Ang Hello Kitty Flights ng Eva Air

Ni-launch nung May ng taong ito, ang mga Hello Kitty flights ang bagong pakulo ng Eva Airlines para diumano’y ma-boost ang tila humihina nilang flight booking. Mukhang matagumpay ang nasabing pakulo kasi ayon sa mga ulat, simula raw ng nakipag-tie up ang Eva Air sa Sanrio, ang Japanese company na nagma-mayari ng Hello Kitty product line, lagi na raw 85% to 90% ang kanilang flight occupancy. Iba talaga ang nagagawa ng promotional gimmick at youth marketing.

Nung Biyernes, sa kauna-unahan kong trip sa Tokyo, Japan, na-experience ko ang sumakay sa isang Eva Air Hello Kitty flight. Hindi kami sa Taoyuan airport lumipad kundi sa Songshan airport sa Taipei city na medyo may kalapitan sa bahay na tinitirhan ko. Kung tutuusin ay wala naman talagang kakaibang offer ang nasabing flight maliban na nga lang sa batbat ng Hello Kitty designs ang buong eroplano. Magmula sa mismong exterior ng kanilang Airbus 300 airplane hanggang sa mga upuan, unan, napkin at maging sa mga utensils gaya ng kutsara’t tinidor, nandoon ang cute at popular na si Kitty White. Sa katunayan, kahit hugis ng mga carrots sa sineserve nilang gulay ay Hello Kitty din. “The flight crew should have dressed up in Hello Kitty costumes as well,” bulong ko kay Joyce, ang ka-opisina kong Taiwanese. Pero ano ka, nang magsilbi nga ang mga flight attendants ng pagkain, ang kanilang mga pink aprons ay may Hello Kitty design din.

Ayon sa mga nabasa ko sa internet, simula raw nang i-launch ang Hello Kitty flight campaign, maraming mga kabataan ang nagkumbinse sa kanilang mga magulang na magpa-book sa Eva Air pag pupunta sila sa Japan, Guam at Hong Kong, ang mga destinasyon ng tatlong Eva airplanes na may Hello Kitty design. Ibig sabihin, hanggang ngayon, marami pa rin palang kabataan ang nahuhumaling sa Hello Kitty. At ibig ding sabihin, totoo ang mga nabasa ko na super fan ang mga Taiwanese ng Japanese pop culture.

Pabalik ng Taipei, sa Hello Kitty Eva Air ulit kami sumakay, kaya na-experience ko ulit ang lumipad kasama ang mga Hello Kitty designs. Ayos naman ang aming three-hour flight back to Taipei. Naka-idlip at nakakain ako ng mahusay. Mabilis ko ring nabasa ang librong “The Japanese Mind: Understanding Contemporary Japanese Culture” na sinulat nina Roger Davis at Osamu Ikeno. Na-introduce ako sa mga Japanese concepts ng aimai (ambiguity), haragei (silent communication) at wabisabi (simplicity and elegance) kaya mas lalo kong na-appreciate at naintindihan ang kultura ng mga Hapon.

Nang maka-landing kami sa Songshan airport, gusto ko sanang itago para maging souvenir item ang aking boarding pass na may Hello Kitty design pero hindi nga pala pwede dahil kailangan ito ng aming opisina for their accounting purpose. Sana pala ay nagtago ako ng kutsara o kaya napkin, sabi ko sa sarili.

Ah, di bale. Nag-mental note ako. I-blog ko na lang.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Travels. Bookmark the permalink.

One Response to Ang Hello Kitty Flights ng Eva Air

  1. The Hag says:

    Gusto ko Snoopy Flights! =D

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s