Memories of “Ondoy”

Kagabi pa ako nakikipag-chat sa ilang kaibigan sa Pinas. Wala raw humpay ang buhos ng ulan ngayon sa Manila. “Of Ondoy proportion,” sabi ng dati kong schoolmate. The mere mention of the word “Ondoy” brought a lot of scary memories of that fateful day last September 26, 2009. Naaalala ko, hindi pa ako nag-b-blog noon, pero ang sumusunod na salaysay ay naisulat ko pa noon at nai-share sa Facebook. Gusto ko ulit itong i-share.

So ganito nangyari.

Dapat talaga pupunta ako ng Vigan nung araw na yun  kasama itong kaibigan ko. E dahil nga bagyo, naisipan na naming di tumuloy. Wala  naman akong kabalak-balak lumabas ng bahay nung araw na yun kaso, nag text nga  itong kaibigan ko na kung pwede raw na samahan ko sya na mag-scout ng condo unit  kasi gusto na nyang umalis sa house nya. Since may kotse naman sya, sabi ko, why  not?

So nagkita kami sa Rustan’s Makati  at 9:30 am and headed for our first hunt–sa may San Juan area. Ayan na.  Naabutan na kami ng baha sa EDSA. Three hours na kami sa Boni. Hindi kami  makalagpas sa Shaw Boulevard at bumaha na nga ng malalim. Ihing-ihi na ako at  nag-start na akong mag hyperventilate kasi claustrophobic ako. Naglakas loob ang  driver namin na tumawid sa baha and we decided to return to Makati  na lang. Pero bago yun, dumaan pa kami ng McDo para umihi at kumain.

Nag  stay muna kami sa condo unit ng sister ng kaibigan ko. It’s a very upscale condo  beside the Mandarin Oriental. Okay na okay na kami dun. Balak namin, magpapahupa  na kami ng baha tapos uwian na. E yung friend ko, may MTRCB card. Sabi niya:  “Ronald, nood na lang tayo ng sine sa Greenbelt!”

So yagyag naman kami sa  Greenbelt. Past 6pm na kami nakalabas ng moviehouse. Ang advice ng sister ng  friend ko, kapag baha pa rin, dun na lang kami magpalipas ng gabi sa condo nya.  E nahihiya ako kasi di ko naman close yung sister nya. So sabi ko dun sa friend  ko, susubukan kong umuwi. So hinatid ako ng driver nya sa MRT Ayala. “Kung  ano’t-ano man,” sabi ng friend ko, “tawagan mo ako at susunduin kita.” Sabi ko  I’ll be fine. Sabay baba ko sa kotse and then I headed towards MRT na nung time  na yun, abo’t hanggang SM ang haba ng pila.

And this is where the trouble  began. Ang una kong ginawa ay magpa-load kasi ang dami ng text messages na hindi  ko nasasagot. So hanap muna ako ng kiosk kung saan may nag-lo-load. Pagdating ko  dun, kinapa ko ang wallet ko sa bulsa ng shorts ko.

Wala ang wallet ko!

Anak ng pating, I told myself. Nahulog `yun sa kotse. Paano na ako? Wala  akong load, wala akong wallet. Wala akong ATM! Helpless ako. Naiiyak na ako. So  lakad ako. Paglakad ko, napigtal yung sandals ko. Lalo akong nag-panic. Wala na  akong pera, di pa ako makatawag para humingi ng saklolo tapos, di pa ba naman  ako makakalakad ng lagay na `yan kasi pigtal nga ang sandals ko? Ano ba namang  kamalasan yan?

Pinaparusahan ako ng Diyos, sabi ko sa sarili  ko.

Naiyak na nga ako ng tuluyan. Isip-isip ako ng mga options: sabi ko  sa sarili ko: maglalakad na lang ako sa condo ng sister ng friend ko. Pero  papaano ako maglalakad e pigtal nga ang sandals ko? Mangungutang ako. Sino naman  ang magpapautang sa akin?

Huminga ako ng malalim. There has to be  something, kako that would make me survive. Napaupo ako sa pavement ng Shoemart.  Binuksan ko ulit ang backpack ko. Kinalkal ko ang gamit ko. Wala talaga. No  traces of my wallet. Napakapa ako ngayon sa basa kong jacket at may naramdaman  akong matigas. Pagtingin ko, andoon ang nawawala kong wallet!

Sa  pagkakataong ito, napalundag naman ako sa tuwa! May kung anong lakas ang  naramdaman ko. So balik ulit ako sa kiosk. Nag pa load na ako–tinawagan at  tinext ko na ang mga friends ko. Okay lang ako. Don’t worry. Am on my way home,  blah, blah, blah.

Akyat na ako sa Ayala MRT kahit na gegewang-gewang ako  kasi sira nga sandals ko. Sa ilang taon kong pagsakay sa train na ito, sanay na  ako na makita syang punuan. Pero hindi katulad nito. May kung anong naramdaman  akong signos. Ang mga tao–nagsisiksikan na para talagang may sakuna. Mukha  silang pagod, puyat, gutom, desperado.

