City Star HK Style

Sabi ng mga food experts, may walo raw uri ng culinary traditions sa China. Ito ay ang Hui (Anhui), Yue (Cantonese), Min (Fujian), Xiang (Hunan), Su (Jiangsu), Lu (Shandong), Chuan (Sichuan) at Zhe (Zheijiang). Sa Taiwan, ang general na cooking style na ginagamit ay ang Sichuan o Sczhechuan na ang origin ay galing  sa Guandong province sa Southern China. Mahanghang, malangis at puno ng bold flavors and herbs ang mga pagkaing niluto sa ganitong uri ng style.

Sa Hongkong at Singapore naman, Cantonese ang style of cooking. Kalimitan ay steamed lamang ang mga dishes gaya ng dumplings. Hindi ito malangis at kailangang balanse lang ang flavor ng mga ulam. Hindi gaanong maalat, mahanghang at matamis. Ito ang kilalang Chinese style of cooking nating mga Pinoy na nasanay sa lasa ng mga pagkain sa Jade Garden at Chow King. Pag sinabi sa ating Chinese food, more often than not, Cantonese style ang pagluluto nito.

Dito sa Taipei, may kilalang Cantonese style na restaurant na kung tawagin ay City Star, isang 24-Hour HK style restaurant na matatagpuan sa 2nd Floor, 166, Zhongxiao East Road Section 4. Kung nakasakay kayo sa MRT, sa Zhongxiao Dunhua ang baba, at exit 10 ang labas. Pagtingala nyo sa kanan, iyun na ang City Star restaurant. Dalawang beses na akong nakakain dito at dahil sa sanay nga ang dila ko sa lasa ng Cantonese food, aprub na aprub para sa akin ang mga Chinese dishes dito sa City Star. Ang hitch nga lang, bawal ang reservation dito kaya tinatiyaga ng lahat ang matagal na pilahan at hintayan. Mayroon silang minimum charge na $NT160 per person at nag-r-range ang presyo ng mga dishes mula $NT55 hanggang $NT600.

Sa City Star, mayroon silang tinatawag na dimsum at non-dimsum menu. Syempre, para sa mga light eaters, ang mga Yum Cha dishes gaya ng dimsum, sharks fin, siomai, etc. ay talagang panalo. Paborito ko ang steamed shrimp wrapped in rice noodles dahil malambot at malasa ito. Sa mga natikman ko namang regular dishes na nasa “heavy” side, sobra akong nasarapan doon sa kanilang roasted pig na katumbas ng ating lechon. Ang tindi ng lutong ng balat at napakalinamnam ng laman na parang pinaghalong lechong kawali at hamonado. Samahan pa ng masarap na sarsa, masasabi mo sa iyong sarili na oo, it was worth the long wait.

Natikman ko rin ang kanilang Yang Zhou fried rice, fish egg steamed shao mai, raddish cake at iba pa na nakalimutan ko na ang tawag at ang masasabi ko–hindi man overwhelmingly awesome ang lasa ng mga potahe, above average ang rating ko sa kanila. On a scale of 1-10, I’d give them a score of 7.5.

On the debit side, kung mapapadako kayo rito at mabibigyan ng pagkakataong mag-dine-in sa Chinese Star, siguraduhing may kasama kayong marunong magsalita ng Chinese. Kasi kung hindi kayo nakakapag-Mandarin, medyo mag-n-“nosebleed” kayo ng konti  sa pag-order ng pagkain at pag request ng mga gusto nyo sa kanilang service crew.

Other than that, okay naman ang serbisyo, maliwanag at malinis ang ambience at pasadong pasado ang kanilang panghimagas (Chinese pastries and delicacies) at inumin (house tea, juices, etc.)

Salamat Alexandria Dee for inviting me twice to this place. Alam kong marami pa tayong pagsasaluhang tanghalian o hapunan di lang sa City Star kundi sa marami pang kainan dito sa Taipei, ang lungsod kung saan wala raw patid ang daloy ng masasarap na pagkain on a  24/7 mode.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Food. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s