The Music of Goodbye

Simula nang mangibang bansa ako at namuhay ng mag-isa, mas naging  alerto ako sa mga nangyayari sa aking  kapaligiran. Mas mabilis ang  aking pick-up ng impormasyon. Mas tumalas ang aking pag me-mental notes. Mas nagkaroon ako ng foresight. Lahat yan ay dahil sa wala naman talaga akong ibang maaasahan kundi ang sarili, kaya hangga’t maaari, mayroon akong mga protective measures para makapaghanda ako at makalaban  sa mga posibleng sakit at kapahamakan.

Bahagi ng sinasabi kong protective measures ay ang paggawa ko ng mga imaginary walls upang hindi ako masyadong maging emotionally attached sa mga tao. Sa aking mga naging karanasan sa pagtira sa ibang bansa, life is touch and go. Halos lahat ng mga nakilala ko ay mayroong mga itinakdang timeframe. Work contract for six months or three years, study for two years, consultancy work for a year, and then it’s time to pack their bags and go home for good. May aalis at maiiwan. Kung alam kong ako ang maiiwan, kusa akong gumagawa ng paraan para hindi maging emotionally attached sa mga kaibigan. Pinagluluksaan ko kasi ang kanilang mga paglisan, at malungkot lagi ang awit ng pamamaalam.

Pero ang totoo, hindi lahat ng ginagawa kong protective measures ay nagtatagumpay. Kahit na anong tindi ng aking attempt na gumawa ng isang matibay na invisible protective wall, may mga tao pa ring kusang papasok ang kabusilakan ng kanilang puso sa aking pagkatao, at wala na akong magagawa kundi ang ituring silang true good friends in the real sense of the word.

Nitong nakaraang dalawang linggo, malimit kaming magkita-kita ng aking mga kaibigang Pinoy dito sa Taipei dahil ang isa sa aming mga close friends na si Anya ay uuwi na for good sa Maynila.Natapos na niya ang kanyang Master of Arts in International Affairs degree sa Ming Chuan University, at babalik na siya sa Pinas upang ipagpatuloy ang kanyang naantalang journalism career. Nakilala ko si Anya sa pamamagitan ni Rica, isa ko ring kaibigan sa Pinas, at simula nang magkita kami ni Anya rito sa Taipei, ipinakilala naman niya ako sa ilan pang mga graduate students na nag-aaral dito. Sabi ko nga sa kanya, she was the glue that stuck us together.

Noong Sabado, nag-organize kami ng isang despedida party para kay Anya. Ginanap ito sa tinitirhan kong apartment kung saan tulong-tulong kaming nagluto at naghanda para sa nasabing selebrasyon. Nagkaroon ng kanatahan, kuwentuhan at syempre, ang di maiiwasang drama sa huling bahagi ng kasiyahan kung saan marami sa amin ang naluha habang ine-express namin ang lalim ng mararamdaman naming pagka-miss kay Anya kapag tuluyan na siyang umuwi sa Pinas. May kani-kaniyang dahilan ang lahat sa lumbay na kanilang nadarama pero ang tila lumalabas na common denominator ay ang katotohanang kahit anong saya at sarap ng buhay na aming nararanasan dito sa ibang bansa, there is still no place like home. And we are all longing for home.

Sa darating na Huwebes, mayroon na naman kaming despedida salo-salo para naman kay David, ang kaibigan naming medical doctor na nagtapos ng kanyang graduate degree in Public Health sa National Yang Ming University. Iilan na lang kaming matitirang Pinoy. Sa ganitong pattern ko nakikita ang aking magiging buhay dito sa Taipei. May mga kaibigang susulpot, darating at aalis din. At sa bawa’t pamamaalam, may lungkot at kirot lagi itong maiiwan.

Siguro sanayan lang ang lahat. Kailangan lang talagang matutong makikianta at makisayaw sa saliw ng musika.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Reflections, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

2 Responses to The Music of Goodbye

  1. nymfsAranas says:

    so happy for you, ronald na marami ka pala kaibigang pinoy dyan…. yun nga lang people come and go. kaya maganda din may ka-close na taiwanese….hehehe problem lang talaga language barrier😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s