My First Dental Appointment

Sinamahan ako last week ng aking mga kaibigang sina Jackie at Doc David para magpatingin sa dentista. Tsinoy si Jackie kaya fluent syang mag Mandarin at mag Fookien. Nag-volunteer syang maging interpreter ko just in case mayroong kailangang i-explain ang mga dental staff sa akin at di ko ito maintindihan. Si Doc David naman ay naki-tag along, dahil he wanted to make the best of his time in Taipei dahil pauwi na sya sa Pinas for good after two years of post graduate studies sa Yang Ming University. Tinagpo namin ni Doc si Jackie sa Filipino store sa Chungshan North road kung saan naroon din ang nasabing dental clinic.

Kailangan kong ikuwento ang konting background na ito to drive home the point na para sa akin–big deal ang isang dental appointment. Kailangan ko lagi ng moral boost at support tuwing papasok ako sa mga clinics. Bakit kanyo? Kasi I have this irrational fear of dental clinics and dentists just like my irrational fear of antiseptic hospitals and doctors. It will take another blog para ikuwento ko pa ang mahabang istorya ng aking mga irrational fears kaya itutuloy ko na lang ang aking salaysay.

With two Pinoy friends in tow, mabilis agad nawala ang aking takot na pumasok sa isang dental clinic. At saka, dental check up pa lang naman ito. Gusto ko kasing ipa-quote kung magkano ang magagastos ko just in case ipa-jacket crown ko ang aking five front teeth. “Mabait ang dentista, Kuya,” panay ang assurance sa akin ni Jackie. “Graduate sya sa New Zealand kaya magaling mag-ingles.”

Sa reception area kung saan pinag-fill-out ako ng isang form, si Jackie ang nag-explain sa receptionist in Chinese ng aking pakay. Sa form na aking fi-nill-out, may mga sunod-sunod na tanong tungkol sa aking dental and medical history. Kelan daw ako huling nagpa dentista? Mayroon ba akong hyperstension? Diabetes? Asthma? etc. etc.

Ten minutes later, sinamahan ako ni Jackie sa second floor kung saan I met face to face with the Taiwanese dentist na sa aking tingin ay halos kasing edad lang ng pamangkin ko. “Hello, please have a sit. How can I help you?” Yan agad ang friendly greeting sa akin ng batang dentista na sa kasamaang palad, ay di ko nakuha ang pangalan. So inexplain ko sa kanya ang kondisyon ng aking ngipin at ang gusto ko sanang mangyari. Attentive namang nakinig ang dentista at pinahiga nya ako sa dental chair para tingnan ang aking ngipin.

Part of your  gums is swollen,” yan ang unang sinabi ng dentista. “You need to have this fixed immediately. In the meantime, follow my assistant in the other room so that we can have a closer look at your teeth.” So ganun nga ang nangyari. Sa kabilang room, inexray ang ngipin ko using a very high tech equipment. Naaliw naman ako sa equipment nila kasi pakiramdam ko, nasa isang science fiction movie ako. Kusang nagbubukas, gumagalaw, umiikot at nagsasara ang mga dental machines using remote buttons. Feeling ko, kulang na lang andito si Will Smith at Tommy Lee Jones, eksena na ito with special effects sa “Men in Black 4.”

Back to the dental chair, ipinakita na ngayon sa akin sa pamamagitan ng isang large computer screen ang x-ray ng aking ngipin. First time kong makita in all my life ang x-ray ng aking ngipin at bahagya akong nangiwi kasi ang pangit pala talaga ng dentures ko. Pero sa mahusay na paliwanag ng dentista tungkol sa procedure na pinopropose nyang gawin, unti-unting nawala ang aking takot na magpaayos ng ngipin. Parang naani ng dentista ang trust ko sa kanya at wala akong duda na he certainly knows what he is doing. “It’s an easy and simple procedure, so you don’t have to worry,” sabi ng dentista sa akin. “But you have to come back here four times.”

Okay na okay na sana lahat. Kumbaga sa baraha ay super good na itong napagpatingnan kong dentista. May isa lang hitch: muntik na akong himatayin ng kinompute ng receptionist ang magagastos ko sa pagpapa-jacket crown ko sa aking mga ngipin. Umaatikabong $NT70,000 o katumbas ng mahigit kumulang na Php105,000. Alam kong mahal talaga ang jacket crowns kahit sa Pinas pero OA at di makatarungan itong dental clinic na ito sa kamahalan.

So sabi ni Jackie, may Plan B kami. May kakilala siyang dentistang Pinay na ang clinic ay malapit lang sa tinitirhan kong apartment. May appointment na ako sa kanya in a few days. Sana naman ay mura siyang maningil, at sana’y magaan din ang kanyang mga kamay.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Health, Humor, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

4 Responses to My First Dental Appointment

  1. Paano kung may pangil sa gilid at nakaatras medio ung katabi ng pangil pwede ko po ba ipabunot ung pangil at ipajacket ko po ito.Magkano po ba ang isang jacket crowns?Tnx po.

  2. garry vergara says:

    saan ba may malapit at mura na dental clinic dito sa taipei?gusto ko kc magpajacket bago ako umuwi ng pinas…

    • may filipino chinese na dentista sa taipei. dra nono ang pangalan nya. malapit lang ang bahay nya sa liuzhuangli station. send me your email address. bibigay ko yung telephone number niya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s