Salvador Dali: Mind of Genius

Wala talaga akong balak na manood ng exhibit na ito– ang koleksyon ng mga artworks ng tinaguriang Father of Surreal arts, ang great Spanish art master na si Salvador Dali. Pero naintriga ako sa haba ng mga taong nakapila sa Chiang Kai Shek Memorial Hall nung Sabado. Sabi ko sa sarili, kung sa Maynila ay dinudumog ang pelikulang “The Mistress” ng Star Cinema, dito sa Taipei, ibang klase ang kinababaliwang pilahan ng mga tao on a weekend–high surreal art! Ikaw na. So ako naman, dahil ayaw kong mahuli sa balita, nakipila rin. Hindi mura ang ticket, ha. NT$250. Times 1.4, that’s Php350.

Una kong nabasa ang pangalan ni Salvador Dali sa Humanities subject namin nung college. Magkakabarkada sila nina Joan Miro at Pablo Picasso, ang mga tinaguriang three great Spanish modern artists. Kamakailan, napanood ko rin na pinortray siya ni Adrien Brody sa isang pelikula ni Woody Allen, ang “Midnight in Paris,” at kitang kita ko nga ang pagkakahawig ng hitsura ni Brody sa great Spanish artist.

Mahigit pa sa 100 artworks ni Dali ang naka exhibit hanggang katapusan ng buwan. Karamihan sa mga ito ay mga malalaking sculptures, mga painting, illustrations, furniture, gold ornaments, colored glasses na puro kamangha-mangha. Dahil nga sa surrealism ang istilo ng kanyang artwork, para na rin akong pumasok sa kanyang mga panaginip, sa loob ng kanyang subconscious kung saan marami sa mga bagay ay parang lumulutang, distorted, deformed o kaya ay morphed. Huge fan si Dali ni Sigmund Freud, ang father of psychology at ang kanyang librong “The Interpretation of Dreams” kaya marami sa kanyang art creations ay para nga namang nanggaling sa daigdig ng panaginip o pantasya. Halimbawa, may mga scuplture sya ng mga higanteng relo na parang natunaw sa araw at nakasabit sa mga sanga ng kahoy, isang higanteng snail na may nakaapak na anghel, hubo’t hubad na lalaki na may hawak-hawak na malaking paro-paro, ang “Space Elephant” scuplture, isang elepanteng mayroong napakahabang paa at may sunong sunong na triangle na parang pyramid,  etc.

Nahumaling din daw diumano si Salvador Dali sa Hollywood sex symbol na si Mae West. Sa katunayan, gustong-gusto niya ang labi ni Mae West kaya marami sa kanyang mga artworks ay puro mga higante o maliliit na labi. Mayroon syang isang furniture sofa na korteng labi, inspired by the sensual and sexy lips of Mae West. Mayroon ding isang napakalaking painting mural ng mga human eyeballs na ginamit sa isang Alfred Hitchcock movie na pinamagatang “Spellbound.” Karamihan naman sa kanyang mga etchings at engravings ay pumapatungkol sa kanyang spiritual search, sexual fantasies at ang kanyang mga meditations tungkol sa oras, panahon at buhay.

May isang bahagi ng exhibit na dinescribe ang talambuhay ni Dali. Nakalagay doon na sa edad na 7 taon, dineklara nya sa kanyang pamilya na gusto raw niyang maging si Napoleon Bonaparte. Makalipas ang isang taon, rebelde na raw ito at partating sumusuway sa kagustuhan ng kanyang mga magulang. Labing dalawang taong gulang naman daw ng magsimula siyang magpinta. Sa edad na 13, nagsimula siyang mag experiment sa Impressionistic style of painting at sa edad na 15, nag mount na siya ng kanyang first solo painting exhibition. Sa edad na 16, sinabi niya sa lahat na siya raw ay magiging isang genius. All throughout his life, ito ang naging self-concept nya, at totoo nga na parang isang self-fulfilling prophecy, halos lahat ng tao ay umaayon  sa kanyang pinamalas na galing sa sining. At nakita ko nga sa kanyang mga artworks na totoo,  isa nga siyang henyo.

Kilala rin si Dali sa kanyang famous quote: “Cuando se es un genio, no tenemos drecho a morirnos.” Loosely translated sa Tagalog, ito ang ibig sabihin noon: “Kapag ikaw ay isang henyo, wala kang karapatang mamatay.” Which, in effect is true. Matagal ng namayapa si Israel Dali pero eto’t hanggang ngayon ay dinudumog sa takilya ang kanyang mga artwork dito sa Taipei.

Kakabilib.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Events, Taiwan Life, Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s