2012: The Year that Was

Ni launch ang Curiosity, ang Mars Science Laboratory nitong taong ito. Kumitil ng maraming buhay at sumira ng sanlaksang ari-arian ang hurricane Sandy sa America, gayundin ang bagyong Pablo sa Mindanao. Nagkaroon ng bagong woman P2012resident ang South Korea. Namatay si Dolphy. Napasa ang RH Bill. Namayagpag ang Indie Films sa Pinas at naging first runner up sa Miss Universe si Janine Tagunon. Ito ang ilan lamang sa mga headlines na bumulaga sa atin nitong 2012, ang Year of the Dragon.

Dragon year ako pinanganak, at masasabi kong napakaswerte ko nga ngayong taon. Pagkatapos nang mahabang panahon, nagkaroon ako ng kapanatagan ng loob at pag-iisip. Nakontento ako sa takbo ng aking buhay at di na naghanap pa ng kung sino-sino o ano-anong bagay upang sumaya.

Kung i-s-summarize ko ang highlights ng aking buhay sa 2012, tatlong mahahalagang bagay lang talaga ito.

  1. Nagkaroon ako ng bagong boss. Paliwanag ko nga sa mga kaibigan ko, nag-iba ang takbo ng buhay ko since July 2, 2012, ang unang araw ng aking bagong boss sa office. Kakaiba kasi ang kanyang pamamalakad kesa sa dati kong boss. Mas perfectionist siya at sobrang nakatutok sa detalye ng trabaho. Kaya naman nag-adjust din kaming lahat sa office sa kanyang mga bagong pamamaraan. Na nakabuti rin naman sa aming lahat. Naging mas challenging ang aming trabaho kasi mas nabigyan kami ng maraming challenging assignments.
  2. Nakarating ako sa Japan. Na-fulfill ko ang isang childhood dream ngayong taon dahil nakarating din ako sa wakas sa Land of the Rising Sun. Nakita ko ang Mt. Fuji. Nakagala ako sa mga lansangan ng Tokyo. Nakakain ako ng authentic Japanese food. Nakaikot ako sa Tsukiji fish market at sa Bonsai Museum. Nakamasyal din ako sa Akibahara, ang isa sa pinakamalaking electronic gadgets store sa buong mundo. Naramdaman ko ang malakas na pulso ng kulturang Hapon at nalagyan ko ng isang malaking tsek ang aking personal bucket list.
  3. Nakatigil ako sa paninigarilyo. Ito na marahil ang pinakamalaki kong accomplishment for the year dahil pagkatapos ng mahabang panahon, natigil ko rin ang isang bisyo na matagal ko ng gustong kitilin–ang paninigarilyo. Hindi ko akalaing magagawa ko ito ng walang masyadong effort. Para lang syang gripo na bigla kong pinatay at di na muling binuksan. Taimtim ko lang sinabi sa aking sarili na tama na. Naka quota na ako kaya kailangang itigil na. And I never looked back kasi hindi na muli akong nagkaroon ng craving para manigarilyo muli. Sana nga ay huwag akong magkaroon ng relapse. Palagay ko naman ay hindi kasi ako ang tipo ng taong pag umayaw na ay talagang tuldok na.

Siyempre, hindi naman lahat ng araw ay Linggo. May mga araw ding hindi maganda ang aking gising. May mga hindi rin magagandang bagay na naganap sa akin nitong 2012 pero ayaw ko ng bigyan pa yun ng masyadong atensyon. As long as the lessons are well learned, move on na agad dapat, hindi ba? No need to sulk and mope.  I am so looking forward to 2013. Year of the Snake pala ito kaya humanda tayong lahat na ma-ahas! Joke only. Matatalino daw at palaisip ang mga taong pinanganak sa year of the snake, ayun sa Wikipedia. “They are graceful people, exciting and dark at the same time.”

Exciting and dark? Naku, eto na….may feeling akong may pagka-naughty at seductive ang 2013. Cant’ wait!  Happy New Year!

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Reflections, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

4 Responses to 2012: The Year that Was

  1. tux siddayao says:

    hello sir ronald…i’m happy for you at naging maganda ang taong 2012..sigurado ako magtuloy-tuloy ito hanggang 2013. Sir un Pinoytaipeboy blog ay matagal ko ng ginawan ng folder sa email ko, binabasa ko lahat ng blog mo. Happy New Year sir.

  2. The Hag says:

    Cheers!! I’ll write mine na rin. =D

  3. Can’t wait to read your year-end review, Daye! Happy New Year!🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s