Day+ Boutique Hotel

Nasa room 605 ako ng Day+ Boutique Hotel sa number 866, Chuei Yang Road, West District, Chayi City sa southwestern Taiwan. May halos limang oras na akong naka check in dito pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako maka-recover kasi gandang-ganda ako sa kuwarto ko. Marami rami na rin naman akong natirhang hotel sa Pinas at sa iba’t-ibang bansa pero bihira ang nakakatawag ng aking pansin. Katunayan, kahit yung mga five-star hotels na natirhan ko ay hindi masyadong nag-iiwan ng matinding impression sa akin. Siguro kasi alam kong mahal ang charge sa mga five star hotels kaya ang pakiramdam ko, dapat lang na maging maganda talaga ang kwarto at serbisyo. Pangalawa, malimit ay functional lang ang tingin ko sa hotel. Isang lugar para magpahinga, matulog at magpalipas ng gabi.

Pero itong Day+ Boutique Hotel ay agad na nakatawag ng pansin sa akin kasi bagong bukas lang ito. Ilang buwan pa lang yata at langhap ko pa ang mabangong amoy ng kahoy sa sahig. Bukod pa rito, para sa isang single room, napakalaki niya. Biro ko nga sa mga kasamahan ko kaninang dinner, pwede kako akong mag-jogging sa loob. Isa pang nakatawag ng aking pansin ay ang kanyang moderno at eleganteng interior. Hindi ko naman siya masasabing fancy. May pagka Japanese nga at minimalist ang disenyo, pero kumbaga sa isang bagong kilalang kaibigan, napakagaan ng loob ko sa kanya. At home agad ako. Speaking of which, yun nga pala ang tagline ng Day+ Boutque Hotel. “It’s not a Hotel, it’s a Home.” O, di ba?

Kinunan ko kanina ng litrato ang kwarto ko bago ako naligo sa malaking bathroom. Maganda ang register ng kwarto sa camera pero ang pakiramdam ko, hindi pa rin nabibigyan ng justice ang totoo nitong hitsura.

Matagal ko ng sinasabi sa mga kaibigan ko, kaya kong magtrabaho ng kayod kalabaw. Hindi ako magrereklamo kahit magsimula ang trabaho ng hatinggabi o madaling araw. Kaya ko rin ang walang tulugan. Dalawa lang kako ang request ko: pakainin ako ng maayos at patulugin sa maayos na lugar. Hindi ito kinakailangang maging magarbo. Basta malinis lang at malamig, okay na.

Itong Day+ Boutique Hotel, kumbaga sa baraha, sobrang good. Sa mga kaibigan at kakilala na mapapadako sa Chayi, highly recommended ko ang hotel na ito. Waging-wagi kayo rito.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Travels. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s