Ciabatta

ciabattaSa Pinas, nakakakain lang ako ng ciabatta bread sa mga restaurants na gaya ng Italiannis. Gaya ng mga kapatid nitong tinapay tulad ng focaccia, sinserve ito kasama ng olive oil at balsamic vinegar. Malinamnam nga naman ang lasa ng nasabing mga tinapay. Kamakailan lamang, lumawig ang kaalaman ko sa mga Italian bread ng imbitahan ako ng aking kaibigang Kastila na si Alex sa kanyang bahay para doon maghapunan. Alas siete y media ang aming na-set na oras pero mas maaga akong nakarating. Medyo nataranta si Alex kasi hindi pa pala siya nakakapag prepare.

“Don’t worry,” sabi ko. “I’d like to help you prepare.”

“Really?” Sabi niya. “Could you help me out with the ciabatta?”

At doon na nagsimula ang aking edukasyon tungkol sa Italian white bread na kung tawagin ay ciabatta. Literally, it means slipper bread at kapag nahiwa at natusta ay tinatawag ding pianino. Unang nakilala sa Liguria, Italy, ang ciabatta ay matatagpuan na ngayon sa halos lahat ng bakeries sa mundo.

Sa Espanya raw, kung saan ang ciabatta ay nabibili na parang pan de sal, may nakagawiang recipe ang mga Kastila na itinuro sa akin ni Alex. Una, hihiwain muna ang mahabang tinapay sa maninipis na hugis, tapos i-t-toast ito using a normal bread toaster.

Pagkatapos nito, maghihiwa rin ng sariwang bawang at i-r-rub ito sa na toast na ciabatta.

“Rub?” Tanong ko. “Hiw do you do that?”

Pinakita sa akin ni Alex kung paano. Kiniskis niya lang ng dahan-dahan ang bawang on both side of the bread. Sa loob-loob ko, ano kayang lasa nun?

Pagkatapos makiskisan ng sariwang bawang, kamatis naman ang sunod na sinabi sa aking ikiskis sa tostadong ciabatta. Ito ngayon ang i-d-dip sa pinaghalo-halong olive oil, mozarella cheese at balsamic vinegar.

Mahirap i-describe ang lasa ng ciabatta na may halong bawang, kamatis, olive oil at balsamic vinegar pero kung baga sa tao, ka-vibes na ka-vibes ko siya. Malinamnam ang pinaghalo-halo flavor ng asim, alat at konting tamis.

Ciabatta, tuna salad at red wine lang ang aming hapunan pero isa ito sa masasabi kong kakaiba at pinakamasarap na hapunang aking nadaluhan.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Food, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s