Exotic Pinoy Foods sa TLC

Over the weekend, habang abala ako sa mga gawaing bahay, napukaw ang aking atensyon ng dalawang TV programs sa Discovery Travel and Lifestyle Channel. Dalawa sa aking paboritong TV hosts ang nag-feature ng kanilang mga food adventures sa Pilipinas. Sina Andrew Zimmern na host ng “Bizarre Foods” at si Anthony Bourdain na host naman ng “No Reservations.” Kapwa mga kilalang chefs at manunulat, kilala ang dalawang TV hosts hindi lamang sa kanilang husay sa pagluluto kundi pati na rin sa tibay ng kanilang mga sikmura. Nakita ko na si Bourdain na kumain ng mga testicles ng mga tupa at itlog ng mga langgam. Si Zimmern naman, dahil nga sa mismong titulo ng kanyang programa ay talagang expected ng kumakain ng kahit na ano–as long as they are edible. Ano ang kanilang verdict sa mga pagkaing nadiskubre nila habang nag-iikot sila sa Pilipinas?

Mas nabuo kong panoorin ang “Bizarre Foods.” Nakita ko si Zimmern na nag-ikot sa Quiapo at tumikim ng mga street foods gaya ng bituka ng manok at ang ating local na sorbetes na takang taka sya kung bakit ito ang ginagawa nating palaman sa mga hamburger buns. Nagtungo rin si Zimmern sa Pateros kung saan nakita niya kung paano pino-produce ang ating balut. Nang matikman niya ang ating famous egg duck embryo na sinawsaw niya sa asin at suka, ang sabi niya, isa raw yon sa kanyang hindi malilimutang karanasan as a TV host.

Sa Angono, Rizal naman, natikman ni Zimmern ang worm na kung tawagin natin ay u-ang at niluto ng adobo style. Very jelly-like taste daw ng u-ang, sabi ni Zimmern. Naglakbay din siya sa isla ng Palawan kung saan natikman  niya ang isa pang uri ng bulate na nabubuhay sa tree barks. Exotic na exotic nga ang description niya sa kanyang mga natikmang pagkain.

Sa kabilang dako, kapiraso lang ng program ni Anthony Bourdain ang napanood ko pero mas naging malalim ang pagtalakay niya hindi lang sa ating mga pagkain kundi pati na rin sa ating kultura. Sa katunayan, nabuo daw ang desisyon niyang i-feature ang Pilipinas sa kanyang programa dahil sa isang video clip na padala ng isang Fil-Am na Cebuano na nag-imbita sa kanyang i-discover ang richness ng ating culinary world.

Nakita ko si Bourdain na tumikim ng dinuguan at kinilaw at nagustuhan niya ito. Nang magtungo siya sa Cebu para bisitahin ang pamilya noong Fil-Am na Cebuano na nag-imbita sa kanya, binisita  niya ang mga palengke kung saan nakita niya ang malawak na tindahan ng mga tuyong isda. Natikman din niya ang ating mga seaweed salad at seafood gaya ng sugpo. Nakita niya kung paano niluluto ang famous lechon from Cebu. “This is the most delicious roasted pork I’ve ever tasted–bar none,” yan ang kanyang pahayag habang tinitikman niya ang malutong na balat ng Cebu lechon sabay tungga ng San Miguel beer.

Mayroon lang kakaibang obsebasyon si Bourdain na hindi niya natiis na ihayag habang nakikipag-usap siya sa pamilya nung Fil-Am na Cebuano. “I have been observing you and one thing I’ve noticed, you Filipinos are so polite and so nice–and I think that in the long run, it’s going to be a problem.”

Medyo nag-strike ito sa akin kasi di lang isa kundi tatlo na yatang foreigner ang nakapagsabi na sa akin ng ganito. “You are so polite o kaya, what’s wrong with you? You are so nice.” Na lagi ko namang sinasagot ng: What’s wrong with that?

Isa pa sa ipinagtataka ni Bourdain ay kung bakit sa dami daw ng ating masasarap na pagkain ay hindi pa ito hanggang ngayon nakikilala sa buong mundo. “You seem like a blank page in the culinary map,” ang pahayag ng famous chef.

May problema siguro talaga sa ating pag ma-market ng ating mga Pinoy dishes. Mabuti na lang at napili tayong i-feature ng “Bizarre Foods” at “No Reservations.” Sa totoo lang, ang ganda ng kanilang pagpapakita ng ating masasarap na pagkain. Nakakagutom talaga.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Food, Personalities, TV. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s