Singing My Pains Away

Nakakatuwa ang nangyari sa akin nung Sabado. Matapos kong manggaling sa Taipei Expo Dome at sa Caves bookstore, naisipan kong dumaan sa Chungshan North road, ang tinaguriang Philippine Street ng Taipei. Walking distance lang ito at sabi ko sa sarili, mamimili ako ng aking supply of Philippine goods. Habang naglalakad, na-realize kong sumasakit na naman ang aking mga hinlalaki sa paa. Patay, sabi ko. Tumubo na naman ang aking ingrown toe nails. Sa pagkakataong ito, dalawa ko pang hinalalaki sa paa ang sumasakit!

Matapos kong mamili, nagpunta ako sa second floor ng isang building kung saan naandoon ang maraming Philippine shops. Dito ako nakakita ng mga beauty parlors na mayroong nagpapa-pedicure. Sa isang shop na walang laman, nakilala ko si Cora, isang Pilipina na tiga Antique at owner ng nasabing parlor. Taiwanese ang kanyang asawa at mayroon siyang dalawang anak. Nang malaman niyang gusto kong magpalinis ng kuko sa paa, kaagad na sinabi ni Cora, “Ah, sigurado ko, may ingrown nail ka. Expert tayo dyan. Upo ka.”

Agad akong napanatag sa cheerful attitude ni Cora. Pero nagtaka ako, imbes na kumuha muna siya ng nail cutter at nipper, ang una niyang ginawa ay kinuha niya ang kanyang magic sing microphone, binuksan ang TV at binigyan ako ng songbook!

“Ano yan?” tanong ko.

“Magic sing! Kailangang kumanta ka para di mo maramdaman ang sakit. Ganyan ang ginagawa ko sa lahat na nagpapatanggal ng ingrown nail. Sinasabi ko sa `yo, epektib yan.”

Natawa ako talaga sa kakaibang gimmick ni Cora. So dahil wala namang tao sa kanyang parlor, pinatulan ko ang kanyang magic sing challenge at habang dahan-dahan niyang kinakalikot ang aking toe nails, panay naman ang birit ko ng mga kanta nina Nonoy, Marco, Ogie at Basil.

Sabay kaming natatawa ni Cora kasi swak na swak ang mga kanta ko sa sakit na aking nadarama habang binubunot  niya ang aking ingrown toenail. Eksaktong ngumingibit ako sa sakit, binibirit ko ang linyang “O kay sakit naman, nasayang lang ang pag-ibig ko” sa kantang “Balatkayo” ni Anthony Castelo.

“Swak na swak,” biro ni Cora habang napapahalakhak na rin ako. “Galing ng boses mo, brod!”

“Pagbutihin mo lang ang pagtangal nyan,” biro ko kay Cora sabay tuloy sa pagbirit.

Sa kabilang paa naman, eksaktong binubunot niya ang aking left ingrown toenail, siya namang banat ko ng “Gaano kadalas ang minsan mo akong saktan” ni Basil Valdez. Halakhak din ako ng todo.

Weird kung iisipin but it did serve its purpose. Natapos ang lahat ng di ako naka focus sa sakit na aking nadama habang kinakalikot ni Cora ang aking ingrown toe nail. First time ko itong na-experience kaya bumilib ako sa kakaibang gimmik na ito ni Cora. Sa halagang $NT200, natanggal ang aking ingrown nail, nalinis ang lahat ng kuko sa aking dalawang paa at nakapag-concert pa ako. Panalo ang three-in-one package na ito ni Cora.

“Mamaya ka na umalis. Kanta ka pa,” sabi ni Cora.

“Naku, malayo pa ang uuwian ko,” sagot ko. “Next time ulit.”

Di ko talaga mapigilang tumawa habang naglalakad ako papuntang MRT station. I literally sang my pains away, sabi ko sa sarili.

Unbelievable.

Salamat google images sa art work na kaakibat ng blog na ito.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Humor, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

5 Responses to Singing My Pains Away

  1. sally says:

    hahahahaha..ang galing naman… dapat pala ganyang din gimik pag nagpapaalis me ng ingrown toe nail ko… kaya lang lalo sasakit kasi masakit sa tenga ang boses ko..hehehe

  2. nakakatawa talaga, sally. sayang nga. sana pala nagpakuha ako ng picture! hahaha

  3. reymanalo says:

    🙂

  4. Jennyfer C Beredo says:

    Wala akong masabi kundi panay ang bungisngis ko at halakhak sa mga nabasa ko.. Tunay na tunay na kaigaigaya ang mga karanasan mo sa iyong bayang Taiwan. Ngayon lang ako nakabalita ng dual purpose o triple purpose na pedicure.ha ha ha ha. pero totoo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s