Prozac Balcony

Nadiskubre ko ang Prozac Balcony, isang bar at coffeeshop na matatagpuan sa 235 Anhe Road, Section 2, Taipei dahil sa aking regular brisk walking exercise tuwing hapon. Iniiba-iba ko kasi ang aking destinasyon tuiwng ako’y naglalakad at nang minsang mapaliko  ako sa Anhe road for the first time, tumambad sa aking paningin ang maliit na bar na ito. Kaagad akong natuwa sa kanyang hitsura kasi inviting ang kanyang interiors, kahit na nga may kaliitan ang kanyang space. Parang di kakasya ang 100 tao sa loob. Nag-mental note ako na minsan, iimbitahin ko ang aking mga kaibigan dito.

Na siya ko ngang ginawa. Simula noon, may 10 beses na yata akong nakabalik sa Prozac at sa tuwi-tuwina, umuuwi akong masaya. Bakit nga ba? Maganda kasi ang lugar–homey at cozy ang loob ng coffeshop at bar. Kahoy ang sahig, maganda ang lighting, tasteful ang decors, at nasa tamang sound level lang ang smooth jazz music na tumutunog sa background. Bukod pa rito, hindi magulong pakinggan ang ingay–kahit na napupuno ang bar, at umuugong ang conversations sa bawa’t sulok, makaka-engage ka pa rin sa isang normal conversation. Di ito tulad ng ibang pubs na nagsisisgawan na kayo sa lakas ng music. Bukod pa rito, bawal manigarilyo sa loob kaya hindi ako natatakot umuwing amoy yosi.

Nakakaaliw ring panoorin ang mga barista habang pineprepare nila ang mga order na kape, tsaa o cocktail drinks sa mismong harap ng bar. Sabi nga ng isa kong kaibigan, very professional daw ng kanilang preparation. May mga value-added silang ginagawa gaya ng pagdisenyo ng froth ng mga kape. Kahit ang kanilang mga ice cubes ay naka hugis na parang golf balls. Hindi mura ang presyo ng mga pagkain at drinks sa Prozac pero reasonable naman.

Foreigner friendly din ang lugar at mababait din ang kanilang service crew. Sa ilang beses ko ng kababalik dito, kilala na nila ako at ang aking mga kasamahan. Mayroon silang laging ready greeting na “hello” and “how are you my friends? na ikinakatuwa naman namin

The place also also reminds me of Manila bars. Sabi ko nga sa isang kaibigan, naaalala ko lagi nung nag o-opisina pa ako sa Manila at nag-u-unwind kami ng aking barkada kapag gabi, lalo na kung weekends. “Ganitong-ganito kami noon,” sabi kong natatawa dahil para akong nag-p-promote ng lumang pelikula ni Eddie Romero.

Ipinaliwanag ko rin na hindi naman lahat na nagpupunta sa bars o pubs ay mahilig uminom. Minsan ay masarap lang talagang magmasid o maki-usyoso sa mga nangyayari sa loob. Kumbaga sa musika, may kanya-kanyang kumpas ang mga bars at tamang-tama naman, akma ang rhythm at tunog ng Prozac Balcony sa aking pandinig.

Bukod pa rito, malapit lang ito sa aking tinitirhan. Isang train station lang ang layo kaya pwedeng pwedeng lakarin.

Naisip ko lang ang Prozac Balcony kasi Biyernes ngayon at masarap sanang mag-unwind ngayong weekend. Pero mukhang wala akong mayayaya ngayon. May mga kaibigan akong out of the country. Ang iba ay busy sa trabaho at sa school.

Di bale, TV series marathon na lang ako mamaya. Saka ko na lang Prozaculit dadalawin ang Prozac.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Food, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s