Ang Taipei Chamber Singers

Kagabi, nanood ako ng 20th anniversary concert ng Taipei Chamber Singers sa Chang Kai Shek Cultural Center. Masyadong naibenta sa akin ni Doc David ang merits ng grupo kaya na-engganyo akong manood. Kapapanalo lang daw nila recently sa European Grand Prix for vocal singing, ang contest na napanalunan ng dalawang beses ng ating Philippine Madrigal Singers. Sabi ko sa sarili, kung kasing kalibre sila ng ating Madrigal Singers, di ko dapat palagpasin ang concert na ito. Isa ako sa maraming tao na sobrang na-h-high sa choral music singing, at kahit na hindi naman ako experto sa musika, matalas at discriminating ang aking pandinig sa mahuhusay na choral group. Kaya ang umaalingawngaw na tanong sa aking utak habang hinihintay kong magsimula ang concert ay: kahanay nga ba ng Taipei Chamber Singers ang ating mga mang-aawit na Madrigal?

Di pa natatapos ang una nilang kanta, isang mala-mantra chant na di ko alam ang titulo (ang concert program ay nakasulat sa Chinese), nakuha ko na ang sagot. Magaling sila. Correction–sobrang galing nila. Sa sumunod na musical number, di ko lang sila pinakinggan. Pinagmasdan ko ng maigi ang grupo. Tatlumpu’t-pito silang lahat. Labing-walong babae at 19 na lalaki. Bata pa ang batch ng grupong ito (nagsimula ang first batch ng grupo noong 1992). Siguro mga 95% sa kanila ay pawang mga nasa 20-30 years old. May napansin akong isa o dalawa na mukhang mga 40 years old na.

Walang pamilyar sa akin maski isa sa kanilang repertoire pero nagustuhan ko silang lahat at pumalakpak ako ng malakas sa ending ng kanilang bawa’t kanta. May isa silang kinantang English song, mayroong isang Spanish at isa na ang wari ko’y awiting German. May apat o limang Chinese songs silang kinanta at yung iba, na bumubuo sa karamihan ng kanilang repertoire, ay parang mga mantra at chants lamang. Edgy, innovative at experimental ang ilan sa kanilang mga kinanta kasi kalimitan ay bumubulong bulong lamang sila, ngmingiyaw na parang mga pusa, humihihip, humihinga, umaatungal. Meron silang isang kanta na parang tunog lamang ng mga ungol–mahina, palakas ng palakas, pahina ng pahina hanggang ang maririnig lamang ay isa o dalawang matalas na buntunghininga–at nakabibinging katahimikan.

Mayroon naman silang isang kanta na sinamahan ng tunog ng mga finger snaps at ang rustling sound of papers na pinatunog nila sa pamamagitan ng kanilang hawak-hawak na musical sheets. Mayroong ding kanta na tunog naman ng mga agos at alon ng tubig, sirena ng barko, tilaok ng manok. Sa mga sinabi kong tunog, ang lahat ay pawang nagiging magic sa pamamgitan ng blending–ang pinaghalo-halong suwabeng tunog ng tenor, alto, bass at soprano at ang tamang kumpas kung kelan i-aarangkada ang fortissimo at pianissimo. Syempre, ang lahat ng ito ay kagagawan ng matinding musical strokes ng kanilang choir conductor na si Chen Yun Hung. Matitindi rin ang mga nag render ng mga solo numbers, pawang buo, tumataginting at lumilipad ang kanilang mga boses sa apat na sulok ng auditorium.

Saglit akong napaisip sa angking kakayahan ng musika na makapagpagaling–di lamang ng espiritu kundi maging ang pisikal na kalagayan ng katawan ng tao at alam ko, noong mga panahong ipinipikit ko ang aking mga mata para namnamin ang sobrang gandang tunog ng musikang aking naririnig, nasa ilalim na ako ng kapangyarihan ng Taipei Chamber Singers.

May isa lang akong kapalpakang ginawa. Sa ending ng palabas nung nagpapalakpakan na ang lahat at panay ang bow ng mga choir members, kahit na alam kong bawal kumuha ng litrato sa loob, nilabas ko ang aking telepono para kunan sila ng isa lang namang picture. Agad akong sinita ng isang usherette at sinabing bawal daw magkuha ng litrato.

Nag sorry naman ako. Gusto ko sanang sabihing pasensya na. Di ko mapigil ang aking sarili. Ang galing-galing kasi nila.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Events, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

3 Responses to Ang Taipei Chamber Singers

  1. Ric says:

    Hi! Taipei Chamber Singers has yet to win the European Grand Prix for Choral Singing, the highest place they got so far in the Grand Prix was runner up in 2007 in Arezzo, Italy the year when The Philippine Madrigal Singers won their 2nd EGP (the first year was in 1997) Japan and the Philippines remain the only Asian countries to win the EGP so far. http://en.wikipedia.org/wiki/European_Grand_Prix_for_Choral_Singing#List_of_winners

  2. hello. thank you very much for reading and for your corrections. i really appreciate it. my friend must have been referring to the 2007 runner up award which the TCS won.

  3. Jean Cabrera says:

    malimit akong makarinig ng choral group singing mula sa tfc pero ang panonood ng choral rendition ay mabibilang ko sa kamay. kaya napahanga ako nang todo sa kuwento tungkol sa Taiperi Chamber Singers. Talagang iba ang mangibang bansa at ang mga bansang asyano ay nangibabaw pa rin ang angking ma katangian gaya ng pag-awit. mabuhay ka kaibigan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s