Unang Araw ng 2013

DSC_0293Gaya ng inaasahan, tanghali na akong naggising. Tamad na tamad pa akong bumangon kasi sobrang lamig at ang sarap pang mamaluktot at matulog. Nag-quick flashback ang utak ko sa mga nangyari kagabi. Nag-dinner ako kasama ng aking mga kaibigang foreigner sa isang ordinary Taiwanese restaurant sa Xinyi district. Kasama ko rin si Martin, ang aking barkadang Pinoy. Matagal na kaming di nagkikita-kita ng mga kaibigan kong Amerkano, Pranses, Espanyol at Taiwanese kaya masarap at masaya ang kwentuhan. Masarap din ang pagkain. Higit sa lahat, nakakagulat ang kamurahan ng presyo ng pagkain at drinks. Binalak naming magpunta sa San Yat Sen Memorial Hall para panoorin ang New Year’s countdown at fireworks sa Taipei 101, pero di na kami nakaabot doon. Grabe ang dami ng tao sa daan kaya tumayo na lang kami at naghintay ng fireworks. Upon the strike of 12 midnight, sumabog na nga ang fireworks. Palakpakan. Sigawan. Walang katapusang akapan at batian ng Happy New Year ang mga tao. I made sure I captured part of the moment kaya naka post na ang mga piling pictures sa aking Facebook wall.

Lakad-lakad pa kami at bumili ng lusis para ma-kodakan ulit ang moment. Tapos naghanap na naman kami ng restaurant kasi nakaramdam na naman ng gutom ang ilan sa amin. Kaso sarado na halos lahat ng establishments kaya we settled for street hawker foods. Okay na rin. Ang dami pa ring tao considering na pasado alas dos na ng umaga. Pumipikit na mata ko sa antok kaya nag-aya na akong umuwi. Bukas pa rin ang MRT at bilib ako sa dami ng volunteers na nag g-guide sa mga commuters at naglilinis ng basura. Di ko nakikita ang ganitong klaseng efficiency sa Pinas na kahit na gaanong kadaming tao ay very orderly ng lahat. Nagsisiksikan man ay walang tulakan at awayan na nangyayari.

Kanina, I went through the motions. Naligo, nagluto, kumain, nagbasa ng news at mga emails. Pinipilit kong i-psyche up ang aking sarili na working day na naman bukas at ang dami kong kailangang gawin. Wala pa rin ako sa work mode pero wala akong choice. Nag start na akong maglista ng aking mga priorities. Kailangan ko bang gumawa ng New Year’s resolutions? Sabi ng kontrabidang bahagi ng utak ko, huwag na. Di ko rin naman masusunod. Will just try to be better na lang sa lahat na aspeto ng buhay ko–lalo na nga sa aking resolve na maging mas healthy ngayong 2013.

Ano kayang nag-aantay na kapalaran for the year? Gaanong karami sa mga magaganap sa aking buhay sa 2013 ang kontrolado ko at produkto ng aking mga personal choices sa buhay? Ilang porsyento naman kaya ng mga mangyayari sa akin ang mai-ca-categorize ko na beyond my control? Syempre, walang concrete na sagot sa aking mga stupid, OA questions. Basta, I will be hoping for the best. Sana lang mas maging kalmado ako, mas maging judicious at mas humaba pa ang aking pasensya sa mga tao.

Kahapon, bago ako lumabas ng bahay, pinanood ko ang aking favorite cartoon film na “The Incredibles” sa cable TV. Nakita ko na naman ang isa sa pinakagusto kong cartoon character na si Edna Mole, ang costume designer ng mga super heroes. Sa pakikipag usap niya kay Electra girl, she said something which struck a chord in me. Sabi niya: “I never look back. It distracts me from the now.” Very apt for new year, sabi ko sa sarili.

Today is the first day of the rest of my life and I choose and will forever continue to choose being happy. Sobrang cliche, pero e ano ngayon? Ang mahalaga, ramdam ko ito at talagang tumatagos pa sa kaibuturan ng aking buong pagkatao.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Reflections, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s