Sandy Hook’s Little Angels

Paulit-ulit kong binasa ang reports ng international wires at ni-re-replay ang video coverage ng CNN tungkol sa recent massacre ng 27 tao sa Sandy Hook Elementary school sa Newtown, Connecticut, USA at sa tuwi-tuwina, di ko mapigilang maging emotional. Kakaiba ang tama nito sa akin kumpara sa mga massacre na naganap sa Amerika nitong mga nakaraang taon. Kakaiba kasi 20 sa napatay ay mga bata–6 to 8 years old. Walang kamuwang-muwang, inosente, punong-puno ng pangarap at pag-asa. Kumbaga sa mga bulaklak, di pa man sila bumubukadkad ay pintuol at kinitil na kaagad sila. Ang pumaslang–isang disturbed na kabataang matindi ang topak sa utak.

Kung paano nagawa nung batang barilin sa mukha ang kanyang ina at isa-isang pinaputukan ng baril ang mga bata, mga guro kasama na ang school administrator ay nakapanlulumong isipin. Mapapasabi ka talagang truth is stranger than fiction.

Sa cable news, kanya-kanyang balitaktakan na naman ang mga analysts. Seryosohin na raw i-address ang tatlong malalaking isyu na isinisigaw ng naganap na trahedya. Una, ang maluwag na batas sa pagbili at pag-aari ng hand guns. Pangalawa, ang state of mental health ng mga tao sa Amerika at pangatlo ang tighter security measures sa mga eskwelahan. Sa kauna-unahang pagkakataon, umiyak si President Obama sa kanyang speech. Nakakadurog ng puso pakinggan ang mga atungal ng mga magulang, kapatid at kamag-anak nung mga bata. Bigla kang mapapasaisip, maaaring sa susunod, kakilala mo na talaga ang maaaring maging sunod na biktima, o maaarting maging kamag-anak, kapatid, anak.

Hindi ko ma-imagine ang sakit na nararamdaman ng mga magulang, kasi never pa akong naging magulang at never pa rin akong naging responsable para sa ibang tao maliban sa aking sarili. Hindi ko maiwasang makaramdam ng matinding hiya sa sarili dahil biglang-bigla, naging parang alikabok na lang ang aking mga reklamo at pinoproblema sa buhay kumpara sa ga-higanteng bigat na damdamin na dinadala at dadalhin pa ng mga magulang ng mga batang nasawi.

Ganundin sa pamilya ng batang namaril. Lalangoy na lang sila sa lungkot at magpapakawala ng libo-libong tanong upang maintindihan ang mga naglaro at umikot sa utak ng bata bago nito ginawa ang kahindik-hindik at sunod-sunod na pamamaslang.

Sa mga ganitong pagkakataon, mapapadasal ka na lang talaga para sa kaluluwa ng mga anghel na namayapa at sa paghilom ng mga sugat sa puso ng mga naiwan nilang kamag-anak.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Reflections, TV. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s