Bangkok Sprain

Ito ang pang-apat na biyahe ko sa Bangkok, at sa kauna-unahang pagkakataon, hindi ko talaga nakita o masasabing na-experience ang pinagpipitagang charm ng capital ng Thailand. Dulot ito ng maraming dahilan. Una, work related ang biyahe kong ito. Two days kaming nakalagak sa conference room ng isang hotel. Bagama’t dati ay nagagawan ko naman ng paraan na makapag night life sa gabi, hindi ko rin ito nagawa ngayon dahil sa pangalawang dahilan. Second day ko pa lang sa Bangkok, na-sprain ko ang aking kaliwang ankle sa paglalakad ko sa banyo. Kung hindi ba naman talagang minalas, ewan ko na kung ano pa ang maaaring itawag dun. Kinabukasan, i-ika-ika na akong lumakad. On the fourth day, namaga na nga ang aking kaliwang paa at kumalat na ang sakit hanggang sa aking mga tuhod. Pangatlo, nag-uulan nang huling tatlong araw sa buong lungsod kaya kahit sinabi ko sa sariling kakayanin kong maglakad kahit na nga iika-ika ako, hindi ko pa rin nagawang gumala dahil tinamad na akong lumabas sa tindi ng lakas ng ulan.

So, ano nga lang ang ginawa ko sa Bangkok? After the conference, nasa kuwarto lang ako ng hotel at pinagpapahinga ang aking katawan. Buti na lang at maraming magagandang palabas sa cable channels, naaliw naman ako. Most of the time, dahil sa epekto ng pain reliver pills na iniinom ko, natutulog lang ako. o di kaya ay nagbabasa ng dyaryo o news sa internet.

Pero hindi ko naman masasabing walang kwenta itong biyahe kong ito dahil sabi ko nga sa isang ka-opisina, if only for the yummy Thai foods, this trip is all worth it. Kung mayroon akong na-confirm, iyun ay ang katotohanang aside from Filipino foods, ang Thai cuisine na ang nasa pangalawang kong listahan ng pinakamasasarap na pagkain sa mundo. At dahil nga sa ang dinaluhan kong conference ay tungkol sa seafood safety, naging isang malaking pista ang aming mga meals ng mga saksakan ng sarap na sugpo, hipon, crabs, seabass, pusit, tilapia, mackarel, salmon, scallops, tahong, etc.  na niluto sa iba’t-ibang natatanging Thai flavors na talaga namang kasumpa-sumpa sa tindi ng linamnam. Yun nga lang–good luck sa aking uric acid at cholesterol levels. “Ronald, don’t eat too much crabs, that’s full of uric acid,” bulong sa akin ng isang kasamahang Taiwanese. Gusto ko sanang mag-inarteng bitch at sumagot sa ingles ng “Maigsi lang ang buhay at wala akong pakialam. Patay kung patay!” Pero alam kong hindi ito bagay sa akin. Kaya ang lumabas at namutawi sa labi ko ay: “I know. Thanks for the reminder.”

Nakaikot din naman ako kahit papaano dahil nang sinamahan ko ang aming consultant para sa isa niyang meeting sa Kasetsart University, naikot ko rin kahit paano ang campus at ang mga nearby flea markets kung saan namili ako ng ilang mga gift souvenirs para sa mga kaibigan at mga kasamahan sa opisina.

Bukod pa rito, napanood ko rin sa pangalawang pagkakataon ang stage production ng kanilang world-class cultural show na pinamagatang “Siam Narimit.” Walang pinagkaiba ang nasabing palabas from the first time I watched it three years ago, pero pareho pa rin ang akng pagkamangha sa ganda ng production values ng stage production na ito.

At kahit na limitado lang ang aming oras, nakuha ko pa ring mumangha sa mga nakita kong local products ng Thailand at sa sistema nila sa pag-aalaga ng mga turista. Alam ng mga Thai ang halaga ng turismo sa kanilang kabuhayan kaya maasikaso sila sa mga turistang tulad ko.

Alas singko ng hapon ang flight namin pabalik ng Taipei pero wala pang ala-una ay nasa Suvarnabhumi airport na kami. Mahigit ding apat na oras akong gumala ng gumala at nagbabad sa mga shops at bookstores doon. Sa katunayan, nakabili ako ng librong “A Short History of Southeast Asia” na inedit ni Peter Church. Sinisimulan ko na itong basahin at natutuwa ako kasi hindi textbookish ang pagkakasulat ng mga may-akda.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Travels. Bookmark the permalink.

5 Responses to Bangkok Sprain

  1. Hi Ronald! Galing din akong Bangkok last week. I also love Thai food wag lang sobrang anghang dahil hindi ko kaya. Sayang sa airport ka lang nakagala🙂 Kelangan mo pa bumalik.

  2. Hi Mich! Naku kung alam ko lang na andun ka, nakipagkita sana ako kahit na pipilay-pilay akong lumakad. I will be in Tokyo next week. Baka andun ka–kita tayo.🙂

  3. The Hag says:

    Oy, hala. I was wondering what happened na to you! Ang tagal kaya since your last post. =D
    My site is up by the way! =D

  4. Hello! Yes, it’s been awhile. I got so busy with work, can’t take time to post. I hope to be back regularly in the grrove soon. Yes, I’ve been reading your blogs. Nice! Congrats!🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s