Weeding Out

Nagsimula lahat kagabi nang maglinis ako ng ref sa bahay. Bigla na lang pumasok sa utak ko na kaya naman pala ako tumataba, hindi ko tinatapon ang mga pampatabang pagkain na umaaksaya lang ng space sa loob ng fridge. Naging ugali ko na na hangga’t makakalusot, dahan dahan kong binubuksan lagi ang ref at sinisimot ko ang mga junk foods na nag-c-contribute ng malaki sa tuloy-tuloy na paglobo at paglapad ng aking katawan.

Sinimulan ko sa tsokolate. Tinapon ko ang isang supot na Hersheys na paunti-unti kong kinakain pag nanonood ako ng TV. Sumunod dito ang tuyo. Sabi ko sa sarili, mas nag-re-retain ito ng asin sa katawan kesa asukal kaya kahit nanghihinayang ako, tinapon ko rin ang mga ito na sinadya ko pa namang bilhin sa Filipino store. Pagkatapos noon, yung mga pastries na binili ko sa bakery, tinapon ko rin. Tapos chocolate milk, softdrinks, at ang katiting na leche flan na pinagkatago-tago ko–pikit mata ko silang lahat na tinapon.

Pagkatapos noon, tumuloy naman ako sa kusina at nagsimula rin akong magtatapon ng mga chips, instant noodles, candies, etc. Na sinundan ko rin ng pagtatapon ng kung ano-anong mga kalat sa aking kuwarto gaya ng mga scratch paper, used ballpens, etc..

Nang makatapos ako, binuksan ko naman ang aking laptop para mag online. Di ko rin alam kung anong pumasok sa utak ko pero sa Facebook, nagsimula naman akong mag de-delete ng mga taong di ko naman kilala. Nang nagsisimula pa kasi akong mag FB, wala akong hinihindian. Lahat ng friend requests, accept lang ako ng accept. Pwes ngayon, unfriend naman ako ng unfriend. Matagal ko na kasing plinano na linisin ang aking mga files pero ngayon lang ako nagkaroon ng tamang tulak para gawin ito. At habang ino-organize ko ang aking mga work and personal files at itinatapon ang ilang documents sa recycle bin, para kong naririnig ang sabi ng aking mga teachers nung kolehiyo: “throw out all unnecessary stuff that you don’t need out of the window!”

Ang sarap ng pakiramdam ko pagkatapos. Parang gumaan ang aking dibdib. Para akong nag purga. Parang may lumuwag. Parang luminis at nahugasan lahat.

At alam ko, natanggal ko rin ang mga agiw at bara sa aking utak.

Nahanapan ko rin ng solusyon ang aking mental blocks.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Health, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

4 Responses to Weeding Out

  1. Ajie says:

    removing all the clutter of our life – nice one, Frend!

  2. sally says:

    sana di mo nadelete ang name ko rgm….hehehe

  3. syempre naman hindi, sally. ikaw pa!🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s