Perks of Being a Wallflower

On a scale of 1-10, 9.8 ang personal rating ko sa pelikulang “Perks of Being a Wallflower,” ang pelikulang sinulat at dinirek ni Stephen Chbosky base sa kanyang libro. Maraming factors ang nag contribute sa aking napakataas na rating sa pelikula. Unang una, ang unpredictability ng kanyang kwento. Mahirap hulaan ang ending kaya abala ang isang bahagi ng aking utak sa pag-process kung ano ang mga maaaring mangyari sa mga major characters.

Pangalawa, mahusay ang pagkakaganap ng buong cast, specifically ang tatlong bida na sina Logan Lerman (gumanap dati sa pelikulang “Percy Jackson”), Emma Watson (alumni ng “Harry Potter” series) at si Ezra Miller (ng pelikulang “We Need to Talk About Kevin”).

Pangatlo, for a first-time director, impressive at nakakabilib ang pagkakatahi ni Stephen Chbosky tungkol sa kwento ni Charlie, isang introvert at mahiyaing freshman high school student  na mahilig magsulat ng kanyang mga saloobin sa isang anonymous friend. Dahan-dahang nabuksan ang tila makitid at kulob na mundo ni Charlie nung makilala niya ang isang grupo ng mga senior misfits na nagturo sa kanya kung paano maging “infinite” o makahuli nung tinatawag na wagas na moment.

Maraming tinalakay na dark at taboo topics ang pelikula pero hindi ito naging mabigat dalhin dahil “dramedy” ang ginawang atake ng direktor sa kanyang paglalahad sa kwento at emotional journey ni Charlie. Sa katunayan, marami sa mga eksena ay nakakatawa, bagamat tumatalab din ang manaka-nakang pagkurot nito doon sa mga eksenang kailangan na ng matinding drama.

Ang daming sinasabi ng pelikula tungkol sa teen-age angst, isolation, seeking for identity, sense of belongingness–mga isyu na napagdaanan nating lahat nung tayo ay nasa awkward adolescent stage noong gusto nating kumawala sa ating childhood at madiliin ang paglalakbay sa daan patungong adulthood.

Hindi ko akalaing ma-e-enjoy ko ang pelikula dahil bihira akong matuwa sa mga kwento na tumatalakay tungkol sa mga adolescent issues. Siguro nga ay matanda na ako. Pero ang bilis ko agad  nakapitan at naka identify sa mga problemang inikutan ng mga characters. Mga kabataang sa kabila ng kanilang kabaliwan at ka-weirduhan ay nais din lang matanggap ng mga kapwa nila kabataan. Mga kabataang mukhang mababaw at walang muwang pero ang lalalim ng mga sugat sa kaluluwa. Mga kabataang nais kumawala sa mga tanikala ng kombensyon at maramdaman ang walang kapantay na pakiramdam ng tunay na kalayaan.

Doon sa eksenang nag-d-drama na at nag re-reveal ng mga sekreto nya sa buhay si Sam, ang character na ginampanan ni Emma Watson (minus her British accent), di ko mapigilang maalala ang famous quote ni Anne Frank sa kanyang diary: “For in its innermost depths, youth is lonelier than old age.”

Sa maraming eksena, naipakita sa pelikulang “Perks of Being a Wallflower” na hinding hindi natin dapat ina-underestimate ang mga saloobin ng mga kabataan.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Movies. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s