quality kaya mahal. Mayroon namang katamtaman lang. Sa 7-11, may 70% dark chocolate na nagkakahalaga lang ng $35NT (or roughly less than a hundred pesos). Medyo may kamahalan din pero okay na rin kung iisipin natin ang kanyang mga natatanging health benefits.

Sa aking experience nang minsang sinikmura ako ng matindi, kumain lang ako ng dark chocolate and in less than 15 minutes, nawala ang sakit ng aking sikmura. Syempre, dahil hindi naman ako doktor o experto sa nutrition, di ko ma-e-explain in scientific detail ang nangyaring pagkawala ng sakit ng aking tiyan. Ang masasabi ko lang, nawala talaga ang sakit ng aking tiyan matapos akong kumain ng dark chocolate. Effective para sa akin.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Food, Health. Bookmark the permalink.

3 Responses to Dark Chocolates

  1. Ida says:

    Mahilig din ako sa dark chocolates, Ronald. Yum yum…🙂

  2. Ida says:

    Yup! Halos araw araw akong kumakain niyan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s