Si Ronald sa Mata ni Ronald: Isang Self-Interview

Excerpts ito ng mga anim na pages  na interbyu ko sa aking sarili. Walang kokontra at walang basagan ng trip!🙂

Paano mo mailalarawan ang sarili mo ngayon?

Isang masayahing middle-aged na full-blooded Batangueno na hirap na hirap magbawas ng timbang. Maraming kontradiksyon sa buhay. Sobrang mabait pero sobra ring mapagtanim at matinding magalit. Mahilig sa sine, libro, pagkain, photography, pamamasyal, makabuluhang konbersasyon, musika, halaman,  kalikasan, katahimikan at pag-iisa.

Ano’ng mga pagbabagong nangyari sa `yo nitong nakaraang limang taon?

Bukod sa tumaba at tumanda, nag-iba ako ng trabaho, lokasyon at tirahan. Dati rati ay pleaser ako sa kahit na anong klaseng tao. Ngayon, pinipili ko na lang ang taong gusto kong i-please at pakisamahan. Mas madali na rin akong ma-irritate over a lot of things, pero pinipilit ko talaga itong baguhin kasi ayaw ko namang parating bwisit at inis ang aking mood. Dati ay masyado rin akong affected kung anong iniisip ng tao tungkol sa akin. Hindi ko na ito gaanong pinapansin ngayon. Mas naging deliberate ngayon ang aking attempt  to throw out all negative things and thoughts in my life. Gusto ko puro positive thoughts and energy na lang.

Ano’ng mga na-discover mo sa iyong sarili simula nang manirahan ka sa Taipei?

Ang sarap-sarap palang mag-isa. Ito ang greatest discovery ko, dahil lumaki ako na mayroong perception na malungkot at nakakatakot mag-isa. Hindi pala ito totoo. Napakasaya rin pala nang pakiramdam na na-e-empower mo ang iyong sarili dahil wala ka namang ibang maaasahan. Na-e-exhaust mo ang iyong diskarte, na-p-polish mo ang iyong mga skills at mas alerto ka sa maraming bagay dahil ito ang hinihingi ng sitwasyon.

Mayroon ka bang mga bagay na kinaaayawan tungkol sa buhay mo rito sa Taipei?

Mayroon pero minor lang. Ang dami-daming magagandang European films na pinapalabas sa mga sinehan pero puro wala silang English subtitles. Ganundin ang mga Taiwanese films. Gustong gusto ko silang panoorin pero di ko naman sila maiintindihan. Nagkalat din sa bangketa ang mga classic Chinese films na nasa DVD format gaya ng kina Wong Kar Wai at Ang Lee pero wala rin itong mga English subtitles. Nakaka-frustrate.

Ano’ng mga na-mi-miss mo sa Pilipinas?

Pamilya, mga kaibigan at pagkaing Pinoy.

Ano’ng mga libro ang binabasa mo ngayon?

Malapit ko ng matapos ang “Shark’s Fin and Sichuan Pepper: A Sweet-sour Memoir of Eating in China” ni Fuschia Dunlop. Kasisimula ko ring basahin ang “The Voluntourist” ni Ken Budd, ang “Enjoy Every Sandwich” ni Lee Lipsenthal at ang “Me and Paul” ni A.E. Hatcher. Di ko alam kung bakit lately, nahihilig akong magbasa ng mga personal essays at memoirs.

Paano mo ini-spend ang weekends mo?

Kalimitan ay nanonood ako ng sine. Pag hindi ko type ang mga palabas, gumagala ako sa mga malls at museums o di kaya ay nagbabasa o nagsusulat ako sa mga coffee shops. Minsan naman ay naglalakad lang ako at winawala ang aking sarili dala-dala ang aking camera. Enjoy na enjoy akong magkukukuha ng kung ano-ano. Kapag wala na akong maggawa, natutulog ako ng matagal. Yan and pinakamasarap kong activity–ang matulog!

Birthday mo na bukas. Ano’ng wish mo?

Dalawa lang. Sana di ako magkasakit. Am really praying for good health. Pangalawa, sana di magbago ang aking state of happiness and contentment. Hindi ko akalaing ma-r-reach ko ang state  na masaya ako sa lahat ng aspeto ng buhay ko–and that I am contented with the things that I have and don’t have.

Bakit ka nag-b-blog?

Self-expression. Kasi feeling ko marami akong pwedeng i-share na kuwento. Nung unang months, gusto ko na itong itigil kasi feeling ko masyado na akong nagiging self-indulgent at vulnerable sa buong sangkatauhan pero na encourage lang ako doon sa mga taong  patuloy na nagbibigay ng feedback at nagsasabing natutuwa at na-i-inspire raw silang basahin ang aking mga blogs. Naks. Di ako makapaniwala.

