Recent Movies

life of PiSa kabila ng aking ka-busyhan at nakakabaliw na schedule, naisisingit ko pa rin ang panonood ng sine sa aking tila di magkandaugaga at ngarag na buhay. Bagama’t hindi na ako kasing adik sa sine tulad noong mayroon akong MTRCB card sa Pinas at maya’t-maya’y nasa loob ako ng sinehan, natatagpuan ko pa rin ang sarili kong kumakaripas ng takbo para hindi ma-late sa papanoorin kong sine. At di ko na rin iniinda na mas mahal ang presyo ng movie tickets dito sa Taipei kesa Pinas. Bahagi na ito ng aking “happiness budget” kaya mereseng gumising ako ng maaga on a weekend o magpuyat sa gabi on a weekday. Tatakbo at tatakbo pa rin ako sa sinehan rain or shine.

Iba kasi ang high na nakukuha ko kapag large movie screen ang aking pinapanooran. Ang hilig ko pa namang mag-observe ng audience reaction kapag nanonood ako. Lately, ito ang summary ng mga pelikulang napanood ko nitong nakaraang four weeks at ang aking mga reaksyon at saloobin hinggil sa kanila.

  1. Life of Pi–Alam ko next year pa ito ipapalabas sa Pinas pero running on its fourth or fifith week na yata ito rito sa Taipei. What can I say, I’m a great Ang Lee fan. More than 1/3 yata ng pelikula, nakanganga ako sa kamanghaan sa spectacular visuals ng aking favorite Taiwanese director. Base sa bestselling book ni Yann Martel, ang” Life of Pi” ay  tungkol sa isang Indian teenager (na nagngangalang PI) na na-i-strand sa dagat sa loob ng 227 days kasama ang isang Bengal Tiger na nagngangalang Richard Parker. Parang “The Old Man and the Sea” ni Ernest Hemingway, pero maraming kaibahan. Malalim ang mensahe ng pelikula tungkol sa paghahanap ng tao sa Diyos at sa kahulugan ng buhay. Heavy pero madali naman itong sakyan.
  2. Pitch Perfect–Sobra akong nag-enjoy sa pelikulang ito dahil tungkol ito sa group acapella singing competition at number one fan din ako ng group acapella singing. Dito ko na discover na mahusay palang singer si Anna Kendrick. If only for the music, sulit na sulit na ang ibabayad ng sinumang manonood nito.
  3. Now is Good–Pinanood ko ang pelikulang ito dahil big fan din ako ni Dakota Fanning.  Base sa nobelang “Before I Die,” kahawig ito ng mga pelikulang “Bucket List,” “50/50” at ang ating local na “100” (Cinemalaya film by Chris Martinez). May advanced leukemia na si Fanning at gumawa  siya ng mga listahan ng mga things to do before she dies, one of which is to be devirginized. Ang hindi sumagi sa utak niya, she will find true romantic  love in the process. Okay sana ang kwento pero hindi ko lang makapitang maigi ang premise na may cancer ang character na ginagampanan ni  Dakota Fanning because she looks like in the pink of health and very much glowing kahit na sinabi na ng duktor na bilang na ang araw niya.
  4. Skyfall–Pinanood ko ang pelikulang ito kasama ang Ate ko nung bumisita siya rito sa Taipei. Hindi naman ako James Bond fan talaga pero so far, ito nga marahil ang best James Bond movie. Hanggang ngayon, sariwa pa sa utak ko ang matinding chase scene sa simula ng pelikula. Napabilib din ako sa husay ni Daniel Craig. Syempre, may surprise sa ending ng pelikula pero para walang spoilers, di ko na sasabihin at baka may nagbabalak pang manood nito.

Nakatambak din sa bahay ang mga DVD ng mga pelikulang Pinoy na nabili ko sa mga Filipino stores dito. Yung iba naman ay regalo sa akin (Gaya ng “Patayin sa Shyokot si Remington” na papasko pa sa akin last year ng kaibigan kong si Michiko Yamamoto).  Mayroon din akong DVD ng GMA Documentaries na hanggang ngayon ay nakabalot pa at di ko pa nabubuksan. Kagabi, dahil di ako agad dalawin ng antok, napanood ko ang “Of All the Things” na pelikula nina Aga at Regine. Nagustuhan ko ito dahil hindi sya OA at makatotohanan ang kwento at portrayal ng pelikula. Ang dami ko ring horror films na naka line up panoorin (“Segunda Mano,” “The Healing”, etc.) pero di ko rin magawang panoorin dahil baka matakot ako at di na makatulog. Ah, mamayang gabi, papanoorin ko ang “The Mistress.” Tamang tama, nabili ko it0 nung isang araw sa Filipino store sa Chungshan North road. Makabili nga ng popcorn.

 

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Movies, Taiwan Life, Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s