Taiwanology

Kung mayroong Asian, Philippine at European studies, mayroon ding Taiwan studies na mas kilala na ngayon sa pangalang “Taiwanology,” ang masusing pag-aaral sa kalinangan at national identity ng mga Taiwanese. Ayon sa mga nag-aaral ng subject na ito, dalawa raw ang uri ng tinatawag na Taiwan studies. Yung pinag-aaralan sa mga unibersidad mismo ng Taiwan at yung pag-aaral nito sa mga unibersidad sa labas ng bansa. Ang una ay nakatuon sa mga collective values ng mga Taiwanese gaya ng pag-aaral ng Confuciunism samantalang ang huli ay ang pag-unawa sa kasaysayan at kultural na realidad ng kanilang bansa.

Ano naman ang pagkakaiba nito sa Sinology o Chinese studies? Syempre, obvious na nakatuon ang Taiwanology sa bansang Taiwan. Magkaibang disiplina raw ito bagama’t hindi maiiwasang magkaroon sila ng pagkakapareho dahil iisa naman ang pinanggalingan ng kanilang kultura.

Mahalaga ang Taiwanology sa mga Taiwanese dahil hangad nilang mapalawig at mapalakas ang kanilang identity bilang isang bansa. Malaki rin ang ginugugol na pera ng kanilang gobyerno para rito. Ang Academia Sinica, na nagsimulang magtatag ng isang Institue of Taiwan History noong 2004, ang isa sa mga naunang mag promote sa nasabing disiplina. Sa katunayan, sa nasabing unibersidad ginanap ang kauna-unahang “World Congress of Taiwan Studies” noong April 26-28 ngayong taong ito kung saan mahigit sa 170 local at foreign scholars buhat sa iba’t-ibang displina ang nagtulong-tulong gumawa ng mga resolusyon para lalong mapalakas ang pag-aaral ng Taiwanology sa mundo.

At totoo ngang lumalawig na ito. Itinuturo na ang Taiwanology sa University of London, Russian Academy of Sciences, University of Tubingen sa Germany, Chinese University of Hongkong, Yale University sa America, at marami pang iba. Lumalawak din ang scope at coverage ng buong academic discipline. Hindi lamang ito naka-angkla sa kasaysayan ng Taiwan kundi pati na rin ang kanyang cultural development, edukasyon, migration trends, mass media, literature, film studies, gender, pop culture, at marami pang iba. Sa isang artikulo sa magasing “Taiwan Review,” ipinaliwanag na para lumago pa ang appreciation sa pag-aaral ng subject na ito, kinakailangan daw na walang aspeto sa kasyasayan ng bansang Taiwan ang kailangang i-censor o itago ng pamahalaan. Open daw dapat lahat sa kahit na anong tanong buhat sa ibang mga academicians.

Samantala, parami naman ng parami ang mga foreigners na nagpupunta sa Taiwan para mag-aral ng Mandarin. Ayon sa Ministry of Education, noong isang taon, mayroong 14,800 foreign nationals ang nagtungo rito para mag-aral magsalita at magsulat ng Mandarin. Sa Chinese Culture University kung saan nag-aral din ako ng Mandarin course for beginners, may 2,000 foreigners ang kasalukuyang kumukuha ng Chinese classes. At para magkaroon pa ang mga estudyante ng deeper appreciation ng Chinese culture, isinasabay sa pagtuturo ng language ang pag-aaral ng kung fu, tai-chi, maging pagluluto ng dumplings at pagtugtog ng mga Chinese musical instruments ay nakapaloob na ngayon sa kanilang curriculum.

Di lang yun.  Ayon sa taiwanacademy.tw, sa kasalukuyan, mayroon daw mahigit na 1,250 grants ang Taiwan government na ipinagkakaloob sa mga undergraduate, postgraduate at researchers sa buong mundo para mag-aral ng Mandarin, mag conduct ng mga research work at mag-aral pa ng iba’t-iba pang aspeto ng buhay dito sa Taiwan.

Sa mga Pinoy na interesado sa Sinology at Taiwanology, magandang oportunidad ito para makapaglakbay at mapag-aralan ng malalim ang kultura ng mga kapatid nating Taiwanese.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Taiwan Life, Trends. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s