Zia: Ang Unang Album

Anim na kanta lang ang laman ng unang album ni Zia Quizon, ang dalagang anak nina Dolphy at Zsazsa Padilla, at para sa akin, sapat na yon para ko sabihing she might just be the next big thing in our local music industry. Una kong napanood ang kanyang performance sa Youtube at natigilan ako. Hindi lang sya maganda tulad ng kanyang ina, malakas din ang kanyang stage presence. Pero nagkatalo lahat sa boses–malamig, may kakaibang taginting, nangungusap. Inulit-ulit ko ang napanood ko sa Youtube at sabi ko sa sarili, para siyang pinaghalong Nora Jones, Laura Fygi at Nina Simone.  At di tulad ng ibang bagong singers na alam mong pilit na pilit na maging magaling, si Zia ay relaxed lang. Walang pressure na magpa-impress. Di kailangang bumirit para palakpakan. Basta nag-e-enjoy lang syang kumanta.

Kaya nang umuwi kamakailan ang kaibigan kong si Alex Dee, nagbilin ako talaga na ibili nya ako ng CD ni Zia. Three days ago, sabay-sabay naming pinakinggan ng aking mga kaibigang Pinoy ang anim na kanta ni Zia, starting from Gugatti and Musker’s “So Much in Love” (Reaction ng isa naming kasama: “Si Zia ba yan? Parang foreign artist!”), hanggang sa mala bossa nova na “Ako na Lang” na kinompose ni Jungee Marcelo at ang “Dear Lonely” ni Francis Salazar.

Ni revive din niya ang lumang hit ng kanyang ina na “Mambobola” na kinompose ni Raymund Anthony Fuentes at dito mapapansing ibang-iba ang singing style niya kumpara sa istilo ng Divine Diva. Sa pang-limang track, ang “Simple Girl” na mismong komposisyon din ni Zia, kapansin-pansin naman na kahit sa kanyang murang edad, may lalim ang anak ng Comedy King. Expressive at nangungusap ang kanyang rendition ng kanta: “And I’m a simple girl. It’s easy to say/When I’ve had everything handed on a silver plate/ Don’t make excuses but I do make mistakes/ I’ve got one life to live and just one heart to break.”

Ayon sa mga nabasa ko sa mga entertainment websites, ang panghuling track ng unang album ni Zia– ang classic  song na “Smile” na komposisyon nina Charlie Chaplain, Geoff Parsons at John Turner, ay isa raw tribute ng dalaga sa kanyang namayapang ama. Parang torch singer nung mga pre-war days ang renditon nya ng kanta at kung pakikinggan nyo  lang mismo ang kanyang tinig, hindi nyo sasabihing ke bata-bata pa nung kumakanta.

Kapag parehong sikat na celebrities ang magulang ng isang bata,  ang laki-laking ng pressure para sa kanila na kumawala sa anino ng kanilang mga parents at gumawa ng kanilang sariling identity at marka sa mundo. Sa aking palagay, nagawa na ito ni Zia Quizon sa kanyang unang album. Mabigyan lang ng tamang break, di magtatagal ay mamamayagpag na rin siya sa daigdig ng Philippine entertainment gaya ng mga sikat niyang magulang.

She would certainly make her parents proud.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Music. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s