Celebrity Sightings sa Taipei 101

Tatlong beses sa isWang Yu Shengang linggo for the past eight weeks, nag b-brisk walking ako mula sa bahay na tinitirhan ko hanggang sa Taipei 101 kapag hapon matapos ang trabaho ko sa office. Mga kalahating oras ding mabilisang lakaran yun. Sa aking paglalakad, dalawang beses ko ng nakakasalubong si Armando Reed, ang celebrity chef na host ng “Armando’s Asian Twist” sa Travel and Lifestyle Channel sa cable TV. Noong una’y naglalakad syang may dala-dalang payong at pangalawa’y patakbo syang nagmamadali. Gusto ko sanang batiin at sabihing nanonood ako ng show nya pero na-d-dyahe ako. Baka suplado at dakilang snub e sumama pa ang loob ko.

Nung isang araw naman, sa loob mismo ng Taipei 101 kung saan ako sumisilong para uminom at jumingle sa CR, nakasalubong ko ang Pinoy Taipan na si Lucio Tan. Di ako maaaring magkamali dahil bata pa lang ako ay nakikita ko na ang pictures ng dakilang mayari ng Asian Brewery at Philippine Airlines sa dyaryo, sa mga magasin at sa telebisyon. May mga kasama syang Chinese at sabay-sabay silang lumabas ng elevator. Parang hindi na diretsong maglakad si Mr. Tan. Iika-ika siyang nagpunta patungong escalator.

Nung isang weekend, may mga nagkakagulo rin sa main lobby ng Taipei 101. Syempre naki-isyso na naman ako. May mga nagpapa-picture sa hunky celebrity. Di ko sya kilala pero maya’t-maya ay nakikita ko ang mukha nya sa mga Taiwan print ads, trailer ng pelikula at mga patalastas ng kung ano-anong produkto. Sa google search, nahanap ko kung sino sya ng tinayp ko sa search engine ang “Taiwanese actors”. Siya pala si Wang Yu Sheng, also known as Chris Wang in the English speaking world.

The following weekend, may nagkakagulo na naman. Isa siyang babaeng celebrity na hinahabol ng mga mayroong isang daang photographers. Tiningnan ko kung sino sya pero hindi nag register sa akin ang kanyang mukha. Di ako nakatiis kaya tinanong ko ang katabi kong Taiwanese. “You know her?” sabi ko. Tumango sya. “Actress from Mainland China,” sagot niya. Ahhh…Sinubukan kong hanapin sya sa google pero hindi ko sya makita.

Nakakaaliw ding makakita ng mga celebrites sa ibang bansa. Na-re-remind ako na once upon a time, nung nagsusulat pa ako sa mga dyaryo at magasin sa Pinas ay hinahabol ko rin sila, kinakausap, iniinterbyu. Ibang-iba ang daigdig na kanilang ginagalawan. Mayroon silang sariling kultura na kakaiba sa kultura ng mga ordinaryong tao.

Kahapon, may nag-s-shooting sa Xinyi district malapit sa may Taipei 101. Kilala ko rin sa mukha ang mga bidang artista at saglit akong tumigil para mag-isyoso. Nagtitilian ang mga fans at mayroon din silang mga bodyguard na tiga-hawi kapag medyo nagiging unruly na ang mga tigahanga.

Nangiti at natawa ako habang naglakad akong papalayo sa nagaganap na shooting. Biglang sumagi sa aking isip na oo nga, ang layo-layo na pala ng narating at nalakbay ko.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Reflections, Taiwan Life, TV. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s