Shanghai Shanghai

Kung may “Tokyo Tokyo” restaurant sa Pinas, dito naman sa Taipei ay mayroong “Shanghai Shanghai,” isang upscale fine dining restaurant na kung di ako nagkakamali ay mayroon ng tatlong branches sa lungsod. Ang nakainan ko ay yung nasa 7th floor, No. 9, Songshou Road, sa Mutsokoshi Mall ng Xinyi district. Sa totoo lang, kung hindi rin lang opisyal na dinner itong imbitasyon na aking natanggap kamakailan, hindi ko marahil mapapasok ang nasabing restaurant. Kasi kabilang ito sa mga high end na kainan at kung ako lang ang kakain, hindi ko ito pipiliin dahil ang ibig lang sabihin ng high end ay napakamahal ng presyo ng pagkain dito. Allergic ako sa mga restaurant na mahal.

Hindi ko napatunayan kung napakamahal nga ng pagkain sa “Shanghai Shanghai” restaurant kasi charge sa office namin ang aming dinner, at di ko nakita ang bill, pati na ang menu. Pero swanky at elegante ang lugar–parang yung mga napapanood natin na kinakainan nina Kim Catrall at Cynthia Nixon sa “Sex and the City.” Sa function room kung saan kami itinuro ng mga waiters na pumunta, kitang-kita sa glass panels ang mga neon lights ng Taipei city na parang mga alahas na kumukutikutitap. Sa baba, nang-aagaw pansin ang kababagong bukas na mga ilaw ng isang dambuhalang X’mas tree sa Xinyi commercial district. Di man nag-ce-celebrate ng Pasko ang mga Taiwanese ay nakikiuso rin sila sa ganda at ningning ng mga Western Christmas decors.

As the name suggests, Shanghainese ang pagkakaluto ng mga pagkain dito, na kilala rin sa tawag na Hu cuisine. Ayon sa aking mga nabasa, ang istilong Shanghainese daw ay may halong alat at tamis, gumagamit ng alcohol, maraming seafood at niluluto ng mabilisan sa malakas na apoy.

Hindi ko tanda lahat ng aming mga kinain kasi maraming potahe na sinilbi sa malaking bilog na mesa. Pero eto ang mga nag-strike sa akin na mga masasarap. Yung water bamboo salted vegetable na matagal naming pinagtalunan nung mga kasama kong Pinoy kung labong ba o hindi. Iginigiit kong hindi ito labong: “Water bamboo nga, e. Iba yun sa bamboo,” sabi ko. “O sige, wag na nating pagtalunan. Basta masarap sya. Kainin mo na lang.  Check!” sabi ng kasama ko. Ang pagkarami raming fried crabs na niluto sa luya, alak, asin at paminta (yun ang “nabasa” ng dila ko); ang malinamnam na braised pork na ingat na ingat akong wag kumain ng marami kasi mataba siya at para itong sumisigaw ng “Konting preno! Ma-cholesterol ako!” Ang steamed grouper fish na sariwang sariwa at masarap isawsaw sa toyo.  Syempre naroon din ang mga kilalang Chinese staples na dumplings (xiaolongbao); pancakes at ang stinky tofu na ayoko sanang kainin pero kasubuan na kasi nakatingin lahat sa akin kaya sige na nga.

Isa sa mga nagustuhan ko sa “Shanghai Shanghai” ay kumpara sa ibang Chinese restaurants na dinig na dinig ko ang malalakas na boses ng mga diners, dito ay tahimik lang silang nagbubulungan at manaka-naka ko lang naririnig ang ilang malulutong na halakhak at kalansing ng mga kubyertos.

Dahil di ko nga alam ang presyo ng mga pagkain sa restaurant na ito, hindo ko masasabi kung sulit nga ba ang presyo sa sarap ng pagkain. Ang masasabi ko lang,  confirmed ngang masarap ang pagkain dito. Rekomendado yata ito ng aking Taiwanese boss and in his own words: “I have the reputation of recommending the best restaurants in the city and this is one of them.”

Boss ko yun, e. Kaya I’ll drink to that.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Food, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s