Takot ka bang tumanda?

Dati. Ngayon I am so looking forward to my twilight years–that is, kung bibigyan ako ng Diyos ng mas mahaba pang buhay.

Paano mo i-c-celebrate ang birthday mo bukas?

Inimibita ko ang mga kaibigan ko rito sa Taipei para mag-KTV. Nag-confirm na silang lahat. I want to celebrate my birthday with friends, and with a lot of music and laughter! Life is so good!🙂

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Reflections, Taiwan Life, Uncategorized. Bookmark the permalink.

18 Responses to Si Ronald sa Mata ni Ronald: Isang Self-Interview

  1. Permskee says:

    I’d be the first to greet you here! HAPPY BIRTHDAY RONALD!! Wish ko na maibigay ni Lord ang mga wishes mo. *mwah*

  2. Henry says:

    sa maraming taon na nating pinagsamahan at pagsasamahan pa! happy birthday ronski!

  3. milo says:

    housemate, schoolmate, batchmate, kabayan. Ay ikaw ay mag-iingat at ano man ang mga isyu mo sa buhay ay talagang ganyan laang. Ika’y lalaban, tatawa pag nakakatuwa at iiyak pag nakakalungkot. Ay ganyan eh! hapi bertdey na din🙂

  4. Joann says:

    Ronsky, happy birthday! I’m very happy that you have found the courage to weed out the negative energies in your life thus making you a more content, peaceful and happy person. Haha, Mahirap talagang magbawas ng timbang if you do not make that decision to clean up your diet and lifestyle. Inumpisahan mo na by throwing away the bad things in your ref and pantry, good job! Now just follow through, commit to it and I promise you many many more birthdays to come! PS. Dahil hindi mo naman ako inunfriend i assume im a good friend🙂 so here goes….I highly recommend a book by Jackie Warner, “This is Why You’re Fat” (I know, offensive title) but she is life changing! I hope you will be inspired by her positivity as much as I have been. I’m so into it that Sean is scared I will live a very very long time LOL. Have an even greater year Ronsky! Love, Jo

    • Hi Jo! Masyado mo namang sineryoso ang aking pag-unfriend. I only did sa mga di ko talaga kilala.I think I have seen that book. Sige, pag may nakita akong kopya rito, babasahin ko. Thanks so much. I super appreciate your greetings! Tc!🙂

  5. andy says:

    Hahahaha..nag chat pa tayo kahapon..di ko alam kinabukasan, birthday mo na pala….sana na advance happy birthday kita. nung nabasa ko itong blog mo sa itaas..parang ang sarap sarap gayahin ang mga ginagawa mo ngayon. o yes…dati…conscious ako sa edad ko… pero ngayon…parang gusto kong nang ipangalandakan ang tunay na edad ko…bakit ba? .kokonti lang yatang kasing edad ko na nakakasuot pa ng low rise na pants at tops na pang edad anak ng pamangkin ko. jusko ‘nald ilang taon na nga lang pala…mag do double citizenship na ako…that is…filipino at senior ..pero parang feeling ko… batang bata pa rin ako. nasa conditioning lang yan sa pag iisip hahahaha…hala…enjoy your KTV singing mamaya…inggit naman ako…matagal ko nang di naranasan yan…sa muli…happy birthday…at alam ko na ang mga taong mababait na katulad mo ang may blessing palagi kay Lord!🙂

    • Hi Andy! Ikaw ang isang taong hinahangaan ko kasi di ka talaga tumataba–and i’ve seen how you eat! And yes, alam ko malapit ka na rin sa senior years pero batang bata ka pa ring tingnan kasi bata ang puso mo. Naks! Thank you sa greetings and as I’ve always said, fan ako ng “Fans’ Day” column mo!🙂

  6. andy says:

    naku nald…yung tummy ko…ang tumataba…kaya di na ako pwede sa Small na shirts…medium na….hahaha

  7. Ajie says:

    Hi ronski! I am truly happy for you regarding your new-found life. … Wishing you more years to add to your age, more places to discover, more pictures to shoot, more songs to sing, more accomplishments at work, more friends to treasure…..

  8. Ida says:

    Belated Happy Birthday Ronald!

  9. ruel says:

    Pinakagusto ko yung sagot sa unang tanong, he he

  10. Jean Cabrera says:

    Happy, happy birthday my friend, I hope you’ll enjoy the very special day of your life with your friends, masaya yan KTV-karaoke ba ito sana tama ako. Binabati kita sa pagiging matagumpay mo sa iyong propesyon at pagiging matapang sa pagsalunga sa mga hamon ng buhay. Mabuhay ka kaibigan. Mahal ka ng ating Panginoon at lagi tayong dumalangain sa Kanya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s