Bagyo Ka, Basil

Andito na sa Taiwan ang bagyong si Gener. Nang makalabas siya sa Pilipinas, tinawag na siyang si typhoon Saola. At kagabi, habang tinawagan ako ng aking Taiwanese office mate para ibalita sa aking wala raw pasok ngayon, na relax ako kahit sumisipol ang malakas na hangin at matinding buhos ng ulan dahil bukod sa automatic kong na switch ang utak ko sa vacation mode, pinakikinggan ko rin ang latest album ni Basil Valdez. Katunayan, habang sinusulat ko ito, patuloy ko pa ring pinakikinggan ang aking favorite Filipino balladeer habang kinakanta niya ang sampu sa mga immortal Filipino love songs ng ating bagong panahon. At maya’t-maya, habang tumatakbo ako sa ref para kumuha ng tubig, nakikisabay ako sa kanyang pagkanta. Manakanaka akong tumitigil para masusing pakinggan ang pagbibigay niya ng bagong kulay at buhay sa mga kantang lahat ay pamilyar sa akin. Iisa lang ang aking nauusal: bagyo ka talaga, Basil!

Grade six pa lang ako, gusto ko ng makinig sa mga kanta ni Basil Valdez dahil hindi gaya ng ibang singers na maraming gimmick at birit, tanging ganda lang ng boses ang bentahe at puhunan niya upang magkaroon ng makabuluhang marka sa daigdig ng musikang Pilipino. Malamig ito at puno ng damdamin. Sa kanyang comeback album na pinamagatang “Basil S. Valdez,” pinatunayan ni Basil na tulad ng alak, mas nagkaroon pa lalo ng ibayong lalim at taginting ang kanyang tinig. Sa pakikinig ko nga, ang una kong napansin ay hindi na masyadong “breathy” o puno ng paghinga ang kanyang boses. Mas buo na ito–at mas dama niya ang lyrics ng kanyang kanta.

Mula sa awiting “Kanlungan” ni Romeo Dongeto, hanggang sa “Paano na Kaya” ni Ryan Cayabyab at “Ikaw” nina Louie Ocampo at George Canseco, tila lumilipad ang tinig ni Basil at dumadapo papasok sa mga puso ng kanyang mga tigapakinig. Sa kanyang mga kinanta ang mga paborito ko ay ang “Minsan Pa,” ni Jose Mari Chan (kung saan ang acapella version nito ng “the Company” ay naging ringing tone ng aking telepono for three years), ang “Hanggang” na originally kinanta ni Wency Cornejo, “Kung Ako na Lang Sana” na pinasikat ni Bituin Escalante at “Sana’y Maghintay ang Walang Hanggan” ni Willie Cruz. Kakaiba rin ang atake niya sa all-time hit na awitin ni Aiza Seguerra, ang “Pagdating ng Panahon” ni inawit niya kasama ang “The Company.”

Nakakaantig, nakakapanatag at nakakabuhay ng kamalayan ang pakikinig sa latest album na ito ni Basil Valdez, kaya naman ipinagpilitan ko sa kaibigan kong umuwi ng Pinas na ibili ako ng nasabing album. Habang paulit-ulit kong pinapakinggan ang kanyang mga kanta, sinasabi ko sa aking sarili na para itong mga buto ng halaman na tuloy-tuloy lang na tumutubo sa aking isip at puso. Halos hindi ko na nga napansin na may bagyo palang rumaragasa sa labas. Mas bagyo kasi ang dating nitong musikang naririnig ko sa loob ng aking munting tahanan.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Music. Bookmark the permalink.

4 Responses to Bagyo Ka, Basil

  1. Permskee says:

    Favorite ko rin si Mang Basil lalo na yung mga awit na ikinompose ni George Canseco. Timeless!

  2. andy says:

    ang ganda ng pagkasulat mo ‘nald. sana isa rin akong song writer, gawan ko ng musika ang sinulat … naalala ko tuloy si ryan cayabyab…ginawan niya ng musika ang libretto n NUT ng magnificat…at sabi ni NUT…walang binago sa mga letra si Mr C…nagawan niya ng musika ang magnificat and to think na sung through yun…i-post ko ito sa FB wall ko…:-)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s