Spur of the Moment

Nung Miyerkoles ng gabi habang paparating ang bagyong si Soala dito sa Taipei, walang kaabog abog, bigla ko lang naisip–gusto kong kumain ng poached salmon fillet sa Ikea. Ang lakas ng craving ko sa isdang salmon–specifically yung poached salmon fillet with chive and dill sauce na sine-serve lang sa canteen ng Ikea furniture store. Alam kong ang mga ganito kong cravings ay di humuhupa hangga’t di ko napapatulan at napagbibigyan kaya’t kahit anong sigaw ng mas rational side ng utak ko (may bagyo; malayo ang Ikea, gabi na, magsasara na yun, gagastos ka na naman), tuloy-tuloy ko lang kinuha ang aking wallet, jacket at payong at yun na nga, sinuong ko ang paparating na bagyo–against all odds para lang makakain ng salmon.

Habang naglalakad ako papunta sa train station, nailing ako sa aking sarili kasi pakiramdam ko ang tanda ko na pero may mga ganito pa rin akong streaks. Yung spur of the moment decisions. Kung anong maisip. Naaalala ko pa nung nasa Manila ako, kahit alas diyes na ng gabi at nakahiga na ako para matulog,  may mga pagkakataon na bigla na lang papasok sa utak ko na gusto kong kumain ng sushi! Babangon ako niyan, magbibihis at maglalakbay mula sa bahay namin sa Paranaque papunta sa isang Japanese restaurant sa Pasay road sa Makati. Pakiramdam ko, di ako makakatulog hangga’t di ko nasusunod ang gusto ko.

Minsan nga ay nakarating pa ako ng Dau sa Pampanga kasi gusto ko lang makatikim ng original sisig Kapampangan. Ganyan akong katindi at kalala. Ang buong akala ko’y na-overcome ko na ang ugali kong yun, pero imagine, sa kasagsagan ng bagyo, hindi ko ininda ang ulan at hangin para masunod lang ang aking layaw–ang kumain ng poached salmon fillet with chive and dill sauce. Siguro ang tanging magiging balakid lamang ay kung sarado ang Ikea, pero swerte ko, bukas na bukas ito at nagkataon pa na super sale ang Swedish furniture store na itinayo ni Ingvar Kamprad nung 1943.

Dirediretso ako sa canteen at umorder ng poached salmon fillet, ang pagkaing ilang oras kong inimagine na nginunguya at nilalasap ng dahan-dahan. Para akong sira dahil all throughout na kinakain at ninanamnam ko ang poached salmon, di matanggal-tanggal ang ngiti ko sa aking labi. Craving satisfied. Wish granted. Mission Accomplished. Yan ang mga taglines na umiikot sa utak ko in fancy, colorful fonts. Sabi ng isang bahagi ng utak ko: tama ba ito o mali? Sabi ng mga kaibigan ko, sundin ko lang daw ang makapagpapasaya sa akin as long as wala akong tinatapakan at sinasaktan. O, sinusunod ko lang ang cravings ko, at wala naman akong inargabyado–so tama lang.

Syempre, andun na rin lang ako–spur of the moment din, nagbibili ako ng kung ano-anong bagay para sa bahay. On sale kasi–up to 50 percent! Sino naman ang di maeengganyo nyan?. Ang downside nga lang, basang-basa akong umuwi pero di bale, natulog akong busog at nakangiti. At naisip ko rin, siguro yung ilan kong mga pangarap sa buhay, dapat ay ganito rin akong ka-focused at ka-determinado para matupad yun. Di lang dapat sa pagkain. Dapat ma-elevate ko ito sa mas matatayog pang pangarap.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Food, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s