My Kindle Affair

Binawi ko rin ang aking mga pronouncements a few years ago na ayaw kong magbasa ng mga e-books. Na gusto ko lang bumili at magbasa ng mga totoong libro. Gusto kong sinasalat-salat ang mga pages ng bagong libro at inaamoy-amoy ang mga pahina nito. Hindi pa rin naman nagbabago ang aking hilig sa mga totoong libro. Ang nagbago lang, sinubukan ko ring magbasa ng mga e-books. Okay din naman pala.

Marahil ay mapapasaya ko ngayon si Jeff Bezos, ang CEO ng Amazon.com, dahil marami akong magandang sasabihin tungkol sa kanyang 5-year-old product na Kindle, isang 6-inch, grayscale device kung saan maaari tayong mag-download at magbasa ng libo-libong e-books, e- magazines, blogs, etc.  Isang buwan na ang nakakaraan, nagpabili ako sa kapatid ko sa US ng Kindle at dinala niya ito sa akin nang binisita niya ako rito sa Taipei.

“Ito na yun?” tanong ko sa Ate ko. “Ang liit.”

Ako na rin ang sumagot sa tanong ko. Kaya nga that is the idea. Maliit dapat talaga ang Kindle para handy. Madadala ito kahit na saan.

Ang sumunod na step ay ang pag-aralan kung papaano ito gamitin. Para sa isang low-tech na taong tulad ko, kinailangan ko ng tulong. At dito pumasok sa eksena ang aking kaibigang si Jackie. Hindi lang ako tinuruan ni Jackie na gumamit ng Kindle, nilipat niya ang kanyang koleksyon ng e-books from her Kindle to mine.  Jackie, if you’re reading this, maraming salamat!

Umaatikabong 60 libro ang nasa loob ngayon ng aking Kindle at nung gabing inupload niya ang mga nasabing libro, madaling araw na akong nakatulog kasi nabasa ko agad ang kalahati ng bagong libro ni John Grisham na “The Racketeer.” Ito ang unang e-book na aking natapos basahin sa Kindle.

Sa una’y medyo nakakapanibagong magbasa sa Kindle kasi parang nakaka-miss ang texture ng totoong papel. Pero makaraan ang isa o dalawang oras, para na rin akong nagbabasa ng totoong libro. Ang napatunayan kong totoo ay magaan ito sa mata, at kahit na nasisinagan ng araw ay hindi lumalabo o nawawala ang mga letra.

Lessons learned: 1) Huwag matatakot at ma-i-intimidate sa pagbabago at sa teknolohiya. 2) Subukan muna bago sabihing ayaw mo talaga. 3) Tiyagaing pag-aralan ang technology kasi malaking convenience ang dulot nito.

Sa ngayon, kampante ako knowing na sa mga susunod na buwan, di muna ako bibili ng libro kasi marami pang librong nakapila para sa aking reading pleasure. Sabi ko sa sarili, malaking tipid na yun.

Ang di ko lang maipaliwanag, nang huli akong maligaw sa Page One, ang bookstore sa Taipei 101, natukso pa rin akong bilhin ang huling libro ni Andrew McCarthy na “The Longest Way Home” dahil ang ganda ng mga reviews nito sa internet. Pansamantala munang natigil ang pagbabasa ko sa Kindle dahil tinatapos ko ang libro ni McCarthy. Ironic kung iisipin dahil parang ilang araw lang ang nakakaraan, sinulat ko sa aking journal na “Kindle, welcome to my life.” Eto ngayo’t isinasantabi ko muna ang aking bagong “laruan.”

Some habits are really heart to break.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Books, Technology, Trends. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s