Notes on Suwon

Limang araw akong tumigil sa bayan ng Suwon sa South Korea at bagama’t opisyal na trabaho ang nagdala sa akin dito, nakuha ko pa ring isingit ang ilang oras para gumala, mamasyal at makita ang ilang kaibigan. Tatlumpung kilometro ang layo ng Suwon sa capital ng South Korea, ang Seoul– at halata ko agad ang pagkakaiba ng dalawang siyudad. Tila mas mabilis ang takbo ng buhay sa Seoul, samantalang mas marami akong nakitang kabukiran at “green sites” sa bayan ng Suwon. Last year, nung tumigil din ako ng limang araw sa Seoul, ang dali lang gumala at maghanap ng mga souvenir shops sa lungsod. Sa Suwon, hirap na hirap ako at kahit sinong Koreano na pagtanungan ko, hindi rin sila makapagbigay ng klarong suggestion.

Dalawang bagay naman ang nag-stand out sa biyahe kong ito sa Suwon. Una, nabondat na naman ako sa sarap ng Korean food. Kalimitan sa aming kinainang restaurant ay eat-all-you-can buffet style at bagama’t pigil na pigil pa nga ako na huwag magpakabusog dahil sa aking tila lumalalang weight problem, hindi ko pa rin natanggihan ang halina ng mga pagkaing Koreano lalo na ang kanilang mga beef barbecue dishes na ayon sa aming hosts, ay siya mismong specialty ng lungsod ng Suwon.

Pangalawa, kahit sa loob ng maigsing tatlong oras lamang, nakita ko ulit ang pamilya Oh, ang kaibigan kong Korean family noong nagtatrabaho pa ako sa AVRDC sa Tainan may mahigit ng 10 taon na ang nakakaraan. Sa katunayan, si Angela, ang kaisa-isang anak nina Dr. Dae-geun Oh at ng kanyang asawang si Miong ay apat na taong gulang lamang nang huli ko siyang makita. Ganap na siyang dalaga ngayon at kahit hindi na niya ako kilala, ay nagkaroon agad kami ng instant koneksyon nung inabot ko sa kanya ang regalo kong notebook na binili ko sa souvenir shop ng  Ximen Red House dito sa Taipei. Wala akong idea na ang number one hobby pala niya ay ang mag-collect ng mga notebooks at mag drawing sa mga sketchpads. Sobra akong na-impress sa mga pinakita niyang pencil drawings na kinunan niya ng picture sa kanyang telepono at kaagad ko siyang inencourage na seryosohin ang kanyang pag d-drawing. Kinuwento ko sa buong pamilya na noong nasa Pinas pa ako, may mga nakilala at na interview akong animators na nagtatrabaho na ngayon sa Hollywood at sila mismo ang nag-d-drawing ng mga popular cartoon movies na pinapalabas sa mga sinehan ngayon. So, minotivate ko ang unica hija ni Dr. Oh. “They were once like you and you can be like them,” ang nakangiti kong sabi.

Nabisita ko ang famous Hwaseong fortress (brilliant castle), kung saan nag-shooting ang “Jewel in the Palace” isa sa mga pinaka-popular na Korean telenovela na napalabas sa Pinas ilang taon na ang nakakaraan. Napuna ko ulit ang pagkakapareho ng Chinese and Korean architecture lalo na sa kanilang old buildings at nakita ko rin ang di gaanong obvious na pagkakaiba ng mga ito. Mas may curve ang roof structures ng mga Chinese pavilion at pagoda samantalang mas tuwid ang hugis ng mga Korean roofs.

Sa Landmark Hotel na aming tinuluyan, napansin ko rin agad ang dami ng mga European businessmen na nakakasabay ko sa elevator, sa hotel lobby at sa restaurant kung saan ako nag-aalmusal. Pangalawang araw noong na-figure out ko kung ano ang kanilang ginagawa sa Suwon. Di ko kasi natiis na itanong sa front desk staff kung ano ang business nila sa lungsod. Kahit kelan talaga ay curious at pakialamero ako. Konektado raw sila sa Samsung, ang Korean company na namamayagpag ngayon sa larangan ng electronics. Sunod kong itinanong: gaano kamura ang Samsung phones kumpara sa presyo nito sa ibang bansa? Ang sagot ng front desk staff sa akin: “No, Samsung phones are actually more expensive here in Korea. But please don’t ask me why. I don;t know the reason.” Aba, nakakapagtaka naman.

Gaya sa Taiwan, summertime pa rin sa Korea pero mas malamig ang temperature sa Suwon kapag gabi at umaga. Nang gabing gumala kami ng aking mga kasamahan para mamili, 16 degrees Celcius ang temperature sa labas. “May kagat na ang lamig,” bulong ko sa mga Pinoy kong kasama.

“Pa-kodak tayo,” sagot ng isa naming Pinoy seminar participant.

Agad kaming nagkumpulang mga Pinoy at naghanap ng taong papakiusapang kumuha ng aming picture.

“Talaga naman,” biro ko habang sabay-sabay kaming nagngitian sa sunod-sunod na click ng camera.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Travels. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s