“Zum Fass” German Cuisine

Ang “Zum Fass” ay isang German at Swiss fine dining restaurant na matatagpuan sa No. 116-118, Section 1, Sing Sheng North Road sa Taipei city. Nagsimula raw ang restaurant na ito bilang isang beer house na sinimulang i-operate ng mga Swiss at German businessmen noong 1975. Nagsilbi sila ng iba’t-ibang uri ng alak at serbesa, at sa tulong ng kanilang mga maybahay, ay naging regular na tambayan na ito ng mga Europeans at iba pang mga foreigners dito sa Taipei. Nagdagdag sila ng mga authentic German at Swiss dishes na lalo namang ikinatuwa ng kanilang lumalagong patrons. “Zum Fass” ang pinangalan nila sa restaurant na ang ibig sabihin ay “keg” o “barrel” sa wikang Aleman. Sa kasalukuyan, ang mga proprietors ng nasabing restaurant ay sina Jack Hsu at Mary Chen.

Kagabi lang ako nakatuntong at nakakain sa “ZumFass,”nang imbitahan ako ng aming Japanese Deputy Director na si Dr. Imai at ang aming Chinese soil scientist consultant na si Dr. Zueng-Sang Chen. Pangalawang beses ko na itong makapag-dine in sa isang German restaurant dito sa Taipei pero na -excite pa rin ako kasi ayon nga sa aking mga kasama, mas authentic daw ito kesa dun sa restaurant na aking unang nakainan.

At totoo nga naman. Sinimulan namin ang hapunan sa pamamagitan ng isang special green tuna salad at hot German bread na may kasamang palaman na butter. Pagkatapos nito, nag-order sina Dr. Imai ng Schweinshaxe, ang roasted pig knuckle na specialty daw ng Bavaria. May kasama itong patatas at sauerkraut (repolyo na naka soak sa maalat na suka). Sobrang lutong at malinamnam ang mala-lechong baboy, at kasisimula pa lang naming ngumuya, dumating naman agad  ang pangalawang dish–ang Gemischte Wurst, o mixed sausages na tamang tamang pulutan namin habang uminnom kami ng draught Weisteiner, isang popular na German beer. Naalala ko tuloy ang aking mga kaibigang Aleman noong nagtatrabaho pa ako sa Tainan. Ang lagi nilang sabi: “German beer with German sausages make the best combination.” True enough, malinamnam nga naman ang mga sausages at kapag itinulak ng serbesa ay talagang mapapa-dighay ka sa sarap.

Sa gitna ng aming usapan tungkol sa iba’t-ibang pagkain sa buong mundo, dumating ang pangatlong main dish, ang spare ribs with pepper sauce, na sinundan naman ng tig-isa pang order ng Schwarzbier, isang uri ng dark lager beer. Sobrang lambot at tender ng spare ribs, kaya panay ang aking mental note na hinay-hinay lang sa pagkain dahil mukhang nagsisimula na ang akong mag meat overload.

Para hindi ako masyadong kumain, sinimulan ko nang bumangka sa usapan. Tinanong ko si Dr. Chen tungkol sa kanyang mga kasalukuyang projects at sa mga estudyante nya sa National Taiwan University o NTU. Tuloy-tuloy naman ang sagot at paliwanag ni Dr. Chen tungkol sa kanyang napaka busy na academic life. In between our conversation, pasundot-sundot naman si Dr. Imai at paulit-ulit nyang sinasabing “We have to enjoy life to the fullest,” habang panay ang kanyang kampay.

As if on cue, may dumating pang dalawang dishes. German beef steak at salami. Kaya pa ba ito ng powers ko? Siguro’y titikim na lang ako pero di ko na ito kayang ubusin.

To cut a long story short, may dumating pang dalawang mugs ng magkaibang klase ng German beer bago kami natapos. Saka ko pa lang naitanong ang kanina pa’y nag-uumpalpas na tanong sa aking boss: ano ba talaga ang okasyon at nililibre mo kami dito sa “Zum Fass?” At ang kanyang sagot: “It’s summer and it’s hot and I’m thirsty for beer!” Yun naman pala. Wala lang. Nauuhaw lang siya. Halakhakan.

Hindi muna ako natulog nang ako’y makauwi. Matagal muna akong nanood ng TV at nagpatunaw ng pagkain bago ako tuluyang umidlip.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Food, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s