Alas Sais ng Umaga sa Da’an Park

First time kong pumunta sa Da’an Park ng ganitong kaaga at di nga nagbibiro ang mga kaibigan ko nang sabihin  nilang punong-puno raw ng taong nag-e-exercise ang buong park between 4am and 6am. Ang pakiramdam ko tuloy, parang may magaganap na physical fitness convention dahil sanlaksang iba’t-ibang klase ng tao ang kung hindi man naka-shorts, naka jogging pants at naka-rubber shoes ang nagmamadaling pumapasok sa park na ito. Mayroon ding mangilan ngilan na naka tsinelas at nakapaa lang pero tumatakbo rin sila.

Nagbiro ang malikot kong utak. Mayroon bang Patron Saint of physical fitness? Dahil kung mayroon, hindi kaya pista nito ngayong araw? Baliw, sabi ng kabilang bahagi ng aking utak. Three percent lang yata ng buong Taiwan ang Katoliko. Baka nga ako lang ang nag-iisang Roman Catholic na naglalakad ngayon sa buong park. Syempre, narito rin ako para makiisa sa libo-libong tao na gustong mag-exercise at magpapawis.

Kasisikat lang ng araw, kaya di pa ito masakit sa balat. Di pa gaanong maliwanag ang sinag ng araw na tila sumisilip sa mga dahon ng puno at ang una kong reaction ay sayang, di ko dala ang aking camera. Agad kong sinara ang topic na photography sa aking utak. Nagsimula na ako sa aking warm up exercises at inihanda ang sarili para sa matinding takbuhan. Matapos ang limang minutong stretching exercise, sinimulan ko na ang brisk walking sa track and field rail. Isang round daw nito ay katumbas ng tatlong kilometro. Ibig sabihin, kung naka isang round na ako, naka-anim na kilometro na agad ako dahil tatlong kilometro rin ang aking nilakad mula sa tinitirhan ko hanggang sa park na ito.

Una kong nadaanan ang grupo ng mga senior citizens na seryosong nag-t-taichi. Dahan-dahan ang kanilang mga movements habang sinasabayan nila ang isang Chinese chant. Sa tabi nila, may dalawa ring matandang nag-e-eskrimahan gamit ang totoong espada. Ilang hakbang pa at nadaanan ko rin ang grupo ng matatanda na nag-p-practice naman ng golf. Araw-araw na lang ay pinapabilib ako ng mga senior citizens na ito, sabi ko sa sarili.

Matapos ang ilang metro ay tumakbo na ako–dahan-dahan muna hanggang sa ma-achieve ko ang comfortable pace. Sa gilid ng aking mga mata, nakita ko ang grupo ng mga teenagers na nag-p-practice naman ng skating. May mangilan-ngilang tao na nag-o-overtake sa akin pero hinahayaan ko lang sila. Empty your mind, sabi ko sa sarili. Running is supposed to clear our minds.

Halfway through the three-kilometer rail, pumatak na agad ang pawis sa aking noo at naramdaman ko na rin itong unti-unting bumubukal sa aking dibdib. Nagsimula na akong humingal at naramdaman ko na ang pabilis nang pabilis na takbo ng aking heartbeat. Gusto kong bumagal ng pace pero sabi ko sa sarili ay dapat maka-isang round muna ako bago ko ibalik sa brisk walking ang aking exercise.

At ganoon na nga ang nangyari. Matapos ang isang round, nag-alternate na ang pacing ko sa paglakad at pagtakbo. May bahagi ng aking sarili na parang na-frustrate kasi sabi ko, dati ay sisiw lang sa akin ang tumakbo ng dalawang oras nang halos walang pahinga. Bakit hindi ko na ito maggawa ngayon?

At mabilis ding lumabas ang malinaw na sagot sa aking utak: kasi bata pa ako noon. Kasi mas disiplinado ako noong kumain at mag-exercise. Pero di pa naman huli ang lahat. Ang umagang ito sa Da’an Park lang ang simula. Kailangang maging regular habit ko na ito para manumbalik na muli ang dati kong timbang at dati ring lakas.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Health, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s