Three Movies in One Week

Unang linggthe hobbito pa lang ng 2013 at naka-tatlo na agad akong pelikula. Maganda o masama ba itong pangitain para sa bagong taon? Considering na bukod sa pagbabasa, ito lang naman talaga ang bisyo at aliwan ko, masasabi kong given my movie watching history, kulang pa nga ito. Eto ang aking take sa tatlong magagandang pelikulang napanood ko last week.

JACK REACHER–Base sa nobelang “One Shot” ni Lee Child (totoong pangalan Jim Grant) at dinirek ni Christopher McQuirre (na siya ring nag-direk ng “Valkyrie),” ang “Jack Reacher” ay  tungkol sa isang military sniper/sharpshooter/killer na basta na lang bumaril at pumatay ng limang tao on broad daylight sa isang park sa Amerika. Nang mahuli at mabugbog ang killer, isa lang ang kanyang nasulat sa papel: “Get Jack Reacher.” Enter Tom Cruise as Jack Reacher, isang US Army Military Police Officer na matindi ang killer instincts at investigative powers. Naniniwala si Reacher na ang nahuling sniper ay inosente at ang totoong sharpshooter ay malaya pa. Matindi ang aksyon at bilang manonood, alam mong si Cruise, bilang producer ng pelikula, ay pinapatunayang nasa itaas pa rin siya sa listahan ng bankable action stars ng Hollywood kahit na nasa mid-40s na siya. Sa mga publicity press releases, talagang na-highlight na hindi siya gumamit ng double lalo na doon sa mga car chase scenes. Na totoo namang makapigil-hininga. Maganda at magaling ding umarte ang partner niyang si Rosamund Pike (partner ni Pierce Brosnan sa isang James Bond movie) na gumanap bilang lawyer na kakampi ni Jack Reacher. May sorpresa ring pinamalas ang batikanong aktor na si Robert Duvall sa nasabing high-octane thriller.

HOPE SPRINGS–Directed by David Frankel (“The Devil Wears Prada”)and written by Vanessa Taylor, ang “Hope Springs” ay isang pelikula tungkol sa senior citizens na mag-asawa na tila nawalan na ng asim ang kanilang relasyon. Si Kay, (Meryll Streep) ang maybahay ang nag-initiate ng paraan upang magkabuhay muli ang kanilang relayson ng kanyang asawang si Arnold (Tommy Lee Jones). Nagbayad siya ng mahal para sa isang linggo ng therapy sessions sa isang relationship psychologist (Steve Carell). Hindi pambata ang pelikula dahil very adult ng iniikutang topic–ang intimate sexual lives ng mga senior citizens. As expected, ang performances nina Streep. Jones at Carell ang nagbigay ng ibayong kulay at buhay sa isang simpleng istorya. Hindi ko alam kung magiging nakakatawa at nakakaaliw pa ang pelikula kung hindi sila ang mga gumanap sa mga characters ng istorya. Isang bagay na na-discover ko habang pinapanood ang “Hope Springs:” Hindi pala totoong hindi na importante ang sex pag senior years na ng mag-asawa. On the contrary, intimacy plays a vital role in keeping the relationship alive and on fire!

THE HOBBIT: AN UNEXPECTED JOURNEY–Sa tatlong pelikula, sa “The Hobbit” ako pinaka nag-enjoy. Bagay na di ko inaasahan kasi hindi maganda ang mga una kong nabasang reviews sa mga magazines at newspapers. Pero sobra-sobra akong naaliw sa prequel na ito ng “Lord of the Rings” na tumalakay sa adventures ng Hobbit na si Bilbo Baggins. Nang imbitahan siya ng Wizard na si Gandalf, the Grey na sumama sa grupo ng mga duwende para hanapin ang mga nawawalang treasures na ninakaw diumano ng isang drgagon na si Smaug, naging tuloy-tuloy na ang aksyon ng pelikula from start to finish. Sa totoo lang, mas nag enjoy ako rito kesa “Lord of the Rings.” Talagang umaatikabong aksyon at panay ang aking “wow” at “hanep” sa ganda ng mga stunning visuals. Ang haba ng eksena ni Baggins at ang kontrabidang Stoor Hobbit na si Gollum pero sobrang enjoy at nakakaaliw ang CGI character na nilapatan ng boses ng actor na si Andy Serkis. Alam naman nating lahat na mahilig ngang makipagtalo sa kanyang sarili ang may split personality na si Gollum kaya nakakatawa ang kanilang mahabang eksena ni Baggins. Malinaw ding naipakita sa kwento ang tema ng “finding the bigger you or the hero in you” sa mga adventures at challenges na pinagdaanan ng bidang hobbit na si Bilbo Baggins.

Ngayon pa lang, di na ako makatulog dahil inaabangan ko naman ang mga nasa listahan kong sine na aking papanoorin in the next coming weeks. Nasa unahan ng aking listahan ang musical version ng “Les Miserables” na talagang sa trailer pa lang ay kinikilabutan na ako.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Movies. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s