Botante Na Ako!

As of 10:30 ng umaga kanina, Philippine and Taiwan standard time, isa na ako sa tinatarget na 850,000 official registered voters na makakabilang sa Overseas Absentee Voting (OAV) program ng Commission on Elections ng Republika ng Pilipinas.

Opo, mga kababayan, nagpa-register na ako kanina sa opisina ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) dito sa Taipei. Which means sa darating na Senatorial elections sa May, 2013, pwede na akong bumoto rito.

Isang pangungumpisal: ang huli kong beses na bumoto ay noong naglaban pa sina Fidel Ramos at Miriam Defensor Santiago bilang pangulo noong 1992. Sa U.P. Rural High School sa Los Banos pa ako naka register noon. After that, nawalan na ako ng ganang bumoto. Naging cynical na ako sa takbo ng pulitiko sa bansa. Isa ako sa mga taong nagsasabing “If I have the right to vote, I also have the right not to vote.”

Pero nagbabago ang panahon, ihip ng hangin at maturity at perspective ng tao. Ngayon, I want my vote to be counted. Kaya nung sinabi ng aking mga kaibigan sa MECO na pwede daw akong magpa register as voter dito sa Taipei, napagdesisyunan kong bumoto sa darating na halalan.

Kaya kaninang umaga, as instructed, dala-dala ko ang aking passport at nagtungo ako sa MECO kung saan ako nag fill-out ng isang voter application form. It’s the usual standard questions na tinatanong sa mga legal and official forms. Name, date of birth, passport number, etc. Pero na warningan na ako na dapat daw, tanda ko ang birthday ng Nanay ko dahil isa yun sa mga fill-out-the-box questions. Alam ko naman by memory ang bertday ng Mama ko kaya walang problema.

Pagkatapos noon, pinapirma nila ako sa isang blank leather pad para makuha ang aking electronic signature. After that, nilagay ko ang aking right and left thumb and index finger sa isang maliit na glass box kung saan kinuha nila ang aking fingerprints.  At ang panghuli, kinunan nila ako ng litrato na automatic nilang isi-save sa kanilang laptop. Pagkatapos, binigyan nila ako ng acknowledgement receipt at sinabihang ito raw ang ipapakita ko pag bumoto ako sa darating na Senatorial elections. Natapos ko ang lahat in less than 10 minutes.

“Walang voter’s ID?” tanong ko.

“Ipapadala yun sa bahay mo sa Pinas. Naka-address yun sa nilagay mong pangalan ng iyong Philippine representative, which happens to be your brother,” yun naman ang sagot ng MECO representative na kausap ko.

“Okay,” sabi ko, na parang nag he-hesitate. Ba’t ganun? Tanong ko sa sarili pero di na ako nag-usisa pa.

Ngayon na registered na ako, gusto kong malaman ang mga kakandidato sa Senador sa susunod na halalan. Mayroon na akong nakikita sa internet at karamihan sa kanila ay mga tiga-showbiz. Paano ko malalaman ang profile nila, lalo na yung mga bagong kandidato? Sana naman ay huwag magmistulang isang circus na naman ang susunod na halalan.

Anyway, matagal pa naman yun. May panahon pa para kilalanin sila isa-isa. Di ko maintindihan kung bakit excited at curious ako ngayon samantalang dati rati ay di ko pinapansin ang mga kandidatong ito. Nagbabago nga pala ang lahat.

Sa mga kaibigan ko na nasa Pinas, come election day at nakita nyo ang pangalan ko sa kahit na anong presinto dyan sa barangay hall sa Los Banos, Batangas, Paranaque o kahit saan pa, watch out. May anomalyang nagaganap. Hindi po ako flying voter. Dito po ako sa naka register sa Taipei at hindi sa Pinas.

At sa mga kaibigan at kakilala kong Pinoy dito sa Taiwan, pa register na rin kayo. Up to October 31 pa raw ang registration. For Filipinos in Taipei, may nagaganap na registration sa St. Christopher Church every Sunday. Please bring your passport at tandaan ang full name at birthday ng inyong mga ina.

Halina kayo and let our votes be counted!

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Events, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s