9/11

Ika-tatlong taon ko na noon sa Taiwan. Well-adjusted na ako sa buhay abroad, pero alam ko na in six months time ay uuwi na ako sa Pinas for good. Tapos na kasi noon ang kontrata ko at malungkot mang iwan ang bansang natutunan ko na talagang mahalin ay looking forward naman ako na umuwi na rin sa Pilipinas at magsimula ng bagong pakikipagsapalaran.

Ang naaalala ko noon, katatapos ko lang mag-jogging. Umakyat ako sa kwarto ko sa dorm para mag shower at nang ako’y bumaba para maghapunan, nakita ko ang mga dormates kong Taiwanese na nagkukumupulan sa may televison set. Syempre, nakiusyoso ako. Ang una kong nakita ay ang CNN footage ng sumasabog na Twin Towers sa New York. Ang buong akala ko ay special effects lang ito ng isang upcoming movie. Pero nang ipaliwanag ng mga kasamahan kong Taiwanese na totoong binomba ang New York Twin Towers, napaupo na ako at tumuon ng seryoso sa balita.

May tatlumpung minuto yata akong nakatutok noon sa harap ng television set at unit-unti, naging malinaw sa akin ang mga naganap na terrorirst attack. “Things will never be the same again after this,” sabi ng mga social analysts na ininterbyu ng CNN. “Traveling to different countries will now be different.”

Nag-iba na nga ang lahat pagkatapos ng September 11, 2001. Naghigpit ang seguridad sa lahat ng airports. Hindi na madaling mag-apply ng visa sa US at Europa. Sa katunayan, isa ako sa mga naging casualties ng 9/11 aftermath nang hindi ako nabigyan ng visa para mag-aral sa Europa noong sumunod na taon. Pinagluksaan ko ito at matagal na panahon din ang lumipas bago ko natanggap na  ganoon talaga ang buhay. May mga bagay na di para sa atin.

Labing isang taon matapos ang September 11, nakabalik ako sa Taiwan para magtrabaho ulit. Sanay na ako sa mga mahihigpit na security checks sa mga airport ng iba’t-ibang bansang napupuntahan ko. Parang second skin na lang sa akin na magpakita ng ID at passport tuwing may magtatanong kung anong business ko sa isang lugar.

Kanina, napanood ko ang tribute ng CNN sa 2,972 na mga taong nalipol noong 9/11 tragedy at di ko lubos maisip na oo nga pala, 11 isang taon na ang nakakaraan. Hindi pa rin ako sanay sa buhay na puno ng uncertainties. Naiiling pa rin ako tuwing nakikita ko sa news ang mga patayang nagaganap sa Syria. Tuloy-tuloy lang ang daloy ng buhay kahit ang isang bahagi ng utak ko’y nagdarasal sa kaligtasan, habang ang kabila namang bahagi nito’y umaasa na magiging payapa, matiwasay at tahimik din ang lahat.

Photo credit: interaksyon.com para sa larawan ng NY Twin Towers

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Reflections, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s