Harry Potter’s Invisible Cloak

harrypotterHindi na raw nalalayo na sa mga darating na araw, buwan at taon, mayroon ng manonood sa atin kapag tayo ay naliligo, nagbibihis, tsumitsismis sa kapitbahay, natutulog, etc. Lahat na halos ng ating mga nililihim ay maaari ng malaman dahil sa isang technology na tinatawag na “Next generation camouflage.” Bakit kanyo? Kasi pwede na raw maging invisible ang mga tao sa mga darating na taon.

Kung familiar kayo sa Harry Potter series, inyong matatandaan na si Harry Potter ay may invisible cloak, parang kapa ng isang magician na noong isinuot ng bidang wizard ay nagiging invisible sya. Ganito raw klase ng technology ang pinipilit ma-approximate ng mga military scientists ngayon.

Una kong napanood ang balitang ito sa isang report ng CNN Pentagon correspondent na si Chris Lawrence kung saan ininterbyu niya ang isang camouflage expert na nag-s-supply ng kagamitan sa US military. Ipinaliwanag niya na sa kasalukuyan, gumagastos ang US military ng bilyon bilyong dolyar para sa mga espionage at intelligence gadgets para sa kanilang camouflage at invisible technology. Dito nga niya na-mention ang tungkol sa Harry Potter cloak.

Sa pamamagitan diumano ng digital patterns, 3D layering at ang pag-liko ng ilaw paikot ng isang object, maaari raw ma-achieve ang invisible effect na di nalalayo sa invisible cloak naibinabalabal ni Harry Potter sa nasabing movie series. Hindi pa raw na-pe-perfect ang technology pero malaki na ang development at progress ng mga experiments at research na ginagawa ukol dito.

Wala na nga yatang awat ang bilis ng teknolohiya. Dati rati ay gulat na gulat tayo at pwede na tayong makipag-chat sa computer at mag text sa telepono in real time. Aba, konting panahon na lang at pwede na rin daw tayong maging invisible! Far out kung iisipin pero if ever, sana ay ma-regulate ng husto ang paggamit ng nasabing technology dahil malki na naman itong encroachment sa ating mga pribadong buhay pag nagkataon.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Technology, Trends. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s