Miss Universe sa Facebook

Janine TugononKanina ko lang talaga nakilala si Janine Tugonon at sa Facebook pa. Kung hindi dahil sa newsfeeds ng FB, di ko rin malalaman na ngayon pala ang Miss Universe beauty pageant at yun nga, pambato natin ang cum laudeng Bb. Pilipinas 2012 na si Janine. So habang nagtatrabaho, pasilip-silip ako sa mga FB news updates at di ko akalaing kahit di ko mismong napanood ang buong Ms. Universe coverage, para na rin akong member ng viewing audience sa mga nabasa kong sunod-sunod na shoutouts. If I may quote my FB friends, eto ang thread of shoutouts na aking inabangan at kinaaliwan:

10:30am: “Janine, pasok sa top 10”

10:50am: “Pasok sa top 5: Whew!” , “Janine could win. Malaki ang Chance nya!”, “Pasok sa Top 5. Go Philippines!” “Top 5 Bb. Pilipinas Janine! Kaya mo yan, girl! Ms. Universe”

11:00am. “Ayan, Q&A na. Diyos ko, kinakabahan ako.” ,”Question and answer na…. cum laude ang amin nohhhh Go Philippines~!!”

11:10am: “Ms. Philippines: For me, being Ms. Universe is not about speaking a specific language. It’s about influencing and inspiring other people. Winner!,” “Sana naman Pilipinas ang makakuha ng crown lahat halos naka pasok sa top 5 eh paulit-ulit na kuha crown ng miss Universe satin nman sana ulit tagal na wala eh”

11:12am “Pag di pa din nanalo pilipinas sa sagot ni janine ewan ko na lang kalokohan na yang ms. Universe na yan”, “Atin na to! dapat!”, “My heart goes for Philippines and Australia but my mind tells me the Philippines will win!”

At this point, pumasok na sa YM chat ang kaibigan kong si Gemma. Sa akin din sya nakikibalita kung anong nangyayari sa Ms. U. “Wait lang, Gems. Sa Facebook lang ako nakikibalita. Top 5 na raw at magaling ang sagot ni Janine,” sabi ko.

Five minutes later, may nag-shoutout ng ganito: “Sumanib na ng todo ang katauhan ko kay Janine! Sobrang confident na niya!”

A few minutes later, may nagshoutout naman ng ganito: “Can’t confirm but somebody retweeted na 1st runner up lang daw si Janine! Nakanang. lutong Macau!”

Pagkatapos ng ilang segindo: “Confirmed! Ms. USA is the winner. Philippines is first runner up!” “Oh damn, 1st runner up. Pwede na yan, bukas end of the world na, di masusulit ang reign ni Ms USA”, “‎1st runner up!!! Pwede na pero potah lutohh! Okay pack up na mga bakla, balik trabaho na!”, “Ano ba yang sagot ni Ms. USA, pang Ms. Barangay!”

At ang nakakatawang shoutout: “Huwag munang pupunta sa mga beauty salon ngayong araw. Galit ang mga bakla!”

Ngayon ko lang nakilala si Janine, pero sobra akong naaliw for 30 minutes reading the blow-by-blow account of her nearly winning the Miss Universe crown from second or third sources. Feeling ko, di ako matatawa ng ganito kung pinanood ko lang ang live streaming ng nasabing contest.

Salamat Facebook friends.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

4 Responses to Miss Universe sa Facebook

  1. Panalo ‘to ‘Nald,,,,i-share ko….:-)

  2. Rene says:

    Nice One Tito Ronald, Very seldom pinoy bloggers write in Tagalog..

  3. The Hag says:

    Hahaha! and I was thinking of getting my hair done last night …buti na lang.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s