Hangzhou Xialongbao

Sa mga locals, may mga xiaolangbao restaurants na itinuturing nilang pang-turista. Obviously, mahal ang  benta ng mga steamed Shanghainese dumplings sa mga establishments na ito.  Kaya mayroon din silang tinuturing na mga xialongbao restaurants na catered for them. Halos half the price lang ng mga pang turistang restaurant ang presyo ng mga dumplings at iba pang dishes dito, at minsan ay mas mas masarap pa ang pagkain dito kesa mga “tourist-ey at commercial” nilang counterparts. Bibihira ding mga turista ang nakakaalam ng mga lokasyon ng mga restaurant na ito. Isa na nga rito ang Hangzhou xialongbao na matatagpuan sa Hangzhou south road, Section 2, No. 5 sa Taipei. Nasa likod ito ng Chang Kai Shek Memorial Hall at gaya ng mga popular na restaurant sa lungsod, ay parating  puno at mahaba ang pila.

Matagal ko ng naririnig ang tungkol sa restaurant na ito pero hindi naman ako magkaroon ng lakas ng loob na kumain ng mag-isa dahil sa takot ko parating mag “nosebleed” sa pag-order ng pagkain in Chinese at magmukhang tatanga-tangang alien na galing sa Mars. Pero kagabi, nagkaroon ako ng chance na makakain dito nang magkayayaan ang aking mga kaibigang Pinoy na sina Jackie, Martin at Alex na mag-dinner kami sa Hangzhou Xiaolongbao matapos naming manood ng pelikulang “Rock of Ages” sa Ximen. Mahaba-haba rin ang aming nilakad mula sa MRT station sa Chang Kai Shek, hanggang sa Hangzhou south road kung saan naroon ang bagong lokasyon ng nasabing restaurant. As expected, puno at ang haba ng pila, pero napagkasunduan namin na since andun na rin lang kami, ta-tiyagain na namin ang pumila at mag-antay.

Dahil sa pawang nakakapagsalita at nakakabasa ng instik ang aking tatlong kasama, wala akong naging problema sa pag-order ng pagkain. After all, ang popular na xialong tang bao (soup dumplings) ang talagang pakay kong tikman. Pero dinagdagan namin ang order kasi puro mga gutom na kaming lahat. May nag-order ng spare ribs, hipon, sopas, vegetarian dumplings, red bean  pastry at iba pang Chinese dishes na ikinagulat ko nang ilapag na siyang isa-isa sa aming mesa. Kaya ba naming ubusin itong lahat? “Kaya,” sabi ng aking gutom na gutom na sikmura.

Isang obserbasyon: Di tulad ng mga classy expensive restaurants, street hawker style lamang ang Hangzhou Xiaolongbao–walang aircon, may kaliitan ang mga mesa at mabababa ang mga upuang bangko, pero malinis naman. At ang mga tao, nakaka-entice kumain dahil parang sarap na sarap silang lahat sa kanilang nginunguya.

Una kong ginawa ay ang kumuha ng sawsawan. Pinaghalo-halo ko ang toyo, Chinkiang na suka at mga maninipis na hiwa ng luya na hinaluan ko pa ng chili oil. Nang ihatag na ang unang small steaming bamboo basket (na tinatawag na xiao long), nag-activate na sa pananabik ang aking mga taste buds. Sumalakay na ang aking hawak-hawak na chopsticks at kinuha ang aking unang dumpling para i-dip sa aking ginawang sawsawan.

“Ingat, mainit ang sabaw sa loob,” warning ni Martin. Pero tuloy-tuloy lang ako at naramdaman ko nga ang unang lasa ng mainit na sabaw na nasa loob ng dumpling. Nalasahan ko ang flavor ng pinaghalo-halong chicken stock, pork bone and cured ham broth, at ang kagat ng giniling na karne na niluto kasama ang Chinese rice wine at dry sherry. Sarap!

Wala kaming inorder na kanin pero sa dami ng dishes, sapat na yun para mabusog kaming lahat. Malinamnam ang spare ribs, fresh na fresh ang steamed cabbage, kakaiba ang flavor ng hipon na nasa sotanghon soup. Dati ay di ko gusto ang lasa ng coriander, pero di ko maintindihan kung bakit gusto ko na siya ngayon. At ang umuusok usok na house tea, naging perfect itong washdown para sa busog kong bituka.

Nag mag-divide-divide kami sa pagbabayad, lumalabas na tig-NT$300 plus lang kaming lahat. Mura na ito considering na mahigit yatang walo o siyam na dishes ang aming inorder. Super sulit din kasi ganito rin ang lasa ng xiaolong bao na natikman ko sa mga mamahaling Chinese restaurant. In fact, mas masarap pa nga yata.

Highly recommended ko ang restaurant na ito, bulong ko sa sarili habang papauwi na kami. At dahil sa umaalingangaw pa sa utak ko ang pinanood naming sine, napasabi pa ako ng: “It certainly rocks!”

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Food, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s