Claustrophobia

Dahan-dahang nag-p-park ang ka-la-landing na eroplano. Kami namang mga pasahero ay nagtayuan na para kunin ang aming mga bagahe sa baggage bin. Pero ang inakalang ilang segundo at minuto bago mabuksan ang pinto ng eroplano ay nag-drag into five, ten and more minutes. Panay ang announce ng piloto na may inaayos lang daw technical problem sa tube. Eto na po ang kinatatakutan ko. Nagsimula na akong mamawis at mag-palpitate. Nag-h-hyperventilate na ako. Simula na ng panic attack at kailangang ma-divert ang aking atensyon sa ibang bagay. Kinausap ko ang katabi kong officemate. “My claustrophobia is starting to manifest. Please talk to me. Ask me about anything.”

Sa Pilipinas, di lang limang beses, na-experience ko nang tumigil ang train sa gitna ng rail track kung saan punong-puno ang pasahero. Namatay ang aircon. Inannounce ng train driver na  pasensya na raw, may technical problem lang. Aandar din daw ang train in a few minutes. Pero ang lintek na few minutes na yan ay mistulang parang forever na. Ganun ulit ang mangyayari. Sweating, palpitations, difficulty in breathing. Pakiramdam ko pag tumagal pa ito ay mamamatay na ako. Nag-b-breathing exercise ako. Nagku-kunyari din akong umuubo kasi nabasa ko somewhere na dapat daw umubo kapag nakaka-experience ng heart attack.

“Sir, okay ka lang?” tanong nung ale na katabi ko. “Namumutla ka.” Kaagad akong humingi ng saklolo. “Pwede pong paki-bukas ng konti nung maliit na bintana? Kailangan kong makakita ng bukas na siwang. Kailangan kong tumingin doon para hindi ako himatayin.

Kamakailan lang, na lock ako from the inside ng tinitirhan naming hotel. Di ako makalabas. Walang bintanang pwedeng buksan ang kwarto. Morbid thoughts agad ang pumasok sa utak ko. Para akong inilibing ng buhay and there is no way out. Ang knee-jerk reaction ko ay basagin ang wall glass para ako makalabas. Pero syempre malaking hassle yun. Tinawagan ko agad ang front desk para sabihing nasusian ako. Tarantang-taranta ang housekeeping staff nang buksan nya ang pinto kasi pawisang pawisan ako at namumutla.

Minsan naman, nagising ako sa mahimbing na pagkakatulog kasi brownout. Pusikit ang kadiliman at mistulang bulag ang aking paningin. Hindi rin ako makahinga. Kinapa ko ang posporo sa loob ng aking cabinet dahil kailangan kong makakita ng kahit konting ilaw para makahinga.

Ang aking mga nabanggit ay ilan lamang sa aking mga claustrophobia attacks. Hindi ko ma-pinpoint ang eksaktong insidente kung kelan ako nagkaroon ng irrational fear sa mga enclosed places. Ang alam ko lang ay palala ito ng palala habang ako ay tumatanda. Ito ang dahilan kung bakit hindi ko type magsasakay sa mga eroplano, elevator, train, nagsisiksikang bus, etc. Nagagawan ko naman ng paraan para mabawasan ang aking mga panic attacks. Dahil alam kong malaking porsyento nito ay psychological, nag-iisip ako ng mga paraan para ma-divert ang atensyon ko sa aking claustrophobia.

Isa lang ang claustrophobia sa mahabang listahan ng marami kong phobias. Ayaw ko munang i-reveal ang ilan pa sa aking mga irrational fears dahil pakiramdam ko ay masyado na akong vulnerable.

The point is, hindi madaling maging ako.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Memories of Home, Reflections. Bookmark the permalink.

4 Responses to Claustrophobia

  1. The Hag says:

    Ronald, nangyari na rin sa akin yung tungkol sa brown-out. Walang malaking window sa bedroom ng parents ko and though hinde ako nagpanic I felt suffocated. Thank you for sharing. Letting other people know about you phobia will help them help you manage the attacks.

  2. Rey Manalo says:

    Pray for you, Ronald! God bless lage…..!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s