Writer’s Block

May sinimulan akong article kahapon na di ko alam kung bakit hanggang ngayon ay di ko matapos tapos. Technical at scientific article ito na bahagi ng aking trabaho pero nagtataka ako kung bakit dati rati ay mabilis na nakakatapos naman ako ng isang artikulo kahit na mayroon akong lagnat o masakit ang aking ulo, pero sa pagkakataong ito, talagang parang may bumara sa utak ko at ano man ang pilit ko ay ayaw dumaloy ng mga salita. Ilang oras na akong tumititig sa aking blank computer screen. May dalawampung beses na yata akong nagsimulang mag type pero hindi ko nagugustuhan ang aking sinusulat. Delete ako ng delete.  Tayo ako ng tayo s aaking upuan. Patay, sabi ko sa sarili. I am blocked.

Isa ako sa maraming tao na lumaking di naniniwala sa tinatawag na writer’s block. Feeling ko, excuse lamang ito ng mga manunulat para kusa silang mag-slack at magpa-bandying bandying. Matagal ko na ring na-program sa utak ko na there is no such thing as writer’s inspiration. Pag manunulat ka at ito ang trabaho mo, hindi ka na dapat naghahanap ng inspirasyon para sumulat. Ke inspired ka o hindi, dapat may output ka. Paano na lang pag hindi dumating ang inspirasyon? E di mamamatay kang ang mata’y dilat?

Ayon sa Wikipedia, marami raw dahilan kung bakit ang isang tao ay nakaka experience ng writer’s block. Maaaring simpleng distracted lang siya sa ingay ng kanyang kapaligiran, o wala nga siyang inspirasyon o maaari din daw na ito’y isang complicated creative problem na nag-uugat talaga sa utak, o dili kaya’y depression, stress, financial problem at kung ano-ano pa. Di ko pa rin siya ma-figure out kasi dati rati naman, mas nag-t-thrive ako under stress. At madali kong nahihiwalay ang mga personal kong problema sa aking work output.

Pero kakaiba itong nararansan ko ngayon. Tumatanda na ba ako at nangangalawang na ang utak ko? Mayroon ba akong unexpressed angst or repressed emotions? Di kaya ito pre-birthday blues dahil malapit na naman akong tumanda ng isang taon? Ganito ang nararamdaman ko pag nagkakaroon ako ng claustrophobic attacks. Di ako makahinga. Kailangan kong maglakad. Kailangan kong ma-divert ang aking utak sa ibang bagay. Manood kaya ako ng sine mamaya?

Sabi dun sa nabasa ko, pag nakaka-experience daw ng writer’s block ang isang tao, may mga nagbabago raw sa psyche niya na hindi niya alam.  “The person is often unaware of the change, which may lead them to believe they are creatively “blocked.”

Naku, ayaw ko ng mag-isip. Tatakbo ako mamaya at magpapapawis. Papagurin ko ang aking sarili hanggang sa ako’y antukin. Bukas, papasok akong nakapahinga at tatapusin ko ang aking sinusulat anuman ang mangyari.

Tantanan na ang mga block na yan.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in The Writing Life. Bookmark the permalink.

One Response to Writer’s Block

  1. Permskee says:

    I only suffer writer’s block if the topic was assigned to me.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s