Anghang

Pag na-de-depress ako, naghahanap ako ng mga pagkaing maaanghang. Ganundin kapag ako’y na-b-bore o  kaya’y nchilliesilalamig. Naghahanap ako nung klase ng anghang na kumakagat, gumuguhit at nakapagpapapawis. Bukod kasi sa alat at asim, paborito ko rin ang lasa ng anghang. Hindi ako Bicolano. Wala rin akong lahing Bombay, Koreano, Singaporean o Thai pero ang hilig-hilig ko sa sili. Kapag namimili ako sa grocery, lagi akong naghahanap ng sili o kaya ay hot sauce, tabasco at jalapeno. Sa mga restaurant dito sa Taipei kapag nag order ako ng sopas o kaya’y hotpot, winawarningan ako ng mga food servers: “It’s spicy,” sasabihin nila. “It’s okay, I don’t mind,” sasabihin ko. Gusto ko pa ngang dagdagan ng: “Bring it on!” Pero baka naman mayabangan sila sa akin at di na ako makakain sa tindi ng hanghang.

Si Daphne, yung manunulat kong kaibigang tiga-Singapore ay minsang nakasama kong kumain sa isang restaurant sa Changmai, Thailand. Ang sili, ginawa niyang parang saging. Kain-kain at ngata-ngata niya ang isang malaking sili. Sa tindi ng anghang, kitang-kita ko kung paano siya nagluluha. Pero hinahayaan lang niya ito. Sayang-saya siyang parang nag-o-orgasm sa pagkain ng sili. Hindi naman ako ganun. May ka-OA-yan na yun.

May kaibigan din akong pari na tiga Myanmar. Sili rin palagi niyang hanap-hanap pag kumakain. “That’s too much chillies, Father,” puna ko. Matatawa lang ang pari. “It’s anti-cancer,” isasagot niya sa akin.

Minsan, pag wala akong maggawa, dinedebate ko ang aking sarili. Ano ang pagkakaiba ng anghang ng Thai food sa Korean food? Bakit ang tomyum ng Thailand, ang tindi ng hiwa sa dila samantalang ang wasabi naman ng Japan, ang sakit sa ilong? Pero bakit sa kabila ng hapdi, hinahanap-hanap pa rin ng mga tao ang anghang?

Nagtrabaho ako rati sa Asian Vegetable Research Development Center sa Tainan, Taiwan at isa sa mga priority crops ng nasabing research center ay mga chillies. Dito ako na-expose sa iba’t-ibang uri ng sili sa mundo at dito ko rin nalaman na marami palang taglay na beta-carotene, Vitamin B6, iron, magnesium at vitamin C ang mga sili. Memoryado ko pa nga ang mga ine-edit naming report tungkol sa sili. “It belongs to the genus Capsisum, and members of the nightshade family, Solanaceae.”

Parang bale wala ang pagkain ng pizza kung walang tabasco sauce. Ganundin ang nachos na walang jalapenos. May panahon noon na hindi ako nakakakain ng marami kapag wala akong kimchi. Bumibili talaga ako noon parati sa frozen foods section ng SM. Dito naman sa Taipei, bumibili ako ng chili oil pero nililimitahan ko na lang ang gamit nito kasi takot naman akong magka-ulcer.

Syempre pa, masarap ang kaldereta kapag kumakagat ang anghang. O ang ginataang gabi na may sili. Ako nga kahit adobo, pastel o bistek, binubudburan ko yan noon ng maninipis na hiwa ng sili–yung ating labuyo na mapapahirol kayo sa anghang.

Naiisip ko ngayon ang sili kasi ang lamig-lamig dito sa Taipei. Sabi sa news, mag-d-drop pa raw ang temperature mamayang gabi. Na compound pa ang kalamigan kasi umuulan at malakas ang hangin. Nagka crave tuloy ako sa sopas na mahanghang. Siguro nga kasi, yun ang purpose ng sili–nagbibigay anghang ito sa buhay kapag dinadaanan tayo ng bagot, lungkot, panlalata, antok, barsyagas, inis, panlalamig, atbp.

Kaya ganun din ang mga chilli taglines: Spice it up, make it hot, burn your tongue!

I love chillies.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Food, Reflections. Bookmark the permalink.

2 Responses to Anghang

  1. The Hag says:

    My Mom swallows 11 bird’s eye chillies in a day (3-4 pcs every 4 hours). She’s been doing it for a week na. Good for the pancreas daw. I like a piece of sili on my sawsawan and on anything with gata (Bicolano dishes)…pero never raw. Hot!!

  2. Talaga? 3-4 pcs every four hours? Tell me kung anong effect. it seems kulang pa ang dosage ko ng sili.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s