The Day Before Christmas

Nag-file talaga ako ng leave nung bisperas ng Pasko. Holiday mode na nga ako at gusto kong paghandaan ng mabuti alaptopng Christmas. Sa katunayan, ang ganda na ng simula ng araw ko kasi nakahiga lang ako sa kama at enjoy na enjoy akong nanood ng isang Christmas movie sa HBO (“Santa Clause,” starring Tim Allen). Tapos, bigla kong naisipang mag-online para makabati sa mga kaibigan at ka-pamilya sa Pinas. Kaso, hindi ko alam kung bakit hindi ako maka-online sa bahay. Connected ako sa internet pero di ako maka-browse. Wala akong tiyaga na i-figure out ang puno’t dulo ng technical problem na ito. Kaya nag-decide akong pumunta sa kalapit na 7-11 kasi ang alam ko, may free wi-fi dun.

Sa 7-11, umorder muna ako ng kape bago ko binuksan ang aking laptop. Kaso, hindi pala totoong libre ang wifi dun. Kelangan pang bumili ng internet card para makapag-online. Naku ayoko ngang gumastos, sabi ko sa sarili. Balik muna akong bahay, baka maayos na ulit ang wifi.

Sa bahay, palpak pa rin ang wifi. Kaya nagbihis na ako ng maayos at sabi ko sa sarili, pupunta na lang ako sa Eslite coffeeshop sa Taipei City Hall kung saan sigurado akong may free wifi doon. Yagyag ako ngayon dun at diretso sa coffeeshop nila sa second floor. Order ulit ako ng kape. Nang dumating ito, ininom ko agad ang kape sabay tanong sa waitress: “What’s your wifi password?”

“Oh, I’m sorry sir, we don’t have wifi here. It’s on the coffeshop in the first floor.”

Kung di ba naman ako minamalas. Di bale, sabi ko, uubusin ko na lang itong kape at bababa ako sa first floor para dun mag-online. Pagdating ko sa first floor, order na naman ako ng kape–pagatlong tasa ko na `to, sabi ko sa sarili. Pero siniugurado ko muna: “Do you have wifi here?” Tanong ko.

“Oh yes, we do. Here’s the password,” sabi nung mabait na Taiwanese lady server.

Hay, salamat. Ayos, sabi ko. Binuksan ko ngayon ang aking backpack para kunin ang aking laptop.

Wala ang laptop ko sa aking bag.

Nakaramdam ako ng panic. Saan ko nilagay ang laptop ko? Di kaya naiwan ko ito sa 7-11? Tapos bigla kong naaalala. Naiwan ko pala ito sa bahay. Sa pagmamadali ko, nalimutan ko itong ipasok ulit sa aking backpack! Naku, naku, naman. Umiral na naman ang aking katangahan.

At this point, nag-te-text na sa akin ang aking kaibigang si Jackie. Kailangan daw nyang maibigay sa akin ang regalo nya para sa aming exchange gift kasi di sya makakarating sa aming dinner. Tinawagan ko si Jackie at sinabi ko sa kanya ang aking kamalasan cum katangahan.

“May alam ka bang free wifi coffeeshop?” Tanong ko kay Jackie.

“Mayroon, Kuya. Sa Gloria Jean’s. Libre dun”, sabi niya.

Naisip ko ang magiging ordeal ko. Uuwi ulit ako, kukunin ang laptop at magbibiyahe na naman ng malayo papuntang Gloria Jean’s. At this point, nagsisimula na akong mag-palpitate sa dami na ng kapeng nainom ko. Di bale, sabi ko sa sarili. Ayokong masira ang araw ko. I will not allow it. Mag-tsa-tsaa na lang ako sa Gloria Jean’s. Ang mahalaga, maka-online ako, whatever happens.

Hapon na nang makapag-online ako sa Gloria Jean’s coffeeshop. Dun ako tinagpo ni Jackie at doon din nya binigay ang regalo nya sa kanyang “baby” sa exchange gift namin–which happens to be me!

Mabuti na lang, naging masaya ang aming dinner cum exchange gifts. Sa katunayan, umaga na akong nakauwi kasi sa dami ba naman ng kapeng nainom ko, kailangan ko itong ma-dilute para ako makatulog ng mahimbing.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Humor, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s