Ivory Madness

Hindi pa raw out ngayon sa mga magazine stands at bookstores sa Pilipinas ang October issue ng National Geographic kung saan ang cover story nitong “Blood Ivory” ay pinag-uusapan na sa mga coffeeshops, opisina, barbershops at mga inuman sa buong bansa. Ilang beses na itong na-front page ng mga dyaryo sa Maynila. Ito rin ang tinalakay ng anthropologist na si Dr. Michael Tan sa kanyang column ngayong araw sa Philippine Daily Inquirer. Bakit naging kontrobersyal ang cover story na ito ng National Geographic?

Two days ago, nakabili ako ng nasabing isyu ng NatGeo at kaagad kong binasa ang cover story na sinulat ng investigative writer na si Bryan Christy. Nakaka-disturb ang kanyang mga iniulat kasi ang lumalalang smuggling ng mga tone-toneladang elephant tusks mula Africa, patungong Europe at diretsong Pilipinas ay hindi lamang isang environmental issue tungkol sa mga libo-libong pinapatay na elepante. Nalalambungan din ito ng relihiyon at ang pagkahumaling nating mga Pilipino sa mga religious icons. Nasa gitna ngayon ng kontrobersya si Monsignor Cristobal Garcia, isang ivory collector sa Pilipinas na nagturo diumano sa investigative journalist  kung paano nakakarating illegally ang mga ivory tusks mula Africa hanggang sa mga tindahan ng mga religious images sa Tayuman, Manila at kung paano rin ipinupuslit ang mga religious icons mula Manila hanggang Amerika.

Ayon pa sa ulat ni Christy, noong 2005 daw, habang nagsisilbing pari si Garcia sa St. Dominic Los Angeles, California, naakusahan ang pari na nang-abuso sa isang altar boy na teenager. Nang mapaltalsik si Garcia at bumalik sa Pilipinas, na-promote pa  siyang Monsignor.

Para sa mga pari at mga religious people na ininterbyu ni Christy, lumalabas na parang justified ang pagpatay sa mga elepante at pagkuha ng mga tusks nila dahil ginagawa raw naman itong religious icons. Sabi nga daw ng isang pari, pag hindi ka devotee ng Santo Nino, hindi ka Pilipino. Kaya kung sakaling magka-ipitan sa customs, sabihin lang daw na gagamitin ito sa paggawa ng religious icons. “Religion will cover you”  at “Ivory honors God” yan ang mga na quote ng NatGeo writer sa kanyang pag-uulat.

Ganito rin diumano ang sitwasyon sa Thailand, kung saan ang mga elephant tusks daw naman ay ginagawa ring Buddha images o kaya ay mga amulets o anting-anting. Madali rin daw diumanong maipasok ang mga illegal elephant tusks sa Pinas at Thailand dahil talamak ang korupsyon sa mga nasabing bansa.  Ayon kay Christy: “Thailand, like the Philippines, has another commodity traffickers value: corruption.” Na sinundan nya pa ng :”Corruption is so bad in the Philippines that in 2006 the wildlife department sued senior customs officers for “losing” several tons of seized ivory.”

Syempre, pinakamatindi raw ang smuggling ng elephant ivory tusks sa China, kung saan ginagamit din ang mga ivory sa paggawa  ng mga religious images gaya ng Fu Lu, Shou, fertility goddess at marami pang iba. Para rin daw sa mga instik, hindi lang ito tungkol sa pera. Sagrado daw ang mga elepante sa kanilang kultura kaya pag ang mga ito ay namatay, nag-iiwan daw ng magandang bagay ang mga elepante para maging maganda rin ang kanilang pagbabalik sa mundo sa kanilang reincarnation. Galing naman daw sa gobyerno nila ang ivory at ang mga elepanteng kinunan ng tusks ay namatay out of natural causes. Hindi pinatay, kumbaga. Pero naiulat din ni Christy na malayo ito sa totoong sitwasyon.

Dagdag pa ng mayakda: “Everything about China’s ivory industry is poised for growth. The government has licensed at least 35 carving factories and 130 ivory retail outlets and sponsors ivory carving at schools like the Beijing University of Technology. Most telling of all, as in the Philippines, Chinese carvers such as Master Li are training their relatives—they’re investing in their own blood.”

Panay ang aking ngiwi, iling, at tsk, tsk tsk habang binabasa ko itong October cover story ng National Geographic. Mali…maling mali, sabi ko sa sarili.

Sana’y maparusahan ang mga maysala sa komplikadong issue na ito.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Books. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s