Post Birthday Reflections

Mahigit kumulang na 300 tao ang nakaalala at bumati sa akin nung nakaraan kong birthday. Ninety percent ng mga greeters ay bumati sa Facebook at ang iba naman ay sa email, tweets at text. May mga bumati na hindi ko naman kilala, pero lahat yun ay pinasalamatan ko rin isa-isa.  Ang manunulat at psychic expert na si Tony Perez ay nagpadala pa ng kanyang “reading” sa akin. Syempre, ang aking KTV birthday party kung saan 10 sa aking mga close friends sa Taipei ay dumating at naki-party ay naging isang napakasayang gabi. Nakabandera na ang mga pictures ng nasabing selebrasyon sa Facebook kaya hahayaan ko na lang na ang mga litrato ang magkuwento.

Apat na araw na ang nakakalipas simula nung mag-ihip ako ng birthday candle pero hanggang ngayon, nakakatanggap pa rin ako ng mga belated birthday greetings. May mga kaibigan akong nagpadala ng tula at mahahabang birthday wishes kung saan nilahad nila ang mga naging impluwensiya ko raw diumano sa kanilang mga buhay. Lahat ng mga ito ay pawang nakakataba ng puso.

Kahapon, tinawagan ako ni Didit, ang aking kaibigan at kasamahan dati sa pinagtatrabahuhan kong international research organization sa Tainan. Kinukumusta niya ang lagay ng aking ingrown nail at nagpayo siya sa mga dapat kong gawin sa susunod na tumubo ulit ito. Touched naman ako.

Two days ago, laking gulat ko naman nang ang bago kong boss na di palangiti at may reputasyon bilang istrikto ay bigla na lang nagpadala sa akin ng isang kahong mangga! Tinanong ko sa staff nya kung bakit ako binigyan (walang nakakaalam sa office na nag bertday ako) ang sabi ng staff ay wala lang daw. Mas lalo akong nagtaka nang malaman kong ako lang daw ang binigyan ng mangga at huwag ko raw sasabihin sa iba. Kanina, nagkasabay kami ng aking boss sa elevator at ang laking gulat ko rin na ngiting ngiti siya sa akin at nakipagbiruan pa.

Naka receive din ako ng isang makabagbag damdaming sulat galing sa aking close friend na si Jean. Nakakatuwa kasi sa tagal na naming hindi nag-uusap ay parang walang distansya sa amin. Nagbabasahan pa rin kami ng utak at pakiramdam. Sabi nga niya: “its funny that even if you are 1158 kilometers or 719 miles or 625 nautical miles away….(yes i googled that)….you seem to know how i feel.”

At eto, kinakalembang naman ako ng aking mga barkadang foreigners—nag-aaya na sabay-sabay daw kaming manood ng sine bukas. It’s our first movie date together and the thought na mahigit na 10 kaming sabay-sabay na papasok sa sinehan at  manonood ng sine ay parang napakasayang isipin.

Minsan, naiisip ko lang, what did I ever do to deserve all these kind gestures from friends and even strangers? Hanggang ngayon ay para ko pa ring birthday kaya kahit na may paparating daw na malakas na bagyo na galing Pinas at nagsisimula na ngang humangin at umulan, buong puso kong welcome ang nasabing bagyo with open arms. Sa tingin ko, bagyo ito ng blessings, at di isang sakuna.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Reflections, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

5 Responses to Post Birthday Reflections

  1. Permskee says:

    Ayaw kang tantanan ni Lord. Mabait ka kasi, mapagbigay, understanding and forgiving. That much I learned over the past 17 years I have known you.

    By the way, thanks for welcoming Dad with open arms…His name’s Gener and he brings you good luck. =D

  2. Jeannie Pacheco says:

    ronsky!!!!!! pwede bang makahingi din ng reading sa friend mo…..BWAHAHAHAHHAAAAAAAAAAAAAAAAY!!!!!!!!!!! Seriously, what you sow…you reap!

  3. Ajie says:

    Huwag ka na magtaka, kaya ka siguro single ka up to now kasi sobrang dami ang nagmamahal sa yo… : )

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s