Ang “Weird Essay Questions” sa UPCAT

Natuwa ako sa nabasa ko kanina sa GMA online news tungkol sa mga “weird essay questions” sa katatapos lang na taunang University of the Philippines College Admissions Test o UPCAT. Unang una, di ko alam na may essay questions na pala ang UPCAT ngayon. Wala akong natatandaang sinagutan kong essay question nung kumuha ako ng nasabing exam 31 years ago. Pangalawa, weird nga raw ang mga tanong. Ayon sa mga bloggers na na-quote ng GMA online news, eto raw ang ilan sa mga tanong: 1) “Narrate the conversation when you encounter an alien.” 2) “If your crush says that he/she loves you, will you say you love him/her, too?” 3) “What is your favorite study tool?” 4) “Tell a lie about yourself and prove it.”

Cute di ba? Marami nga raw sa 75,000 na high school graduates na kumuha ng UPCAT ngayong taong ito ang nagsabing ang mga essay questions ay “weird,” “hilarious” at “twisted.” Pero karamihan ay hindi lang naaliw at na-amuse sa bagong pakanang ito ng UP Na-impress din sila. Ayon  sa GMA Online news, sa nasabing essay questions, “There’s no correct answer, but examiners are looking for correct grammar, a command of language, and a dose of imagination in this new portion of the exam that generations of hopeful high school seniors have taken.” Nilalayon din daw ng mga essay questions na ito na makita ang leadership competency ng mga examinees, isang mahalagang bahagi ng misyon ng UP para sa kanyang mga graduates.

Sa aking opinyon, inventive at commendable itong move na ito ng UP na magdagdag ng kakaibang uri ng essay questions sa kanilang exam dahil mas lalo pang napalawig ang pagsukat ng talino ng mga bata di lang sa standard na correct English usage, abstract reasoning, math problems, vocabulary, current events, etc. Gusto ko yung term na “dose of imagination” na gustong ma-grasp ng mga examiners sa mga bagong batch ng kabataang kumuha  ng UPCAT, isang kakaibang uri ng batch na lumaki sa kapangyarihan ng digital age, video and computer games at online social networking. “Imagination rules the world,” sabi nga ng French Emperor na si Napoleon Bonaparte, and it goes without saying that future leaders should have lots of it.

Na-c-curious akong malaman kung paano ang mga “weird questions” na ito sinagot ng mga high school graduates. Ang sarap sigurong basahin kung paano nila inatake ang mga tanong dahil maraming masasabi ang mga sagot tungkol sa mga iniisip at saloobin ng mga makabagong henerasyon.

Taon-taon, mahigit kumulang na 70,000 na high school graduates ang kumukuha ng UPCAT na tumatagal ng limang oras. Ito nga raw taong ito, nadagdagan pa ang bilang ng 5,000 mga bata. Mga 30,000 daw ang kumukuha ng exam sa main branch ng UP sa Diliman. Ang mga natirang 40,000 naman ay kumukuha sa iba’t-ibang branches ng UP na nakakalat sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Sa bilang na ito, mga 10,000 lang ang nakakapasa sa eksaminasyon na kinukuha ng UP para mag-enrol sa unibersidad. Kaya kapag ang isang freshman student ng UP ay umaattend ng orientation course sa simula ng first sem ng kaniyang four-year course, ipinapaliwanag at ipinaparealize sa bata na sa pagkapasa niya sa UPCAT, para siyang dumaan sa butas ng karayom. Pero first step pa lang yun. Dahil bago pa siya mahirang na isang UP graduate, kinakailangan pa niyang bunuin at pasahan ang saksakang dami ng mga exam–na bahagi lang ng napakarami pang requirements para matapos ang isang kurso sa kolehiyo.

Para sa mga next batch ng mga UPCAT examinees, kailangang bahagi ng kanilang review ang pagsagot sa mga tanong na ito. Tamang tama, tatlo sa mga kaibigan ko sa Pinas ang nagbibigay ng mga UPCAT reviews. Katuwaan lang, mag-e-email ako ng mga maiisip kong “weird questions” para magamit nila.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Events, Trends. Bookmark the permalink.

One Response to Ang “Weird Essay Questions” sa UPCAT

  1. Jean Cabrera says:

    ok yan Ronald. ganong palang kahirap ang pinagdaanan ng mga nakapasa at nag-aaral sa UP state coll N university.hindi ko malimutan ang imbita ng isang classmates after HS. sabi niya kumuha daw kami ng UPCAT. tumanggi ako kasi wala pa akong alam sa UP. malapit lang kami kc san pablo lang naman kami nakatira. nakapasa si Viola sa LB that was 1962-63 upcat. no regret kc nagwork din ako at nagmaster din naman. pero talagang saludo sa lahat ng graduate ng UP

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s