Claustrophobic ako pero tiniis ko  ang makipagsiksikan sa train. Sabi ko, ano ba naman ang ilang minutong siksikan?  I’ve reached this far so might as well go to the finish line. So andar na ang  train. I’m on my way home, kako.

Pagdating ko sa Pasay  Rotonda, isang tingin ko pa lang sa buong kapaligiran, alam ko na hindi na ako  makakauwi nung gabing `yon. Magmula Magallanes hanggang SM Mall of Asia,  mistulang dagat ang buong EDSA.

Walang jeep at bus na nagbibiyahe. At ang  mga tao–parang eksena sa Death March ang nasaksihan ko. Naglalakad sila sa  gitna ng baha–hanggang beywang at leeg ang tubig. Bitbit ang kanilang mga bag,  payong at iba pang kagamitan. Napatingin ako sa relo. Mag -a-alas ostso na ng  gabi.

Putcha, sabi ko sa sarili ko—hindi na ako makakauwi. Not  tonight!
So ang ginawa ko, nag-decide na ako na bumalik sa Makati.   Sakay ulit ako sa MRT at bumaba ng Ayala. Isip-isip ulit ako kung anong gagawin  ko. Dalawa lang naman ang choices ko: either bumalik ako sa condo unit ng  kapatid ng kaibigan ko o magpalipas ng gabi somewhere else. Dun ko naisip na  mag-work na lang sa isang Internet shop sa Makati   Avenue kung saan member ako. Buti na lang, may nagsakay sa akin na taxi driver  mula Glorietta papunta sa Makati Ave. There I felt safe.

Nagbayad ako ng  eight hours kasi may promo sila na Php250 para sa walong oras na pag-stay dun. Doon  na rin ako kumain at nag-wash up. And while I was there, sa tulong ng Internet,  nakita ko sa youtube ang extent ng damage ng bagyong Ondoy. Maswerte pa rin ako,  sabi ko sa sarili ko.

Alas kwatro na ako nakakuha ng taxi pauwi sa Better  Living at alas kwatro y media na ako nakarating sa bahay namin. Hindi pa ako  makatulog. Inisip ko ang mga nangyari sa loob ng nakaraang 12 oras. Ang walang  patumanggang pagbuhos ng ulan, ang nakakatakot na ragasa ng tubig sa EDSA, ang  mga tumitilapong tarpaulin signage sa daan, ang mga taong naglalakad sa gitna ng  baha. Ang lupit ng Kalikasan at kung paano ang tao ay walang kalaban-laban sa  hagupit ng mga latay nito. Corny man, pero naisip ko rin ang climate change, ang  walang awang panggagahasa ng mga tao sa environment at ang balik ng Karma sa  buong sangkatauhan.

Eto medyo off na sa aking salaysay, pero naisip ko  rin na wala talagang pakialam ang Pamahalaan sa plight ng mga mahihirap. Narinig  ko sa radio, abala raw ang Pangulong Arroyo sa pagma-manage ng Disaster  Coordinating Council. Ang Pangulo natin na nung nakaraang buwan lamang ay  nagpakasasa sa caviar at mamahaling pagkain sa Le Cirque, isang marangyang  restaurant sa New York. Hay, sabi ko sa sarili ko, may pag-asa pa kaya ang  Pilipinas gayong pakitang tao lang naman ang palabas na ito ng  gobyerno?

Nagsanib-sanib na ang mga kung ano-anong images sa utak ko: ang  ulan, ang hangin, ang baha, ang nagsisiksikang tao sa MRT, ang init, ang lamig,  ang napigtal kong tsinelas, ang mga mikrobyo na marahil ay nagpipista na ngayon  sa marumi kong paa.

Naglinis ako ng aking katawan at humiga na sa aking  kama na talaga namang na-miss ko ng todo. Pagod na ang aking katawan pero gising  pa rin ang aking utak. Tahimik na lahat pero maingay na dumadagundong ang  maraming mga tanong sa malikot kong utak. Ilan ang binawian ng buhay ngayong  gabi? Ilan ang nilalamig at nanginginig sa gutom? Ilan ang nawalan ng  tahanan?
Bago ako tinablan ng antok, nakuha ko pang kunin ang aking  journal. Pagod, pero sinimulan kong ilahad ang aking karanasan. Sinabi ko doon, “Years from now, I will always remember this Saturday, September 26, 2009. It  was the day when typhoon Ondoy lashed out its fury in Manila and I was a witness to it all. The experience did change me in some  ways.”

Di ko na natapos ang aking journal entry. Nakatulog akong di man  lang nagkumot o nagpatay ng ilaw

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Memories of Home. Bookmark the permalink.

3 Responses to Memories of “Ondoy”

  1. Jeannie Pacheco says:

    grabe……if you were here, may part 2 ka. i was almost confined…mayayakag ka ulit…

  2. Jean Cabrera says:

    nakita rin namin sa TFC ang baha sa marikina,grabe talaga, me taong nakasasay sa bunton ng basura na inaanod ng baha. sana nakaligtas ang taong yon. nakkalungkot talaga, naulit naman sa tacloban. sana naman matuto ang mga tao na igalang ang kabundukan na imbakan ng tubig natin. pag pinutol lahat ang mga puno resulta baha pag bumagyo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s