Holiday Mode

                                                                xmas candles

Eto yung panahong nakakatamad na talagang magtrabaho. Nasa office ka nga pero ang utak mo, sumisigaw na ng Pasko. Gusto mo ng lumabas at makipagkita sa mga kaibigan at kabarkada. Gusto mo ng maki-party at makipag-exchange gifts. Gusto mong mamaluktot sa kama at manood ng mga lumang pelikula o magbasa ng libro at matulog kasi ang lamig. Pero reality bites. Walang Pasko rito. Marami pang nakatambak na trabahong kailangang tapusin bago matapos ang taon. Tapos bigla kong maiisip, ganun talaga. Lahat may kapalit. Choice kong magtrabaho at manirahan dito, kaya panindigan ko na lang ang mga consequences ng aking desisyon.

Kanina nga, nag-debate na naman ang dalawang magkasalungat na bahagi ng utak ko. Sabi nung isa, e kung nasa Maynila ka ngayon, malamang na high-blood ka na sa traffic. Pag minamalas-malas ka pa, madudukutan ka na naman ng wallet at cellphone dahil sa katangahan mo. At siguradong aangal ka sa laki ng magagastos mo.

Kunsabagay, tugon naman nung isang bahagi ng aking utak. Pero matitiis mo rin bang hindi manood ng mga Metro Manila Filmfest entries e gahamang adik ka sa sine? At saka wala kang regalong timba ng mga pamaskong handog ng dati mong opisina, not to mention the bonus! Actually, huwag na yun. Kahit wala yung lahat. Yung presence ng family and close friends. Yun ang tumbok ng lahat.

Di ko kinaya ang sigaw ng konsensya. Tumayo ako at nagpunta sa CR para maghilamos. Pagbalik ko, kinuha ko ang aking iTouch, sinaksak ang earphones sa aking dalawang tenga at shinuffle ang mga musical selections. Tama ba namang “Auld Lang Syne” pa ng Vienna Boys Choir ang unang tumugtog? Talagang nananadya ang tadhana.

Nagbukas ako ng Facebook. May three messages from friends. “Uwi ka ba sa Pasko?” Nag logout akong bigla.

Tiningnan ko ang relo. Alas dos pa lang ng hapon. Gusto ko ng umalis. May exchange gifts kaming mga Pinoy. Ngayon na lang ang time para bumili ako ng regalo.

May kontrabida na namang bumubulong sa utak ko. Para syang si Gollum sa “Lord of the Rings.” Kala ko ba, sabi mo, hindi big deal ang Pasko? Ba’t fidgety ka?

He, napasalita na talaga ako. Ano’ng digety? Gutom lang ito.

Hindi, sabi nung mala-Gollum kong alter. Ang totoo nyan, nasa Holiday mode ka na. Normal yan, tanga.

Salamat Google Images para sa picture.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Taiwan Life. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s