One Year of Blogging

Ito ang aking pang 211th post bilang isang blogger. As of yesterday, September 19, 2012, mayroon ng 14,984  hits ang blog na ito. Pinakamarami ang nagbasa ng blog ko noong November 26, 2011 sa entry kong pinamagatang “Paalam Kune” na nag hit ng 518 times. Kung pagbabasehan ko ang stat record ng wordpress, 70% ng nag-f-follow sa  blog kong ito ay mga foreigners. Nakakapagtaka dahil ina-assume ko na ang mga nasabing foreigners ay hindi nakakaintindi ng wikang Filipino. May mga nagbabasa ng blog ko as far as Ireland, Finland at South Africa. Minsan, mayroon pang lumabas na Brazil.

Overall, 636 na comments ang nakuha ng aking mga blog entrties. May 10% sa mga nag-comment sa ilang entries ay hindi ko kilala. Pawang mga “handle” lamang nila ang aking pinagbabasehan. Marami rin sa mga nag-r-react at nagpapadala ng comment sa aking blog ay through Facebook, email at Twitter. Nakakatuwang isipin na matapos ang isang taon kong pag b-blog, may mga kaibigan akong pinoytaipeiboy na ang tawag sa akin at hindi na ang tunay kong pangalan.

Alas dos ng hapon exactly a year ago, sinulat ko ang una kong blog entry na may pamagat na “Unang Uha.” Noong panahong yun, may tatlo akong dahilan kung bakit ko sinimulan ang aking blog. Una, gusto kong ma-experience ang disiplina ng pagsusulat. Gusto kong ma-enhance at tumalas ang aking writing skills. Pangalawa, gusto kong i-chronicle ang unang taon ko sa Taipei at ibahagi ito sa nakararami. Pangatlo, gusto kong mag-get in touch sa aking damdamin at sa aking unknown, psychic self. Writing does that, sabi ng mga eksperto. So sinimulan kong magsulat. May mga sinet lang akong rules sa aking utak. Sabi ko sa sarili, ayaw kong magsulat ng mga bagay na makakasira o makakasakit sa ibang tao. As much as possible, ayaw ko rin itong maging avenue for my rants and complaints. May mga subject matter akong conscious ako na hindi ko tatalakayin dahil magsisimula ito ng walang katapusang debate, dalawa na rito ang aking religious and political beliefs. As much as possible ayoko ng blog na negative ang dating. Gusto ko light at positive ang pagtalakay ko sa mga baga-bagay. Isa pa sa sinabi ko sa sarili, pag hindi na ako nag-eenjoy sa pag-b-blog, ititigil ko na ito.

At totoo nga, may hindi lang isa o dalawang beses na naisip kong itigil na ang pag-b-blog. May mga pagkakataong ang pakiramdam ko ay masyado ko ng in-e-expose ang aking vulnerable side. Hindi ito magandang pakiramdam kasi napaka sagrado para sa akin ng aking private thoughts. May mga pagkakataon naman na wala na akong masulat. Kumbaga sa balon, pakiramdam ko ay naiga na ako at anumang salok ay wala ng maigib na tubig. Minsan naman, ang feeling ko ay sobra na akong nagiging self indulgent at wala na akong ibang tinalakay kundi ako–me, myself and I. Aaminin ko na minsan, kahit ako mismo ay napagod, nainis at na-bore rin sa aking mga pinagngangangawa.

Pero bakit sa kabila ng lahat ng ito, heto ako at nag-b-blog pa rin matapos ang isang taon? Aaminin ko na isa sa mga dahilan ay dahil na-i-inspire ako sa mga natatanggap kong positive feedback. Yung mga “keep the blogs coming,” “don’t stop writing,” good job” ay pawang mga pats on my back. May natanggap akong email na nagsabing ang blog ko raw ang una niyang hinahanap at binabasa kapag binubuksan nya ang kanyang PC. May nagsabi rin na nag-iba raw ang pananaw niya sa mga Taiwanese at sa bansang Taiwan dahil lang sa pagbabasa ng aking mga blog.  May mga naki-iyak sa akin nang sulatin ko ang blog tungkol sa yumao kong ama at sa aking matalik na kaibigan na sumakabilang buhay kamakailan lang. Mayroon namang nagsabing muntik na syang mahulog sa katatawa dahil sa pagbabasa ng aking mga inilathalang kahihiyaan. Biglang bigla, parang nagkaroon ako ng dahilan para bumangon sa umaga at lalong pagbutihin ang pagsusulat.

Dalawa rin sa mga matalik kong kaibigang foreigners  ay pilit na binabasa ang aking blog at nag-a-attempt pa silang i-google translate ang aking mga Filipino entries dahil gusto raw nilang malaman ang aking mga pinagsususlat. “Why don’t you write in English?” tanong nila. Ipinaliwanag ko na mga kapwa Pinoy kasi ang target readers ko kaya sinusulat ko ang aking thoughts in Filipino. Sa pagkumbinse rin nila, nag-create tuloy ako ng English entries category pero konti pa lang ang aking nasusulat sa wikang ingles.

Palagay ko, di rin siguro ako makakatagal magsulat sa loob ng isang taon kung hindi ko gusto ang aking ginagawa. May kakaibang gayuma at ligaya kasing dulot ang mismong act ng pagsusulat. Para rin itong endorphin rush kumbaga sa athlete na naka experience ng second wind o kaya ay isang tao na nagka orgasm habang nakikipagtalik. Mahirap ito talagang ipaliwanag. Dapat muna itong maranasan para tuluyang maunawaan.

So where do I go from here? Tuloy-tuloy lang ba akong mag-b-blog? Honestly, di ko ito mabigyan ng definite na sagot. Ako kasi ang tipo ng tao na hinahayaan kong madala na lang ng agos saan man ako mapadpad. Ganun pa rin siguro ang patakaran ko. Hangga’t enjoy ako, tuloy-tuloy lang. Kaya nagpapasalamat ako sa lahat ng mga nagbasa, nagparamdam, nagpakilala, nag comment, nag-suggest, nagbigay ng koreksyon, naki argue, nag share ng opinion o kahit  naki-silip lang sa aking mga sinulat.

After one year of blogging, natanto kong hindi pala ganoong kadaling mag-blog kasi bukod sa sobra itong time consuming, totoo pala yung kasabihang you are only as good as your last performance. Kaya dun sa arogante at komedyanteng Pinoy na Senator na mahilig mangopya ng mga blogs ng iba at minamaliit ang mga hamak na blogger na tulad ko, hinahamon ko siyang magsulat ng kanyang original blog. Ewan ko lang kung makakatagal siya ng isang buwan.

Sa mga kapwa kong bloggers, mabuhay tayo at marami pa sana tayong mapasaya, ma-inspire at maantig sa pamamagitan ng kapangyarihan ng ating mga panulat!

Salamat Panginoon for making me experience the sheer joy of writing. The bliss is insanely incredible and truly incomparable.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Taiwan Life, The Writing Life. Bookmark the permalink.

2 Responses to One Year of Blogging

  1. Jean Cabrera says:

    Kaibigan, tunay na pinahahanga mo ako sa bawat pagbabasa ng iyong artikulo. bawat salitang namumutawi ay tunay namang masarap basahin at intindihin. Good job my friend saludo ako isa kang tunay na manunulat, katulad mo na rin ang writer ng sineng filipino. nasusubaybayan ko ang lahat na mga napadala mo at i print out ko nga para me kopya.

  2. Maraming salamat, Jean. Coming from you, I am very touched.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s