Brand New

Isang araw bago bunutin at ayusin ang aking mga ngipin, pakiramdam ko, para akong preso sa death row. Sa katunayan, pinaghandaan ko ang lahat ng mga negative things na maaaring mangyari. Kumain ako ng masarap na dinner kasi pakiramdam ko, last meal ko na yun. Naglinis ako ng bahay kasi pakiramdam ko, matagal akong mai-indispose.  Bumili ako ng malalambot na pagkain–magmula gelatin hanggang sa malalambot na prutas at tinapay. Paggising ko kinabukasan, ayaw maalis ng kaba ko at dasal ako ng dasal habang naglalakad sa clinic ni Doktora Tung, ang Filipino-Chinese na pinagkatiwalaan kong mag-ayos ng aking ngipin. Sabi niya kasi a day before, aabutin daw ng mga dalawa hanggang tatlong oras ang aming “bunutan.”

Nang dumating ako sa clinic niya, nagulat ako kasi hindi lang si doktora ang nandun kundi pati na rin ang kanyang asawang dentista rin. Mukhang magtutulong sila para maayos ang ngipin ko. Lalo kong na-realize na kumbaga sa surgery, major operation ito. Isang malakas na buntunghininga ang aking pinakawalan at isang mabilis at taimtiim na dasal lang ang aking inusal at kaagad akong umupo sa dentist’s chair. Hindi ko alam kung bakit parang isang milagro, pagkaupong pagkaupo ko, nawala lahat ng aking takot at kaba.

Siguro unang una, makwento at cheerful si doktora. Una niyang pinuna ang nunal ko sa labi at sinabing, “Uy, alam mo maswerte `yan.”  Iba rin ang pakiramdam na ang kakwentuhan ko ay Pilipino at nag-Tatagalog. Habang tinuturukan niya ng anesthesia ang aking gums, tinanong niya ako tungkol sa trabaho ko, kung saan ako nakatira sa Pilipinas at sa nalalapit kong biyahe. Pangalawa, magaan ang kamay ng mag-asawang dentista. Wala akong naramdamang anything forceful na ginawa nila sa aking ngipin. Pangatlo, nang mamanhid na ng anesthesia ang aking gums, di ko na naramdaman ang mga pagkalikot na ginawa sa ngipin ko. Kinalkal, hinalukay at ni-root canal ang aking gums, minartilyo ang aking mga incisors, binunot ang aking ngipin pero halos wala akong naramdaman. Matapos si doktora, ang asawa naman niya ang pumalit. Bumaba pa kami sa basement para i-x-ray ang aking upper molars. Pagkatapos, balik na naman kami sa bunutan. I just went along with the motions.

“O, nganga, kagat, mumog.” Yan ang mga instructions sa akin ng mag-asawa.

Matapos ang mga dalawa at kalahating oras, nakabit na ang aking temporary jacket crowns at nagdala si doktora ng salamin sa harap ko, sabay sabing, “O tingnan mo ang iyong brand new set of teeth! Guwapo ka na ulit!”

First time kong makita na buo na ulit ang aking ngipin, at kahit may dugo pa ang aking gums, ang unang pumasok sa utak ko ay: Bakit nga ba ngayon ko lang ito ginawa? What took me so long to have my teeth fixed? Bakit nga ba ako natatakot magpa dentista ay napaka high tech na ngayon ng mga dental equipment at very well-trained ng mga dentists lalo na rito sa Taiwan?

Halinhinan namang nagbigay ng instructions ang mag-asawang dentista. “O eto ang mga antibiotics mo. Pag sumakit, ito naman ang pain reliver pills. Huwag kang kakain ng matitigas. Bawal din ang maiinit na foods sa first few days. Pag nag-hilom na ang gums mo, ikakabit na natin ang permanent jacket crowns mo. ”

Para talaga akong nabunutan ng malaking tinik sa dibdib habang naglalakad akong pauwi. Natulog ako maghapon at sa aking paggising, hindi ko halos naramdaman na sumasakit ang gums ko. Sa katunayan, masaya akong kumain ng ice cream habang nanonood ng mga lumang pelikula sa HBO. The following day, pumasok ako sa opisina na parang walang nangyari.

As I write this, temporary pa rin ang aking jacket crowns. Next weekend pa ulit kami magkikita ni doktora. Pero every time na humaharap ako sa salamin, lagi na akong nangingiti. Brand new teeth na kasi ang nakikita ko. Ngayon lang yata ako sumasangayon sa mga toothpaste commercials. Ibang confidence nga pala ang nagagawa ng brand new set of teeth.

Didit Ledesma, thank you for encouraging me to have my teeth fixed.

Jackie Uy, maraming salamat sa tulong mo.

Sa mag-asawang Drs. Tung, hindi pa ako magpapasalamat ng lubusan. Pag natapos na lang ang lahat.

Salamat google images sa picture na kaakibat ng blog entry na ito.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Health, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

6 Responses to Brand New

  1. jen says:

    noong binunutan po ba kayo,nilagay n dn po b yung temporary jacket?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s