Ganmian

Ganmian kung tawagin ito sa Chinese pero sa ating mga Pinoy, ganmien ang kanyang pronounciation. Yan ang tawag ng mga instik sa hot dried noodles, na isa sa mga paborito kong pagkain dito sa Taiwan. Marami itong variations. May iba’t-ibang klaseng noodles (mien)–makapal, manipis, mala canton, bihon, sotanghon, etc. Mayroon ding iba’t-ibang uri ng sahog: baboy, baka, manok, seafood, gulay, etc. At ganundin ang sauce–may peanut, oyster, vegetable oil, chili oil, etc. Depende sa uri at sa lokasyon, makakabili ka ng ganmian sa halagang $NT35 hanggang $NT80 lamang.

Sa baba ng bahay na tinitirhan ko, may binibilhan ako ng nyuro ganmian (beef dried noodles). Suki na ako ng beef noodle house na ito kaya kahit malayo-layo pa akong natatanaw na naglalakad, alam na nung tindero na ito ang o-orderin ko. Alam din niya na nagpapalagay ako ng “la-tiao” o chillis dahil gusto ko na mahanghang ang aking ganmien.

Dalawa naman ang bilihan ko ng ganmian kapag nasa opisina ako. Ang kalapit naming noodle house sa main highway ng Heping East Road Section 2 at ang isang maliit na stall sa Shida university belt na pinupuntahan ko kapag gusto kong maglakad. Kilala na rin ako ng mga tindera rito. Alam nila na Pilipino ako at gaya ng staff sa beef noodle house na malapit sa tinitirhan ko, paparating pa lang ako ay hinahanda na nila ang noodles na oorderin ko.

Magkakaiba ang lasa ng tatlong uri ng ganmian sa tatlong noodle houses na binibilhan ko. Walang tulak kabigin kung alin ang mas masarap. Parang bawa’t isa ay may kanya-kanyang merits. Kumakagat ang beef flavor at anghang ng ganmian na binibili ko dun sa malapit sa bahay na tinitirhan ko. Yung sa Shida, maraming sahog kaya malasa. Yung malapit naman sa office namin ang pinaka simple–makapal ang noodles nito, walang halos oil at maraming vegetables, pero tamang tama ang alat at totoong malinamnam.

Hindi lahat ng araw ay kumakain ako ng ganmian dahil sa advice na rin ng duktor (mataas ang kanyang sodium content at sa kaso ng beef, ang fat content–although di ko naman kinakain talaga ang baka), pero every time na nagkakaroon ako ng craving para dito ay madali ko itong nabibigyan ng lunas. Nagkalat sa bawa’t sulok ng lungsod ang noodle houses na turo-turo style kaya naman madali lang umorder.

Kaninang tanghalian ay naimbita ako ng aking mga ka-opisina sa isang bagong noodle house sa Shida. Ganmian ang aking inorder at gaya ng aking inaasahan, kakaiba na namang ganmian ang aking natikman. May mga kasama itong vegetable dumplings at hinalo ang noodles sa peanut sauce. Konting toyo lang at chilli oil at solved na naman ang aking tanghalian. Nadagdagan na naman ang aking database ng tindahan ng ganmian dito sa Taipei.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Food, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s