On the Road

on-the-road-movie-posterMahilig akong manood ng mga pelikula na tumatalakay sa buhay ng mga writers. Ito ang dahilan kung bakit ko pinanood ang “On the Road,” pelikula ng Brazilian filmmaker na si Walter Salles base sa nobela ni John Kerouac na ganun din ang pamagat. As the title suggests, isa itong road movie tungkol sa dalawang magkaibigan na sina Sal (Sam Riley) at Dean (Garret Hedlund) at ang kanilang wild adventures nung 1940s habang sila’y nagbibiyahe sa buong Amerika at Mexico. Kasama ang girlfriend ni Dean na si Marylou (Kristen Stewart), ang kanilang mga karanasan sa pagbibiyahe ay sumasalamin sa kanilang walang pakialam na attitude at pagiging thrill seekers.

Bago pa man mauso ang hippie lifestyle nung 1960s, nauna muna ang tinatawag na Beatnik generation nung 1940s kung saan ang parang nagiging guideline to life ng mga kabataan noon ay ang katagang “anything goes.” Nariyan ang walang katapusang party, sex at drugs. Ito rin yung tipo ng buhay kung saan ang mga tao ay sumasakay na lang basta sa kotse ng wala naman  talagang patutunguhan–basta kung saan na lang sila dalhin ng kanilang sasakyan.

Sa kaso ng matalik na magkaibigang Sal at Dean, nag-iba ang takbo ng kanilang buhay ng makipag split si Dean sa girlfriend nyang si Marylou para sumama sa isa pa niyang girlfriend na si Camille (Kirsten Dunst). Nagkahiwalay silang magkaibigan subali’t pinagtagpo ulit sila ng tadhana nung pinalayas ni Camille si Dean dahil sa kanyang pagiging iresponsableng ama at nagbiyahe na naman ang magkaibigan papuntang Mexico.

Lumabas ang tunay na kulay ni Dean nang nagkaroon ng sakit na dysentery si Sal at iniwan niya itong mag-isa para balikan ang kanyang pamilya. Dito natauhan si Sal kaya nang gumaling siya ay sinimulan na niyang sulatin ang kanyang unang libro.

Marami pang subplots ang pelikula na nagpapakita ng walang kawawaan at kabaliwang buhay ng mga kabataan. Kaya naman malalaim din ang kanilang mga sugat sa kaluluwa. Marami rin itong homo-erotic subtle messages na pinapahiwatig bagama’t hindi ito gaanong malinaw. At dahil nga sa manunulat si Sal, na-articulate niyang maigi ang kanyang mga reflections tungkol sa pagkakaibgan, pag-ibig at buhay pagbibiyahe sa kanyang mga voice overs.

Magaling ang pagkakaganap ng cast lalo na yung character ni Dean na ginampanan ni Garret Hedlund, dahil punong-puno ito ng complications. Isang sorpresa rin ang portrayal ni Kristen Stewart sa kanyang character na talagang ibang-iba sa kanyang Bella character sa Twilight series.

Bold ang pelikula pero hindi ito bastos. Shocking sa mga conservatives, pero hindi ito exploitative.

Marami pang makukuha at mamiminang reflections sa “On the Road” kaya gusto kong basahin ang libro ni John Kerouac. Sana mabasa ko ito over the holidays.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
Image | This entry was posted in Movies. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s